Special Chapter: Deux ✓

5 2 0
                                    

Enlynn's POV

'Di ako mapakali, gusto ko na talagang makauwi! Kanina pa ako ganito, buti na lang at tapos na ang shift ko, makakauwi na rin ako, salamat naman.

Nang makarating ako sa bahay ay nagmano ako kay nanay saka hinalikan ang noo ng batang nasa tabi niya.

"Angelica," bulong ko, "Kamusta naman ang buong araw mo?"

"Masaya, ma! Galing ako sa house ni Eraiza!" Eraiza? Ah! Yung anak ni Yza, si Eliza! Ang cute talaga ng anak ko! Ang sarap pisilin ng pisngi!

"—A-Ah! Mashakitt," Ang cute niya talaga kahit pinilisil yung pisngi!

"Lynn, nandito ka na pala," kaagad akong napalingon sa hagdan nang marinig ko ang boses niya. Si Michael.

Lumapit ako sa kaniya at yinakap siya, 'di ko alam kung bakit pero napansin ko na panay ang dikit ko sa mga tao ngayon.

"Kamusta yung trabaho, mahal?" tanong ko sa kaniya habang nanatili akong nakayakap.

"Maayos naman, ikaw?"

"Alam mo naman yung sagot eh, ahahaha!" nang tumawa ako, hinawakan niya yung magkabilaan kong pisngi saka hinalikan ang noo ko.

"Sayo talaga nakuha ng anak natin yung ganda mo eh," mapang-uto talaga 'tong lalakeng 'to, jusko. Ngumiti na lang ako, at binitawan na niya ang pisngi ko.

"Tara, anak. Dito tayo sa taas," pag-yaya ko kay Angelica. 'Di na siya pumalag at masayang umakyat sa hagdanan kasama namin.

Nang makapasok sa kwarto, pinatulog ko muna ang anak namin. Nang makatulog siya ay kinausap ko si Michael.

"Alam mo, noong nakaraang gabi..." nakita kong nagtaka siya nang magsalita ako.

"May sinabi kang pangalan," pagpapatuloy ko.

"Pangalan? Anong pangalan?" napansin kong walang halong kaba ang expression niya. Sama naman... wala siyang tinatago sakin.

"Uh..." saglit akong napahinto at inisip ang pangalan. Tinitigan niya lang ako, at nakita ko rin ang gulat niya nang magsalita ako.

"AH! 'Silica' , 'yun yung sinabi mo habang tulog ka," pagpapaliwanag ko.

Wala akong kilalang tao na Silica ang pangalan. At pinapangarap kong—

"Silica?" para akong kinilabutan nang ulitin niya ang sinabi ko, na para bang may dumaan na multo.

"Ah, childhood friend ko siya. Pero matagal na rin siya wala. Baka naalala ko lang siya bigla," ngiti niyang pagpapaliwanag.

Tumango na lang ako at humiga na sa tabi ni Angelica. Pinag-usapan namin yung plano namin sa bata dahil malapit na siyang magsimula ng elementarya. Pero bandang huli, ang pinili naming paaralan ay ang private school na malapit lang sa amin, at alam ko rin naman na kaya naming bayaran ang requirements niya doon. Pagkatapos 'non ay natulog na kami tabi ng bata.

Kinaumagahan, nang magising ako ay wala na si Michael sa higaan. Maaga pala ang gising niya lagi dahil mas maaga ang pasok niya kaysa sa akin. Napangiti na lang ako nang makita kong tulog pa at nakabalot ng kumot si Angelica sa tabi.

Hinalikan ko muna ang noo niya bago ako lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan papunta sa sala. Ang naabutan ko sa kusina ay si nanay na naman, nagboluntaryo ako na ako na ang magluluto ng agahan, kaya umupo muna si nanay sa sofa. 

Katulad ng normal na gawain, ipinagising ko kay nanay ang bata at pinababa para kumain ng agahan.

Sabay-sabay kaming kumain sa hapag-kainan at masayang nagkwentuhan. Walang kaalam-alam sa nangyari sa labas ng bahay.

————

"MICHAEL!"

"MICHAEL!!!"

Halos mabasag na ang boses ko kakaulit ng pangalan niya.

Panginoon, tulungan niyo po siya ngayon. Nagmamakaawa ako ngayon! 'Wag niyo po muna siyang kukunin!

"MICHAEL!!" Panay ang sigaw ko at pilit na kumakawala sa mga pulis na nakapalibot sa lugar ng aksidente. Ngunit pagsigaw lang ang pwede kong magawa, kung sana ay marinig niya ako mula sa kinahihigaan niyang spinal board.

Bakit ngayong araw pa!? Ang saya-saya lang namin noong mga nakaraang araw. Bakit biglaan? Bakit biglaan siyang kinuha!? May plano pa kami na maggawa ng restaurant namin! Para sa anak namin!

————

Nakayuko kami ngayon, kasama ang mga kamag-anak ni Michael at mga kamag-anak ko. Rinig ko pa rin ang hagulgol ng mga kapatid at magulang niya mula sa malayo. Sa tabi ko ay si Angelica na naririnig ko ring umiiyak at nagpupunas ng sipon sa panyong ibinigay ko.

Ayokong umiyak ngayon. Hindi ako makaiyak. Sa sobrang panglalambot ko ay 'di na ko makaiyak. Ayoko na. Ayoko na.

"Ma!" yumuko ako para tignan si Angelica na naka angat ang dalawang kamay, nangangahulugang kargahin ko siya. Sinunod ko at yinakap rin siya ng mahigpit, pinipigilan ang paghagulgol ko.

————

Angelica's POV

GRADE 5

"Ano pala nangyare kay mama at papa mo? 'Di ko pa sila nakikita sa school."

Napatigil ako sa pagsusulat at inangat ang ulo ko para makita si Pen sa harap ko.

"Ahh..."

Papaano ko ba sasabihin ko sa kaniya?

"Ah! Kahit 'wag mo na sabihin. Baka...ano na—" pintol ko siya sa pagsasalita.

"Okay lang, okay lang!" ngumiti ako sa kaniya saka nagsimulang ikuwento.

"Si papa, bata pa ko 'nun eh, nung... nawala siya sa amin. Nabangga yung kotse niya ng malaking truck, kaya..'yun," tinignan ko siya ng maigi habang nagkukuwento ko, para malaman kung anong reaksyon niya.

"Si mama naman, bumalik sa Amerika para magtrabaho dahil nga, nawala na si papa," pagtapos kong ikuwento 'yun, nagulat ako nang may tumulong luha mula sa mata niya.

"Uy, bakit ka naiiyak? Ahaha!" tinawanan ko na lang siya dahil sa pagiging emotional niya. Dapat nga ako yung umiiyak saming dalawa eh!

"Ano ka ba? Sino bang hindi maiiyak diyan?!? Huhuhu.." napa iling na lang ako at pinatahan siya.

———

Will My Love Ever Reach?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon