CHAPTER 5️⃣4️⃣

82 0 0
                                    

Tin's POV
After two years...
Next year, plano ko nang i- enroll si seve sa school. He's turning 4 this September so pwede ko na siyang i- enroll sa prep. Matalino si seve. Alam na niya ang alphabet and numbers 1 to 20.

"Mommy when am I going to school?" Biglang tanong ni Seve. "Next year baby. You're going to school already." Sagot ko. "Really mommy? I'm so excited." Sagot niya. "Yes. Call your dad na and let's have breakfast." Utos ko sa kanya. Agad naman niyang tinawag si Paul para makakain na kami ng agahan.

Naghanda ako ng hotdog, french toast, itlog, meat loaf at bread.

Kumakain na kami ngayon.

"Kumusta naman kayo sa work?" Tanong ko kay Paul. "Okay naman kami. Medyo mahirap nga lang kasi nakawork from home ako. Pero masaya pa din naman kasi nakakasama ko kayo ng anak natin.  I'm enjoying this work from home experience sa totoo lang. More time for both of you."  Sagot niya. "Daddy,  I am so excited for next year." Sabat ni seve. "Why? What excites you about next year?" Tanong ni Paul. "Mommy told me that I'm going to school by next year. I'm excited to study. I wanna be a director like you. I am so happy." Sagot ni seve. "Is that so? Maiiwan mag- isa dito sa bahay si mommy." Sagot naman ni Paul. "She can't come with me in school dad?" Tanong muli ni seve. "Well it's up to you if you want her to stay with you."  Sagot ni Paul. "Mommy you can go to tata so you won't be sad while I'm in school." Sabi sa akin ni Seve. "Well that's a great idea sevs. Anyway later, after you finish your food, I want you to go to your room and sleep."  Sabi ko.

Pagkatapos naming mag- lunch, natulog si seve at ginamit ko naman yung time na yun para labhan ang mga damit niya. Pagkatapos, nagpunta ako sa kwarto namin ni Paul. Habang busy siya sa pagtratrabaho, nagbasa naman ako nang libro. Naging habit ko na yung pagbabasa kapag walang masyadong trabaho. Mga alas tres ng hapon, nagising si seve. Agad naman kaming pumunta sa park. Nakawork from home si Paul kapag weekends. May sariling company si Paul. Called 1017. Tapos sa tabi ng office niya, yung office ko. My office is TinCan. Marami na kaming naipundar since we got married. Ngayon, since nasa bahay lang kami, sinusulit namin ang mga oras na magkakasama kami.

"Mommy, can we call ate Josephine?" Tanong ni Seve. "Sige anak kung yan ang gusto mo." Sagot ko. Tinawagan ko ang ate. Since weekends, pumayag siyang puntahan kami dito sa bahay.

Pagdating nina ate...

"Hi, Seve! Sorry ha? I wasn't able to make it to your party. Nagkaroon kasi ako ng importanteng kliyente e."  Sabi ni kuya mikee. "It's okay tito. How about today? Wala po ba kayong importanteng gagawin?" Sagot ni Seve. "Ah. Wala naman. Gusto mo ba dito muna ang ate Josie mo tapos maglaro kayo buong araw?"  Tanong ni kuya. "Kung okay lang po kay tita."  Saad ni Seve. "Nako seve okay lang sa akin. Kahit magsleep over pa kami dito ayos lang. Tsaka normal lang naman sa mga magpipinsan ang magkaroon ng playtime together." Sagot ni ate. Agad namang nagpunta sa playground ang dalawang bata, habang kaming apat, nagkaroon ng small talk...

"Kumusta naman kayo dito?"  Tanong ni ate. "Okay naman ate. Nag-iipon na ng pang- enroll." Sagot ko. "Ah. Mag aaral na nga pala si seve next year. Alam mo mabuti pa, i- enroll niyo siya sa JETMS kung saan nag- aaral itong si Josie. Para naman magkasama sila." Sabi ni ate.  "Mabuti naman ate at nag- suggest ka. Naghahanap pa lang kasi ako ng school para kay seve e." Sagot ko. "Dun mo na lang siya i- enroll para di ka na mahirapan. Besides, 8 to 10 ang klase nila. Tapos pagkatapos ng klase niya, si Josephine naman ang papasok ng 10 to 12. Kindergarten 1." Sabi nito. At nagdesisyon akong i- enroll si Seve sa nasabing school.

Month of August...

Cathy's POV
Kindergarten 1 na ngayon si Josephine. Habang si seve, nursery. Kasama ni seve si Lestine sa pagpasok. Pagkatapos uuwi muna si Lestine at tsaka babalik sa school ng 10 am. Ngayon, first day of school. Tinawagan ko siya para kumustahin.

*Phone convo...

"Bunso, naihatid mo na ba si seve?" Tanong ko. "Oo ate." Sagot niya. "Saan ka na pupunta ngayon?" Tanong ko uli. "Well, uuwi muna ako. Marami pa akong kailangang gawin sa bahay." Sabi niya. "Samahan ka na muna namin. Tutal naman nasa trabaho naman ang kuya mo at si Paul ngayon, e sasamahan ka na lang muna namin habang naghihintay kaming matapos ang klase ni seve pagkatapos e papasok na din itong pamangkin mo. Magkasunod lang naman kasi yung oras ng klase nila." Sabi ko. "Sige ate. Hihintayin  ko na lang kayo ni Josephine dito sa bahay. Mag- iingat kayong dalawa, ha?"  Paalala niya.
*End of convo*

Binaba na din niya Yung telepono pagkatapos naming mag- usap. Hindi din nagtagal ay nakarating na din kami sa bahay nila Tin. Agad siyang sinalubong ng anak ko.

"Hi, tita! I miss you!"  Sabi nito sabay yakap kay Lestine. "Naku ikaw talagang bata ka. E hala sige. Magpahinga ka muna doon  sa living room maya maya lang ng kaunti e papasok ka na rin sa school."  Sabi ni bunso.

Tin's POV
10 am.....
Nandito na ako ngayon sa school para sunduin si seve. Katatapos lang ng klase niya. Kasama ko sina ate at Josephine. Papasok na si Josie ngayon. At uuwi naman mamayang alas dose. Pumasok na ako sa classroom nila para sunduin si seve.

"Seve! Let's go home na." Sabi ko. Agad naman siyang lumapit sa amin. "Okay mommy. Bye teachers."  Paalam niya sa kanyang mga guro. "Bye seve. See you again tomorrow." Sagot nila. Pagkatapos magpaalam, dumiretso na kami ngayon sa sasakyan kasama si ate at umuwi sa bahay. "Hi tita!"  Bati ni Seve Kay ate. "Hi Seve!" Sagot niya. "How's school sevs?" Tanong ko. "Oh, I found it interesting. Especially the English subject. I have so much more to learn." Sagot niya. "Oh, okay. Well I hope you enjoy your learning everyday." Saad ko.

Pagsapit ng alas dose, bumalik si ate sa school para sunduin si Josephine. At pagkatapos ay umuwi na sila. Habang kami naman ni seve ay nagbonding habang hinihintay si Paul. Bandang alas singko ng hapon, dumating na din si Paul galing sa opisina. Sabay sabay kaming naghanda para sa hapunan.

Alas ocho ng gabi ng kami'y maghapunan ng magkakasama. Punung puno ng kwento si seve tungkol sa school. Halatang nag- eenjoy siya.



Until ForeverWhere stories live. Discover now