IKADALAWAMPU'T PITONG KABANATA(27)

147 2 0
                                    

Alex's POV
Kagagaling ko lang kina ate kanina. Pinaalis ako dahil sa kaingayan ko. Hays. Ewan ko ba kay ate. Sanay naman siya dati sa ganung ugali ko ah. What happened?

"Alex, bakit ka ba kasi nagpunta doon?" tanong sakin ni mikee. "E kasi namimiss ko si seve e. So... Yah know." sagot ko. "Sa susunod umayos ka. Yang kaingayan mo, bawas bawasan mo. Minsan kasi sumosobra na e." sabi naman ni mikee. Tahimik na ako buong biyahe. Wala ako sa mood makipagtalo ngayon.

Pagdating sa bahay.....
"O Alex, okay ka lang?" tanong sakin ni mommy. "Opo. Medyo pagod lang ako." sagot ko naman. "Napagsabihan ka na naman ng ate mo, 'no? Hay nako yang itsura mong ganyan, dalawa lang ang ibig sabihin niyan, nag away kayo ni mikee o napagsabihan ka na naman ng ate mo." ani mommy. Tong nanay ko talaga, hindi ko mapagtataguan. " Napagsabihan ako ng ate mommy." sabi ko na lang. "Sabi ko na e. Malamang ginulo mo na naman siya sa pagpapatulog sa pamangkin mo. E sa sobrang ingay mo malamang hindi makakatulog yung bata." sabi niya. "Mommy tingin mo dapat ba itikom ko na lang yung bibig ko kapag pumunta ako doon?" tanong ko sa kanya."Nako palagay ko dapat sa bibig mo, lagyan ng scotch tape. E ang hirap kontrolin e. Ewan ko ba sayo bakit ka ganyan." Pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyon, umakyat siya para magpahinga. Habang ako naiwang nakatulala at napaisip sa sinabi niya. Maingay na talaga ako?  Sagutin niyo nga. Hay magpapahinga na lang ako.


A/N: New update, y'all! The long wait is over. Please don't forget to subscribe to ate Tin's YouTube account. God bless!

Until ForeverWhere stories live. Discover now