I.3 Elementarya ✓

4 0 0
                                    

Dali-dali kong ibinaba ang bag ko at ang ipinamili sa upuan at tumakbo papuntang banyo. Kanina pa talaga ako nagtitiis 'dun sa palengke, taeng-tae na talaga ako.

Saktong pagkapasok ko sa banyo, narinig kong sumigaw si nanay mula sa labas, "Ikaw ba 'yan? Angelica? Loyd?"

"SI ANGELICA PO 'TO, NAY!" sigaw ko pabalik.

"ANO?! LOYD?!" ang kulit naman, oh.

"SI ANGELICA NGA 'TO, NAY!!!" 'wag mong sabihing hindi niya pa rin narinig.

"Teka, may bag dito... Nako! MAY MAGNANAKAW! Sinong may dala nito?! Magpakita ka!"

Nanay naman! Angelica nga diba?! Matanda na yata talaga si nanay, 'di na ko naririnig. At pati ba naman yung aso, tahol ng tahol! Yung bulldog na 'yun!

"NAAAAAY! SI ANGELICA!!!" Thank you po Lord, tapos na ko sa banyo!

Malakas kong binuksan ang pinto, "Nay, si Angelica 'to! Nandito ako oh!"

Nagulat ako nang bigla naman yumakap sakin si nanay. Bakit? Anong nangyari?!

"Apo, 'wag ka maingay... May magnanakaw sa loob—"

"AKO LANG 'YUN!"

Ilang minuto bago kami kumalma, at pagtapos 'nun ay nagbihis muna ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Pero piling ko, may naiwan ako.

"Apo, yung bag mo, nandito pa," Ah.

Dahan-dahan akong naglakad pababa ng ikalawang pababa para kunin yung bag ko sa sala. Doon, nakita kong nakatayo si nanay.

"Oo nga pala nay, ito yung gulay," sabi ko habang inaabot yung pinamili sa kaniya.

"Bakit ikaw yung bumili niyan?" sabi ko na nga ba, iba talaga 'tong tito ko.

"Nagpaalam kasi ako kay Tito Loyd na pupunta kaming grocery store eh, kaso inutos niya sakin na bilihin daw yung gulay, kaya 'yun."

"Kaya pala wala pa yung lalakeng 'yun. Baka nasa tropa na naman tumambay. Imbes na makatulong talaga dito sa bahay, nasa bahay ng may bahay. May trabaho nga, sa iba naman napupunta. Idagdag mo pa yung katamaran niya sa bahay. Dapat talaga matagal ko ng ipinalipat 'yun kung hindi lang sa ina mo."

"Oo nga nay, tapos ako pa laging inuutusan imbes na siya na laging naka-upo," reklamo ko.

"Weh? Ikaw pa nagsabi niyan? Eh isa ka rin, tamad ka lang rin, bata ka talaga," teka bakit napunta naman na sakin? 

"Kumain ka na pala, magsandok ka nalang muna ng sarili mo. Nalimutan ko gawin kanina, pasensya na," bakit pa nangihingi pa ng tawad si nanay?

"Okay lang, nay. Kaya ko naman na," 'di naman na ako bata.

Naglakad na ako papasok ng kusina para kumuha ng plato at nagsandok ng kanin. Pagdating sa lamesa, nagtaka ako dahil madalas, marami ang nakahain para ang matira ay para kay Tito Loyd.

"Nay, bakit kaunti lang yung ulam ngayon?"

"Ay, kulang ba? Ako na bahala, magluluto nalang ulit ako—"

"Hindi okay lang nay. Tinatanong ko lang kung bakit. Dahil ba kay Tito Loyd?"

Tumango si nanay. Sabi ko na nga ba. Dumadalas na kasi ang huli at hindi pag-uwi ni Tito Loyd kaya stress na stress si nanay sa kaniya. Kaya pa nandito si Tito dahil lang kay mama na nagpapatira sa kaniya sa bahay namin. Swerte nga dahil naawa pa sa kaniya si mama, kung hindi, nasa daanan lang ngayon si Tito. 'Di naman ako galit kay Tito Loyd, naiisip ko lang naman na nakaka-awa si nanay at si mama. Kung alam niyo lang na napakalapit namin sa isa't isa.

Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ako kay nanay na aakyat na ako sa kwarto ko para matulog. Nakakapagod rin kaya maglakad. Oo nga pala, naglakad lang kami pauwi dahil laging puno yung mga sasakyan na dumadaan, tsaka yung iba pa, namimili ng sasakay. Nakakainis!

Bago ako humiga, binuksan ko muna yung electric fan, ang init kasi eh. Sunod ay binuksan ko naman ang lamp, para syempre...wala lang. Pagkabagsak ng katawan ko sa higaan ay biglang tumahol ang aso sa labas. Baka dumating na si Tito. Bahala na, matutulog na ako.

Will My Love Ever Reach?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon