Sarah's POV
Day two na ng aming founding anniversary. At kasabay nito, nakakausap at nakakatext ko pa rin si ate Toni.
"Go, Educ!!!" cheer namin. "Tubig?" tanong ni Matteo. Nagtuluy- tuloy kami sa ganung sitwasyon buong maghapon. At halos matuyo na rin yung lalamunan namin kaka cheer.Maya maya, may nagtext.
✉From: Ate Toni❤✉
Hi, watchadoin'?
*sent*✉To: Ate Toni❤✉
Nagchi cheer po. Buhay estudyante na bawal umabsent dahil hindi pwedeng mawalan ng attendance. Mahirap na po baka magkaroon pa ng fines.
*sent*✉From Ate Toni♥✉
Good girl. Wow akala mo naman talagang nagpapaka ate ako sayo e, 'no? Pero okay lang naman siguro sayo yun? Hindi ka naman siguro mafa-flatter.
*sent*✉To: Ate Toni♥✉
Okay lang ate saka mas gusto ko nga yun e. Yung may nagpaparamdam sa akin na pwede pa rin akong maging ading paminsan- minsan. Bihira ko na lang yun naramdaman e.
*sent*✉From: Ate Toni❤✉
Ay, andrama na natin. Tama na to. Parang maiiyak na ako. Ikaw din ba?
*sent*✉To: Ate Toni❤✉
Opo. Malapit na nga pong tumulo luha ko e. HAHAHA.
*sent*✉From: Ate Toni♥✉
Tama na muna mukhang magkakaiyakan tayo tapos sabihin pa sakin ni Pauly may nakaaway na naman ako or may nagpaiyak na naman sa akin. Ayaw na ayaw na kasi niyang nakikita akong umiiyak e.
*sent*✉To: Ate Toni♥✉
Ate?
*sent*✉From: Ate Toni♥✉
Yes?
*sent*✉To: Ate Toni♥✉
Baka po kasi nakakaistorbo na po ako sa inyo ate and baka din po kasi may work kayo.
*sent*✉From: Ate Toni♥✉
No worries, nagpapahinga ako. Katatapos ko lang patulugin si seve.
*sent*Nag-enjoy naman akong katext si ate Toni. Di ko namamalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Tin para maglunch.
"Bes, oy kanina pa kita tinatawag para maglunch. Ikaw na lang hinihintay naming tatlo. Masyado mo yata kasing ineenjoy yung ginagawa mo. Naglalaro ka ba?" tanong niya. "Oh sorry. Hindi. Actually kanina ko pa katext si ate Toni. Kaninang pinapatulog niya at pagkatapos niyang patulugin si seve." sagot ko. "Oh kaya nakangiti. Akala ko kung ano na yung tinitingnan mo sa phone mo kanina e. Halika na nga para makakain na tayo. Gutom na gutom na ako e." sabi niya.
Kaya kumain na kami pagkatapos nila akong hintayin ng almost an hour. Tagal din nun ah. Pero ayos lang at least bago man lang ako kumain e may baon na akong ngiti.
After naming kumain, tuloy ang pagchi cheer. Hindi ko na naman ulit namamalayan, inaantok na ako. Masyado kasi akong natuwa kanina. Yan tuloy. Hays.
A/N: Hello readers! Sorry for the super delayed update. It took me almost a week before publishing this story part. Ayaw gumana ng utak ko this past few days. Sorry. Enjoy reading.
YOU ARE READING
Until Forever
FanficAshMatt Fanfiction Date Started: May 11, 2018 Date Finished: December 4, 2020