Ngayon, anong gagawin ko?
Naglakad ako papasok at grabe, ang bigat ng pinto, nakakatakot rin hawakan dahil salamin. Pagpasok ko, nabigla ako dahil wala dito sa loob ang inaasahan ko. Napakarami ng malalaking—teka naalala ko na yung tawag dito. Yung computer, napakarami nila, tapos ang dami ng gumagamit, halos lahat ng nasa loob ay lalake.
"Anong ginagawa mo dito?" napalingon ako sa kanan ko kung saan ko narinig yung malambing na boses, at grabe. Ang tangkad niya, mas matangkad pa siya sa tito ko.
"A-Ano po, kasi sabi ng tito ko, dito daw po muna ako, dito daw po siya nagtatrabaho," nakakahiya. Ito siguro ang unang beses na nakipag usap sa lalaking mas matanda sakin maliban sa tito ko.
"Ikaw ba yung pamangkin ni Loyd?" kilala nga niya si Tito Loyd. Tumango ako bilang sagot sa kaniya.
"Gusto mo ba maglaro? O hihintayin mo lang siya dito?" Bakit parang parehas sila ng presensya ni Pen? Magkapatid ba sila?
"Anong lalaruin?" Ano bang lalaruin dito?
"Computer. Mag internet ka kung gusto mo o kaya maglaro ka ng mga nilalaro nila doon oh," turo niya sa mga maiingay na lalakeng nakaupo sa harap ng computer.
"Maglalaro nalang po ako," pagsabi ko 'nun, dinala niya ako sa pinakadulo na upuan at binuksan ang computer.
"Marunong ka ba gumamit nito?" Tumango ako. Minsan kasi pinapalaro rin ako ni Tito Loyd sa netbook niya.
"Sige pala, ilang oras?" Ilang oras?
"—Ilang oras ka maglalaro diyan?" Dugtong niya. Buti naman, kala ko naman na...
"Isang oras lang po, magkano po ba 'yun?"
"10 piso, meron kabang dala diyan?" bakit ganun? Napaka-soft ng boses ni kuya?
Tumango ako sa kaniya at inabot ang bayad ko. Pina-upo niya muna ako at sinabihan na maghintay na bumukas ang computer.
Pagbukas ng tinawag nilang 'PC', parang biglang namulat ang mata ko sa buong mundo. Napakarami ng laro! Sobrang dami kumpara sa laman ng netbook ni Tito Loyd! Una kong binuksan yung mga website na may laro, syempre, ako pa?
Ilang minuto akong naglalaro doon ng mag-isa habang nagtitiis sa mga maiingay na lalake sa tabi ko. Masaya rin naman, ngayon lang kasi ako nakapasok sa loob ng ganitong environment.
"Okay ka lang? Kaya mo ba? Pwede ka naman magpaturo kapag 'di mo kaya," bakit bigla bigla namang lumilitaw si kuyang may ari ng 'cafe'?
"Okay lang naman po," bakit parang yung tingin niya sakin, parang may balak? Kidnapper... Kidnapper? Baka kidnapper nga!
"Sure ka?" 'yan na nga si kuya! Ginagamit niya ba talaga yung boses niya para sa trabahong 'to?!
"Daniel! Anong ginagawa mo diyan sa pamangkin ko?!" Napalingon ako sa pinto kung saan ko narinig yung boses ni Tito Loyd.
Thank you tito! Muntik na ko!
Bigla akong napalingon sa paligid. Bakit biglang tumahimik? Dahil ba kay Tito Loyd? Dahil ba sa ginawa niya?
"SI IDOL NANDITO NA!"
Ha? Idol?
"Masama bang magtanong? Malay mo, interesado pala 'tong pamangkin mo sa Counter Strike, 'di ba?" kung papakinggan mo yung boses niya, parang anghel, pero bakit kapag inintindi mo, parang demonyo yung nagsasalita?!
"Daniel, 'wag mo ngang dinedemonyo 'yang pamangkin ko," ano na ba 'yung pinag-uusapan nila? Tsaka Counter Strike? Ano 'yun?
"Hoy, Daniel, lagot ka diyan kay Loyd, HAHAHAHAHA!!! Tigilan mo na 'yan!" 'di ko maintindihan yung pinag-uusapan nila.
BINABASA MO ANG
Will My Love Ever Reach?
Romance(8/5/20) Sundan ang kwento ni Angelica Scheyler kasama ang kaniyang mga kaibigan, kung paano niya pinagdaanan ang high school habang nananatiling may gusto sa kaibigan niyang kapwa niyang babae. Mananatili kaya itong naka tago, o maaamin niya kaya i...