Girl, Be Mine

4.9K 38 2
                                    

-dedicated kay idol.. hahaha.. :D

 

Prologue

------------

 

“how dare you! Y-you betrayed me!”

 

Umiling-iling ako.. kasabay ng pag-iling ko ay ang pagtulo ng luha sa mata ko, while i’m kneeling and pleading in front of him.. i didn’t mean to do it.. i know, deep inside my heart that it was all misunderstanding.. aksidente lang ang lahat..

 

Gusto kong sumigaw.. gusto kong sabihin sa kanya na aksidente lang ang lahat ng nakita nya.. gusto ko mag-explain sa kanya na mali ang iniisip nya, pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.. wala akong ibang kayang gawin ngayon kundi ang umiyak ng umiyak lang..

 

hindi ko ginusto un, at kahit kailan, hinding hindi ko magugustuhan, dahil hindi ko kayang magtaksil sa kanya..

 

Siya lang ang mahal ko..Mahal na mahal..

 

“i don’t want to see your face anymore.. kahit kailan, ayoko nang makita ang pagmumukha mo..”

 

Hawak-hawak ko ang dulo ng t-shirt nya habang umiiyak.. nakatingala ako sa mukha nya at nakikita kong tumutulo din ang luha nya.. kitang kita ko ang galit sa mukha nya.. ang matalim nyang tingin at ang galit.. umiling iling ako.. at sa pag-iling ko na un, nakabitaw na pala ako sa hawak nya, at pinanuod ko na lang siyang talikuran ako at lumakad na siya paalis..

“KAI!”

Napadilat akong bigla.. hinahabol ko ang hininga ko, habang luminga-linga ako sa paligid ko and i found out na nasa loob ako ng kwarto ko.. nakahiga pa din ako sa kama ko and i sighed.. nasa dorm pa ko.. hinawakan ko ang dibdib ko dahil hindi pa humihinahon ang puso ko.. nasa loob pa ko ng dorm ko at wala ako sa labas.. 

It’s just a dream..

Bumangon ako sa kama habang kinakalma ko ang sarili ko.. “what was that?” bulong ko..

Napabaling lang ang atensyon ko nang may kumatok sa pinto ko.. narinig kong sinigaw ni ate Beth – ung ka dorm mate ko at may ari na din ng dorm – ang pangalan ko, kaya dali-dali akong bumaba ng kama.. pagkasuot ko ng slippers ko, diretso na kaagad ako sa pintuan para pagbuksan ng pinto si ate Beth..

“Alex.. Bakit ang tagal mong buksan ung pinto?” sabi nya habang hawak-hawak ung wireless telephone nya..

Napakamot ako sa ulo ko.. “kagigising ko lang kasi, ate Beth..” sabi ko..

“ah.. ok ka lang ba? Parang narinig kasi kitang sumigaw..”

I nodded.. “opo. Ok lang po ako.. ah, ano.. hindi po ako ung sumigaw..” pagdadahilan ko na lang sa kanya..

“hindi ba ikaw un?” ipinilig nya ang ulo nya.. “baka guni-guni ko lang un..” sabi nya at saka ngumiti.. “nga pala, ang nanay mo nasa telepono, kakausapin ka daw..”

Girl, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon