Maaga ulit ako nakapasok ngayon, at sana naman gawin ko na 'tong habit na pang-araw-araw.
Pagpasok ko sa loob ng room namin, dumeretso ako sa dulo. Ang una kong napansin ay si Eliza na nakikipag-usap sa babaeng katabi niya. Sino naman 'yun?
Hindi ko nalang sila pinansin at tumingin sa bintana. Pinanood ko yung mga puno na gumagalaw, mga dahon na nililipad at—
"Oy, Angelica! Ang aga mo yata ngayon!" Putek, 'yan na si Tana! Sana naman manahimik ka kahit saglit, nakakahiya!
"Goodmorning, Angelica!" at sa tabi niya naman ay si—Pen!
Teka, bakit nagsilapitan na sila sa akin—At! Ibinaba nila ang bag nila sa upuan nila. Oo nga pala, dito sila nakaupo.
Napalingon ako sa kabila, mukhang 'di pa rin napansin ni Eliza ang pagdating nila Pen. Sino ba 'tong kausap niya?
Nagulat na lang ako nang biglang tumayo ang lahat. Mukhang nandito na yung guro namin. Binati namin siya ng sabay-sabay saka umupo, at doon nagsimula ang pagturo ng mga pag-aaralan namin. Sana naman hindi kami mahirapan.
Natapos ang buong umaga, at grabe, umaga palang 'yun pero parang mamamatay na ako. Nakakapanibago rin dahil mas marami ang subject na aaralin namin ngayon.
Inilabas ko na mula sa bag ko ang baon kong ulam. Hindi ako masyadong komportableng kumain dito ngayon, medyo madami kami dito eh, dati kasi, kami lang ni Eliza o Tana ang magkasama sa room kapag tanghali. Ganito pala ang highschool.
"Okay ka lang?" napalingon ako sa kaliwa ko. Akala ko naman kung sino, si Eliza lang pala. Anong nangyare pala sa katabi niya kanina?
"Sinuot mo na yung regalo ko sayo?" masaya kong tanong. Naalala ko, noong bakasyon, nag-ikot kami ng mall para ipagdiwang ang birthday niya, buti nga may pera akong dala 'nun, kung wala, wala rin akong nabili sa kaniya.
Tumango siya sakin bago umupo sa tabi ko. Oo nga pala, nagpatuloy sa pag-uwi si Tana tuwing tanghali, medyo malayo na siya sa bahay nila pero masarap daw kumain kapag nasa bahay kaya lagi siyang umuuwi, iba talaga.
Si Penelope naman, malapit lang daw ang computer shop—este, bahay nila dito kaya nilalakad niya nalang. Sana makapasok ulit ako doon. Buong bakasyon, nandoon ako, at ang tanging araw lang na pumunta ako sa ibang lugar ay ang araw ng kaarawan ni Eliza.
"Sino pala yung kausap mo kanina?" teka 'di ko sinasadyang sabihin 'yun!
"Ah, si Maria lang 'yun! Anak siya ng kaibigan ni mama," ah okay. Anak ng kaibigan ng mama niya.
Napatingin ako sa baunan niya at tama nga ang pang-amoy ko. Chicken Fillet!!!
Mabilis kong tinusok ng tinidor ang ulam niya idineretso sa bibig ko. ANSARAP!
"Bwiset ka, ako rin kukuha!" teka! Kinuha niya yung isang piraso ng hipon ko!
"Paano 'yan, pantay na tayo?" baliw talaga 'to, nakatingin tuloy sa aming dalawa ang mga kaklase namin! Pero... hindi ba't ako yung nagsimula ng ingay namin? Mukhang napansin rin ni Eliza, kaya tahimik ulit naming ipinagpatuloy ang pagkain namin ng tanghalian.
Hindi ko namalayan ang oras, nagulat nalang ako at dumating na si Pen, pero sabagay, malapit lang naman ang bahay nila dito.
"Oo nga pala, Pen," naisipan ko bigla, dahil June ngayon, "Malapit na yung birthday mo ngayon," last year kasi 'di siya pumasok dahil pinilit siya ng tita niya na magpunta sila ng mall para mamasyal. Ano kaya mangyayare ngayon?
"Oo nga 'no. Baka maghanda na lang ako, para naman makapasok ako ng araw na 'yun, wahahahaha!" Oo nga naman.
"Imbitihan mo kami ah," nagulat ako nang bigla naman sumulpot si Tana, kakarating niya lang yata.
"Anong pinag-uusapan niyo diyan? May naririnig akong handaan," 'yan na naman si Eliza, biglaan na rin siya sumusulpot.
