ⅩⅢ. December ✓

3 0 0
                                    

Ang bilis ng panahon. December na, ilang buwan na lang, gagraduate na kami. Nakapagtest na rin ako sa mga university, nagpasama ako kay Tito Loyd. Nakakakaba tuloy kapag iniisip ko yung resulta.

Ano kaya ang mangyayare kapag naghiwahiwalay na kaming walo? Lalo na kaming apat? Pero, kaming dalawa kaya, tatagal kaya kami? Siguro kapag 'di ako umamin, talagang tatagal kami.

"Oh, natulala ka na naman diyan," si Pen na naman 'to, sigurado ako. Siya lang naman ang kumakausap sakin dito sa lugar na 'to.

"Inaantok ako."

"Kalalaro mo 'yan eh. Hehehe," 'wag naman niyang idamay yung paglalaro ko, 'yun na nga lang yung libangan ko eh. Wala pa nga akong cellphone, ayaw kasi ako pabilihan ni nanay kahit pinipilit ni mama, baka daw 'di na ako makapag-aral ng maayos. Tama naman siya, kasi sa computer pa lang, wala na eh.

"Maaga naman akong natutulog kahit galing ako sa Void, " pagdepensa ko. Totoo 'yan, kapag natapos akong kumain, basta nakapagpahinga na ako, deretso na ako sa kwarto ko.

"Syempre naaapektuhan pa rin yung mata mo," andami naman niyang sinasabi, alam ko naman 'yun.

"Baka naman dahil lang sa hangin 'to," sagot ko habang humihikab.

"Baka," bahala siya diyan magdaldal ng mag-isa. Ayokong masermonan ngayon.

Bumalik na ulit lahat ng mga kaklase ko sa loob. Mukhang nandyan na si ma'am.

Natapos ang klase, natapos ang sermon, natapos ang recitation at natapos ang paghihintay ng sasakyan. Oo, kasama talaga 'yun.

"Nandito na ko, nay." Sabi ko nang makapasok ako. Kaagad kong hinubad ang sapatos at inakyat ito sa kwarto ko.

Kaagad akong nagpalit ng damit na pang labas ng bahay. Pagtapos ay bumaba na ako pabalik sa sala, hinahanap si nanay para makapagpaalam na pupunta ng Void. Natagpuan ko lang siya kung saan ko siya laging nakikita, sa kusina. Buti na lang at pinayagan ako ngayon.

Nagpaalam na ako sa kaniya at lumabas ng bahay para maghintay ng sasakyan. Napansin ko rin ngayon, walang maingay na aso sa bahay.

Nang makababa ako ng sasakyan, dumeretso ako sa loob at nagbayad kaagad ng oras. Saktong pag-upo ko naman may naramdaman akong nasa paanan ko. Kala ko kung anong insekto, aso lang pala.

"—Oh, anong nangyare?!" tanong ni John na katabi ko pala.

Kaagad akong tumayo nang makitang may aso sa ilalim ng upuan ko. Alam ko 'tong asong 'to, siya yung aso sa bahay! Bakot nandito?!

"Philip, halika!" kaagad akong napatingin sa taong 'yun habang nananatiling nakatayo at 'di makagalaw.

"Tito Loyd, bakit nandito 'to?"

"Bakit masama ba?" ako ba yung niloloko niya? Halos tumayo na lahat ng balahibo ko sa kamay at sa paa dahil sa walang tigil na paggalaw ng aso sa paanan ko, babang siya naman, tumatawa lang sa isang sulok!

"Tito Loyd! Kunin mo na!" malapit na ako umiyak, bilis na! Para akong mamamatay sa bilis ng tibok ng puso ko. Pero ayokong mangyare 'yun! Ano, sa lamay malalaman nila na ang dahilan ng pagkamatay ko ay dahil sa aso? Yung mga doktor, kapag nalaman ba nilang ikinamatay ko ay atake sa puso dahil sa aso, tatawanan lang nila ako? Ayoko ng ganun!

Buti naman at kinuha na ni Tito Loyd yung aso, baka mangyare yung nasa utak ko, mas gustuhin ko pa na patayin ang sarili ko.

"Nako naman Loyd, 'wag mong tinatakot yung customer ko," thank naman kuya Daniel, tinulungan mo na naman ako.

"Normal lang 'yan sa bahay," teka, 'wag naman niyang sabihin lahat ng sikreto ko!

"Bahala ka. Kapag may nasirang PC diyan dahil sa ihi ng aso, ikaw mag-aayos niyan."

Will My Love Ever Reach?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon