Simula na naman ng panibagong school year. Dagdag sa pahirap.
Tapos na lahat ng pinagawa ng adviser namin. Introduction, yung mga pag-aaralan sa buong school year, mga teacher, schedule, at huling-huli ay ang seating arrangement. Magkakatabi pa rin naman na kaming tatlo, pero parang binaligtad lang, dahil kami naman ang nasa harapan. 'Di rin maiiwasan 'tong si Maria na maging katabi ni Eliza. Si Pen, nasa likoran ko naman siya.
'Di ko alam pero parang kinakabahan ako ngayong school year, parang may mangyayareng masama. Baka lang naman.
"Ano ba 'yan, ang hirap naman magdaldal kapag nandito sa harap! Paano ba nakakatiis 'tong si Lauren na manahimik last year?" tama naman siya. Pero siya lang naman kasi yung maingay sa aming tatlo!
"Bakit kaya 'di mo na lang ikain 'yan?" napalingon ako bigla kay Eliza nang sumabat na naman siya.
"Basta libre mo," nag-aaway na naman sila. Nakakahiya naman sa mga bago naming kaklase, kami pa talaga 'tong nasa harapan ng klase.
Oo nga pala, last year kasi, halos walang nagbago sa klase—teka, wala pala talagang nagbago sa klase namin. Pero ngayong taon, nadagdagan kami ng mga galing sa ibang section.
Nakakahiya naman 'tong katabi ko, nagsisigawan na naman sila. Tsaka 'di rin ako komportable sa harap, lalong-lalo na at nasa tabi pa ako ng pinto.
"Okay ka lang?" napalingon ako sa likod ko. Si Pen lang pala. Tumango lang ako bilang sagot at humarap ulit.
—Teka. Kailan pa naging yearly na tanong ang 'Okay ka lang'? Sabagay, pwede naman. Pero bakit parang naging cycle na lang 'tong nangyayare sakin? Jusko naman, bakit pinoproblema ko 'to ngayon?
Nagulat na lang ako nang biglang nagtakbuhan yung iba kong kaklase na nasa labas pabalik dito. Siguro nandito na yung guro.
Natapos ang klase ng buong araw. Natapos na ang walang sawang introduction. Natapos na ang araw ng mga 'Feeling Close' at bukas sigurado ako, wala na 'yang mga 'yan. Nauna na akong umuwi, katulad ng nangyayare taon-taon, nagkwentuhan sila Eliza at Maria, si Pen naman, magpapaiwan lang sa room, at alam na nating lahat ang gagawin ni Tana, maglaro ng badminton.
Habang naglalakad ako papunta sa lugar kung saan ako naghihintay ng sasakyan, napatigil ako nang parang maaninag si kuya Berk—Barker—kuya Dmitri mula sa malayo. Akala ko ba college na siya? Dahan-dahan akong lumapit, at nang makalapit ako, wala namang tao. Baka namalikmata lang ako. Bahala na.
Buti naman at wala pa rin akong kaagaw sa paghihintay ng sasakyan dito. Maaga ako nakasakay at maaga rin ako naka-uwi. Pagdating ko, naamoy ko kaagad yung niluluto ni nanay, pritong isda yata ah. Sa kusina ako unang pumunta para tignan si nanay, nang makalapit ako sa kaniya, kaagad kong sinilip ay yung niluluto niya, akala ko naman isda, tortang talong pala.
"Si Tito Loyd?"
"Kakaalis niya lang kanina bago ka dumating, alas sais kasi yung pasok niya ngayon," tumango ako sa kaniya saka ako umakat sa pangalawang palapag at pumasok sa kwarto ko.
Nagbihis na ako at itinabi yung bag ko. Mamaya na lang ako mag-aayos ng gamit.
Bumaba ako sa sala dala ang wallet ko, "Nay, pupunta muna ako ng Void. Babalik rin ako," sabi ko bago ako lumabas ng bahay. Narinig ko rin ang pagpaalam niya mula sa labas.
Katulad ng ginagawa ko lagi, naghintay ako ng sasakyan at sumakay papuntang BGC. Pagdating ko, maingay na naman, pero hindi katulad ng dati.
"Isang oras, kuya Daniel," sabi ko sa server bago ako umupo sa paborito kong PC.
"Sige, boss," at kailan pa nag-evolve yung 'idol' sa 'boss'?
Nagbukas ako ng fb para lang mag-check ng mga pangyayare, syempre ayoko rin mapag-iwanan. Nagulat ako dahil angdami ng nag-add sakin, at nang mabasa ko lahat ng pangalan, yung iba dito, mga kaklase kong bago. 'Di naman siguro masamang mag-accept, 'di ba? Wala naman kayong magagawa.
BINABASA MO ANG
Will My Love Ever Reach?
Storie d'amore(8/5/20) Sundan ang kwento ni Angelica Scheyler kasama ang kaniyang mga kaibigan, kung paano niya pinagdaanan ang high school habang nananatiling may gusto sa kaibigan niyang kapwa niyang babae. Mananatili kaya itong naka tago, o maaamin niya kaya i...