"Malapit na yung birthday ni Pen, maghahanda na lang daw siya," sabi ko.
"Tama 'yan! Mas maganda! Hahaha!"
Napahinto kaming magkwentuhan nang nagsisidatingan na yung iba naming kaklase. Ngayon ko lang napansin na mas marami ngayon ang mga lalake sa section namin, ang ingay nila eh.
Nagpatuloy ang klase, namin. Buti naman at maikli lang ang oras ng klase sa hapon. Nauna na akong lumabas sa kanilang tatlo, may kausap pa kasi si Eliza, at si Pen naman, tatambay pa daw siya ng medyo matagal, malapit lang naman daw yung bahay nila, pero sana mag-ingat siya kung magpapagabi siya. Si Tana naman... 'yun, kasama yung kaklase namin last year na nasa ibang section, naglalaro sila ngayon ng badminton.
'Di naman ako pwedeng sumama kay Eliza na makipag-usap doon sa 'Anak ng kaibigan ng mama niya.' Ayoko rin tumambay kasama si Pen, hindi naman sa ayaw ko sa kaniya pero, baka pagalitan ako ni Tito Loyd pag tumagal ako. At mas lalong ayaw kong mag-laro, 'di na nga ako marunong ng badminton eh, tapos malakas pa si Tana sa larong 'yun.
Bago pa ako makalabas ng gate, may nakabangga akong lalake, matangkad siya! As in! O baka dahil lang sa 1st year pa lang ako. Pero matangkad talaga siya, nagulat nalang ako nang biglang yumuko sa akin, kala ko 'di na niya ako mapapansin. Pagtingin ko sa kaniya, bigla akong may naalala—si kuya Daniel! o si kuya Daniel nga ba?
"Sorry po, kuya," pagpatawad ko. Nakakahiya, tsaka muntik ko siyang tawagin na kuya Daniel, mas lalong nakakahiya! Paano kung kahawig niya lang talaga? Pero bakit ko pinoproblema 'yan ngayon?!
Dederetso sana ako palabas ng gate pero bigla niya akong tinawag, ano bang nasa utak ko na naman!
"Player ka 'dun sa comp shop namin, 'di ba?" nagulat ako sa sinabi niya. Kuya Daniel?! Tsaka siya rin yata yung nakasabay namin sa jeep, ibigsabihin, pinsan niya 'yun?
"Ikaw po ba si kuya...Daniel?" bakit ko sinabi 'yan?! Bakit lagi na lang akong biglang nagtatanong ng mga ganiyan?!
Wah! Bakit bigla siyang tumatawa?! Anong nakakatawa?! Mali ba ako? Kung mali, nakakahiya talaga!
"Ako yung batang kapatid ni kuya Daniel," kaya pala! Pero nakakahiya talaga!
Kaboses niya talaga si kuya Daniel, pero mas malalim nga lang yung kay kuya. Parehas rin silang matangkad.
"Angelica, bilisan mo!" bigla akong napatingin sa labas ng gate. Si Tito Loyd! Mabilis akong naglakad palabas ng gate, at oo nga pala, nalimutan ko magpaalam! Kumaway ako sa kapatid ni kuya Daniel bago ako umangkas sa motor.
Habang nasa biyahe kami, alam kong magtatanong si tito. Ano naman yung itatanong niya? Baka mamaya iba yung naisip niya sa amin!
"Kilala mo na pala yung kapatid ni Daniel," teka kilala niya rin 'yun?
"Nabangga niya lang ako kanina. Nag-sorry ako tapos namukhaan niya ako. 'Di ko naman alam na kilala ako sa loob ng computer shop na 'yun, tsaka grabe, akala ko siya si kuya Daniel, kapatid niya lang pala 'yun," 'di ko naman talaga alam na sikat ako eh.
"Teka, 'di mo ba napapansin na siya yung lagi mong katabi kapag maglalaro ka?" ano daw?
"Teka, bakit ikaw napapansin mo, habang ako hindi? Protective ka lagi sakin, 'no?"
"Syempre, lagot kaya ako kay nanay kapag napahamak ka," totoo naman. Talagang mapapalo siya ni nanay katulad ng ginagawa sa kaniya dati kapag nangyari 'yun.
BINABASA MO ANG
Will My Love Ever Reach?
Romantiek(8/5/20) Sundan ang kwento ni Angelica Scheyler kasama ang kaniyang mga kaibigan, kung paano niya pinagdaanan ang high school habang nananatiling may gusto sa kaibigan niyang kapwa niyang babae. Mananatili kaya itong naka tago, o maaamin niya kaya i...