After a year......
Tin's POV
Today is the big day of my sister. Ikakasal na siya sa kanyang long time boyfriend. Medyo natagalan lamang ng isang taon ang kanilang pag- iiisang dibdib dahil sa banta ng Corona virus. Ngunit gayunpaman ay natuloy pa rin ang kanilang kasal."Ate, natutuwa ako sapagkat sa wakas ay matutuloy na din ang inyong pag- iisang dibdib ng iyong pinakamamahal na ginoo." Sabi ko. "Ay ako din sobra akong excited sa magiging buhay namin after the wedding." Sabi niya. "Yun nga lang, hindi na tayo madalas na magkikita at magkakasama sa iisang bahay gaya ng dati sapagkat ikaw ay maninirahan sa iyong bagong tahanan kasama ng iyong mister." Saad ko. "Mamimiss ko rin naman ang iyong kakulitan bilang nakasama kita buong buhay ko at sa kauna- unahang pagkakataon ay magkakahiwalay tayo. Hindi ako sanay na hindi kita nakakausap tuwing gabi bago ako matulog." Salaysay niya. Totoo naman dahil hindi naman magiging madali para sa aming dalawa na mawalay sa isa't isa lalo pa't dalawa lamang kaming magkapatid. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang mahiwalay sa kapatid ko.
Nagsimula ang seremonya ng kasal bandang alas dos ng hapon at natapos ng alas tres trenta ng hapon. Dumeretso na kami sa reception pagkatapos. Nagbigay din ako ng mensahe sa bagong kasal.
"Ate, and to my new kuya, sa ngayon, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Masaya ako kasi siyempre finally e kinasal na kayong dalawa. Yung maituturing kong "couple goals". Sobra akong excited pero hindi ko din maiwasang malungkot sapagkat wala na akong makakakwentuhan tuwing gabi bago matulog. Mahirap mag- adjust lalo na't nasanay ako na laging nandiyan ang ate para makinig sa mga kwento kong minsan paulit- ulit lang. Minsan naiisip ko, paano na ako kapag nagpakasal si ate? Sino na ang magiging takbuhan ko kapag may problema ako? Kasi all these years kami lang ang laging magkasama e. Siya yung taong kahit hindi ako umiimik, alam niya kung may problema ako kahit hindi ako magsalita o magsabi. Kaya natatakot ako. Natatakot ako baka pag dumaan ang mga araw, kakalimutan na ako ni ate. Ngayon na kasal na kayo ni kuya mikee, sana walang magbago. Sana lalo pang maging strong yung bond natin as sisters. Kuya mikee, sana alagaan mo ang ate. Always be on her team never be against her. Kapag nagshopping ang ate, ipapakita niya sayo. Dapat lagi kang excited. Samahan mo siyang magpuyat gabi gabi. Sana lagi kayong maging masaya. Lagi lang kayong healthy. Mahal na mahal ko kayong dalawa. I will always be here for you. I will always be your bunso. No matter what. Love you ate and kuya!" Sabi ko sa kanila. At nag- offer ako ng toss para sa kanila. Sobrang naiiyak ako habang nagbibigay ng message para sa kanila. First time kong maiyak ng sobra. Dati pangarap lang namin yun ni ate e. Ngayon natutupad na nang paunti- unti. Balang araw, matutupad pa yung mga iba naming pangarap. Maaaring hindi na namin ito magkasamang matutupad ngunit subalit, alam ko na matutupad din ito sa takdang panahon.
Nagpatuloy ang kasiyahan. Nagbigay ng mensahe ang kanilang mga ninong at ninang at matapos nito'y nagkaroon kami ng salu- salo para sa bagong kasal. Hindi pa rin ako makapaniwalang tatlo na lang kaming uuwi nang magkakasama ngayon dahil uuwi na si ate kasama si kuya. Nakakapanibago.
