Tin's POV
At ito na nga. Muli akong nagbabalik. Charot! Nag- celebrate si tita ng birthday nung isang araw. At ngayon, papasok na naman kami sa school."Chineck mo ba yung instagram mo?" tanong ko kay sarah. "Bakit? Anong meron?" tanong niya sa akin. "Pupunta daw dito sa school sila Toni at Alex." sabi ko. At ayan na hyper na siya. "Talaga? Wait." Chineck niya yung IG account niya para malaman niya kung talagang nagsasabi ako ng totoo. Nung nakita niya yung post ni Toni, aba! Tuwang tuwa naman siya. "Finally! Makikita ko na siya in person! Matagal kong hinintay to e." sabi niya uli na siya namang totoo.
(Wednesday afternoon at 3 pm......)
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng kaibigan ko. Lahat kami, suportado ang pagiging fangirl niya over Toni and Alex.Nagbukas ang branch ng happy cup sa tapat ng school namin eksaktong break time. Kaya naman si best friend....
"Bes, tara na. Dali. Baka wala na sila." tinitigan ko siyang maigi. Nakita ko sa mata niya ang magkahalong saya at excitement. "Okay. Lezzgow!" sabi ko.
Dumiretso kami sa happy cup branch sa tapat ng school. And guess what... Ang haba ng pila. Sabi ko, "Bes, ang haba ng pila. Tapos parang nagugutom na ako. Balik na tayo sa campus. Dun na lang tayo kumain." sabi ko. " Sandali naman bes. Nandito na tayo e. Ngayon pa ba tayo aalis? Ang lapit lapit na nila e. Abot kamay na natin o. Ngayon ka pa ba susuko? " sabi niya sa akin. Determinado talaga siyang matupad ang isa sa mga wildest dreams niya. Well maganda dun naman dahil ang ending, nagkita silang tatlo. Ako na ang third wheel.
"Hi, what's your name?" tanong ni ate Toni kay sarah. "Sarah po." sagot niya. "Ahh. Oh anong flavor ang kukunin niyo? Friend mo ba siya?" tanong niya kay sarah sabay tingin sa akin ni ate Toni. "Choco blast and buko pandan ate. Opo best friend ko po siya." sagot niya. "Kukunin ko yung number mo, ha? Ibibigay ko rin kay Alex para may communication pa rin tayo." sabi ni ate Toni. Kaya binigay ni Sarah yung number niya.
Pagbalik namin sa campus inubos namin yung happy cup na binili namin at talagang walang mapaglagyan yung saya na nararamdaman ni Sarah ngayon. Paano ba naman natupad na yung wildest dream niya ever. I'm happy for her.
A/N: And here it is! Another update is up. Sorry for the delay. Enjoy reading!
YOU ARE READING
Until Forever
FanfictionAshMatt Fanfiction Date Started: May 11, 2018 Date Finished: December 4, 2020