Mukhang alam niyo na yung mangyayare ngayon. Meron kaming fieldtrip, at nandito ako ngayon sa tapat ng bahay namin, hinihintay si Tito Loyd na lumabas. Pinipilit niya pa kasing ihatid ako, pwede naman akong magtricycle! Matatagalan pa yata ako kahihintay sa kaniya.
"Nandito na ko," buti naman at lumabas na siya. Ang bigat kaya ng dala ko. Ngayon lang kasi nagkaroon ng field trip sa school namin kaya syempre, pinaghandaan ko.
"Saan ba naghihintay yung bus?"
"Doon daw malapit sa paradahan ng jeep," sagot ko.
Limang minuto ang itinagal ng biyahe papunta sa bus. Pagdating namin, nagulat ako dahil pumapasok na silang lahat sa loob ng bus. Baka naman maiwan ako!
"Thank you Tito Loyd, mauuna na ako!" bumaba na kaagad ako sa motor at tumakbo palapit sa bus, bitbit ang bag ko. Nang makasakay ako, mukhang ako na lang ang huli.
Nagtingin ako ng upuan, at kamalasan yata dahil wala ng natirang pwesto maliban sa pwesto sa tabi ni Aaron. Pwede pa bang may magvolunteer na lumipat sa tabi ni Aaron at ako uupo sa upuan nila? Mukhang wala yatang gagawa 'nun. Wala akong magagawa kundi umupo na lang sa pwesto na 'yun.
"Nandito na ba lahat?" tanong ng adviser namin.
"Opo!" rinig kong sigaw ng isa sa mga kaklase ko.
Nagsimulang umandar ang bus namin, hindi ako gaanong komportable sa tabi ni Aaron, noong second year kasi kami, nanggigigil ako sa kaniya dahil sa panggugulo niya sa amin nila Eliza, pero mukhang tumigil na siya ngayon sa panliligaw kay Eliza. Akala ko nga noong first year kami, nakikipaglokohan lang siya sa aming dalawa ni Eliza, totoo palang nagpaalam siya sa mama niya.
Itinaas ko ang bag ako mula sa baba at inilagay sa hita ko para yakapin 'to. Kung katabi ko lang ang isa kanila Tana at Pen, kanina pa ako sumandal. Alam ko namang ayaw magpasandal ni Eliza sa ibang tao.
"Okay ka lang?" napalingon ako sa tabi ako nang magtanong siya. Tumango lang ako bilang sagot. Yumuko na lang ako at isinandal ko na lang ang ulo ko sa bag para kahit papaano ay mabawasan ang hilo.
Piling ko isang oras na yung biyahe pero nang tignan ko ang orasan sa loob ng bus, kalahating oras pa lang ang nakalipas. Ayoko na, ngayon ko lang naisip na mas maganda palang sumakay sa motor ni Tito Loyd kaysa magbus, nahihilo na ko!
Napatigil ako sa kaiisip ko nang may naramdaman akong dahan-dahan na dumidikit sa leeg ko. Ano 'yun? Itinaas ko ang ulo ko para tignan, ito yata yung gamit ni Aaron na unan sa leeg.
"Sorry, akala ko tulog ka, kaya dahan-dahan ko lang inilagay."
"Okay lang, pwede ba?" tanong ko. Tumango naman siya sakin. Nakakahiya naman sa kaniya.
"Thank you," sabi ko ng nakangiti. Ang sarap pala sa piling na may ganito sa leeg, ang init rin.
Sinandal ko na ulit sa bag ang ulo ko para umidlip. Imbes na umidlip, nakatulog ako ng mahimbing, siguro dahil sa aga ng gising ko. Nagising na lang ako nang kalabitin ako ni Aaron. Liningon-lingon ko ang bintana, tama nga siya! Umaga na!
"Handa na ba kayong lahat? Bababa na tayo!" rinig kong sigaw ng isa sa mga guro namin. Mukhang sakto lang ang paggising sakin ni Aaron.
Bumaba na kami sa bus, lalapit sana ako kay Eliza na katabi si Alex nang bigla akong hinila ni Aaron. Akala ko mabait na siya?
"Bakit?"
"Sorry, 'di ko sinabi yung sinabi ng adviser natin. Kailangan daw magkasama daw ang magkatabi sa bus. Mamaya ka na lang lumapit sa kanila kapag walang nakabantay na teacher," inikot ko muna ang tingin ko. Mukhang tama nga siya, lahat kasi magkakasama na base sa upuan nila.
BINABASA MO ANG
Will My Love Ever Reach?
Romance(8/5/20) Sundan ang kwento ni Angelica Scheyler kasama ang kaniyang mga kaibigan, kung paano niya pinagdaanan ang high school habang nananatiling may gusto sa kaibigan niyang kapwa niyang babae. Mananatili kaya itong naka tago, o maaamin niya kaya i...