"Mommy, daddy, pwede bang patabi kahit ngayong gabi lang?" Tanong ko sa kanila. "Okay lang anak. Alam naming naninibago ka pa lang dahil bagong kasal ang ate mo. Halika." Sabi ni daddy.
Nagpahinga na kami pagkatapos naming magkwentuhan tungkol sa mga future plans matapos ikasal si ate.
Kinabukasan.....
"First morning without ate. Nakakalungkot. Nakakapanibago." Bulong ko sa aking sarili. "Anak, good morning. Breakfast is ready. Kain na tayo. Mahaba pa ang araw natin." Tawag sa akin ni mommy. "Opo my. Pababa na po." Sagot ko.Nagbreakfast na kami. Nakakapanibago talaga, lalo na't unang breakfast namin na wala si ate. Mamaya sigurado akong tatawag na yun.
After an hour....
Nagring yung phone ko. Sinagot ko naman. Si ate ang nasa caller's ID.*Phone convo*
"Hello, ate?" Bungad ko. "Bunsooooo! Kumusta naman kayong tatlo jan? Kumain na ba kayo nina mommy?" Tanong niya. "Okay naman ate. Nagbreakfast na kami. Ikaw?" Tanong ko. "Okay naman pero namimiss ko kayo. Nahohomesick ako." Sagot ni ate. "Kami rin miss ka na rin namin." Sagot ko. "Wag kayong mag- alala magkakaroon din kami ng time na dumalaw sa inyo." Sagot ni ate.Binaba na din ni ate yung phone. Madami pa daw kasi silang aasikasuhin ni kuya. Maglilipat- bahay kasi sila next month. Ngayon, bumibili pa lang sila ng mga gamit sa bahay. Kaya busy silang mag- asawa ngayon. Miss na miss ko na agad si ate. Sobrang close kasi namin sa isa't- isa. Masasanay din siguro kami ni ate na hindi namin nakikita ang isa't isa araw- araw. Ako ay abala naman sa pag- aayos ng kwarto ko. Nilipat ko na yung ibang gamit ko sa dating kwarto ni ate dahil punung- puno na din yung kwarto ko ng gamit Kaya naisip kong ilipat yung ibang gamit ko sa kabilang kwarto para hindi masyadong masikip.
"Anak pwede bang pumasok?" Tanong ni mommy. "Opo, my." Sagot ko.
Pumasok si mommy sa kwarto.
"Ano po bang kailangan niyo?" Tanong ko. "Naisip ko lang kasi na baka gusto mo munang mamasyal or may gusto kang bilhing libro sa NBS. Or baka gusto mong manood ng movie muna. Para kahit paano naman e maibsan yung lungkot na nararamdaman mo pagkatapos ikasal ng kapatid mo." Sabi ni mommy. "Okay lang, mommy. Masasanay din po ako. Sa umpisa lang naman po ako mahihirapan e. Pero sigurado po akong kakayanin ko din ko din to." Sabi ko. "Sige pero kung gusto mong lumabas kasama yung mga kaibigan mo, sabihin mo lang sa amin ng daddy mo. Papayagan ka naman namin basta magpapaalam ka sa amin." Sabi ni mommy. Naisip ko, dati lumalabas ako kasama si ate. Kaya ngayon, naninibago ako.
Nagdinner na kami pagkatapos naming mag- usap ni mommy. Ang swerte ko kasi tinutulungan din ako nina mommy na mag- adjust. Bago kami matulog, nag- uusap pa din kami ni ate gaya ng nakasanayan namin. Hindi mo na mababago ang nakasanayan naming magkapatid. Okay lang naman kay kuya mikee yung ganoong set- up kasi siyempre paulit- ulit namang sinasabi ni ate sa kanya yung sitwasyon naming magkapatid. Naiintindihan naman niya yung sitwasyon namin. Kaya naman masayang masaya na din ako kahit paano.
YOU ARE READING
Until Forever
FanfikceAshMatt Fanfiction Date Started: May 11, 2018 Date Finished: December 4, 2020