Paul's POV
Nanood ng unforgettable sina Tin, Sarah at ate Cath. Sayang nga hindi kami nakasama kasi girls date yon. Para daw masulit na nila yung mga natitirang araw nilang magkasama. "Next time, sama na tayo. Siguro nga hindi pa ito yung time para makasama tayo sa kanila." Sabi ko kay Matteo. "Darating din tayo diyan." Maikling sagot ko. "Pauwi na ba sila?" Tanong Ni kuya mikee. "Tawagan mo kaya si ate kuya?" Suggestion ni Matt. Tinawagan naman ni kuya si ate Cathy tapos sinabi niyang pauwi na daw sila galing sm.Cathy's POV
Tinawagan ako ni Mikee. Sinabi kong pauwi na kami galing sa SM. "Ate, pag kinasal ka, ganito pa rin tayo, ha?" Sabi niya. "Oo naman. Walang magbabago. Tsaka kahit ikasal at magkaanak na ako, ikaw pa rin ang little sister ko." Sabi ko sa kanya. Pagdating namin sa bahay, kinumusta naman kami ni mommy. "Kumusta naman yung panonood niyong dalawa?" Tanong ni mommy. "Okay naman po." Sagot ko. "Madami po siyang lessons na maituturo at tsaka nakakaiyak na nakakainspire po siya. Dapat po mapanood niyo yung movie. Madami pong pasabog lalo na po yung huling eksena. Halu- halong emosyon ang kayang ibigay sa inyo ng pelikula. Panlahat at pampamilya po yon my." Singit ko. Sabagay masaya ako na napanood naming magkapatid yung movie. "Invite ko na rin sila mikee na manood." Sabi ko. Dapat pala sinama na din namin sila mikee para minsanan gastos. "Ate panoorin uli natin. Bitin e. Tsaka Isa pa masarap ulit- ulitin kasi di nakakasawa. And, para sama na din natin sina mommy at daddy." Suggest ng kapatid ko. May point naman siya. Kulang nga talaga ang isang beses na panonood.The following week.......(Sunday)
"Tara sa mall? Panoorin na natin yung unforgettable?" Sabi ni daddy. "Yes daddy. Ngayon na lang. Two hours to wait." Sabi ko. "Ate tara na. 12 pa lang. Mamaya ng kaunti na tayo bumili ng ticket." Sabi ni Tin. "Mga ala una siguro. Alas tres pa naman yung next showing. E 12:30 pa lang." Suggest ni daddy. Bumili muna kami ng merienda namin sa loob ng sinehan. Bumili ako ng fries sa potato corner. fries. Apat naman kaming kakain e."Dy, okay lang ba kung fries yung binili kong pagkain natin?" Sabi ko. "Okay lang anak. Magdinner na lang tayo pagkatapos." Sabi niya. "Anak, kailan pala ang semestral break ninyo?" Tanong ni mommy. "Next week po. Two weeks lang po yun, my." Sagot ko. "Sasamahan ko na lang po si ate sa paghahanda para sa kasal." Sabi ko. "Anak, stressed ka na sa school tapos imbes na magpahinga ka ng two weeks, sasamahan mo pa ang ate mo sa paghahanda sa nalalapit niyang kasal? Hindi ba't mas kailangan mong magpahinga? Kasi kung hindi, baka ikaw naman ang maospital." Saad ni mommy. "Wag po kayong mag- alala dahil kakayanin ko po at iingatan ko po ang sarili ko. Mas importante pa rin ang health." Sagot ko. "Siyempre naman, no. Dapat priority pa rin natin ang health natin." Saad niya. "So ano? Tara na? 2:45 na. Nakabili na ko ng pagkain natin and three pm yung panonoorin natin." Saad ko. Pumunta na kami sa ticket booth para bumili ng ticket.Bumili kami ng apat na ticket at pagkatapos ay pumasok na kami sa loob ng sinehan.
After watching the movie....
"Jusko nak ibang klase yung pinanood natin. Masyado akong nadala. Nakakaiyak. Ibang klaseng galing ang pinakita nung lead star dito. Ang galing din nung kasama niyang aso. Napakagandang pelikula. Dapat na mapanood ito ng sambayanang pilipino." Sabi ni daddy. "Hayaan niyo po. Mag- iimbita pa kami ng ibang mga madla para panoorin yung pelikula." Sabi ni mommy. "Imbitahan niyo yung mga kaibigan, officemates at yung mga iba niyo pang kakilala my. Imbitahan niyo rin sina tito at tita tapos kami iimbitahan namin yung mga ka- officemates namin ni mikee." Sabi ko. "Pati mga schoolmates and teachers ko iimbitahan ko nang manood. Hindi nila dapat to ma- miss. Ito yung pelikulang dapat sinusuportahan. Pampamilya, pambarkada, lahat pwedeng pwedeng manood. Bata matanda, lahat talaga. The lead role deserves a best actress award for this." Sabi ni bunso. "So, uwi na tayo tapos chat natin sila para panoorin na rin nila. Parang family bonding na din nila yun." Sabi ko sa kanila.Pagdating namin sa bahay, agad akong pumunta sa kwarto para magbihis. Pagkatapos nito'y kinuha ko aking telepono't binuksan ang Facebook app sa cellphone ko.
"Hoy grabe yung unforgettable movie mga baks. Kailangan niyo tong mapanood. Ibang klaseng galing ang ibinigay at ipinakita ng lead star. Parang buong buhay ko ito lang yung pelikulang gusto ko pang uliting panoorin mga baks. Sobrang galing ng mga casts. Tapos sobrang husay nung lead character. Ibang klaseng mga aral ang mpupulot niyo rito. Maraming life lessons. Hindi ka maboboring. Sobrang mag- eenjoy ka, marami kang mararamdamang emosyon sa loob ng isang oras. Worth it yung 230php. Pramis mga baks. Mas gugustuhin mong maging mabait pagkatapos mong panoorin yung pelikula. Hoy manood kayo." *Posted*
Tinext ako ng mga pinsan ko na plano din nilang manood bukas dahil sembreak naman nila. Matagal na din daw nilang pinag- ipunan yung ticket ng pelikula. Natutuwa ako kasi at least, gusto din nilang mapanood yung movie. Sana next time kami naman ang magkakasamang manonood. Hindi kasi nagtutugma yung mga schedules namin ngayon e. Lalo na't Hindi pa sembreak nitong bunso't kaisa- isang kapatid ko.
A/N: Mga bakla panoorin niyo yung unforgettable. Sobrang ganda promise sulit yung bayad niyo tapos mapapa- take 2 kayo. Basta manood kayo yun lang. Salamat! Congrats din kina ate Sarah, ate Kim, miss Ara, miss Meg, Miss Gina and Milo. Ang galing din ni Milo dito. First dog movie na ginawa ni ate Sarah to . Kaya panoorin niyo.
YOU ARE READING
Until Forever
FanfictionAshMatt Fanfiction Date Started: May 11, 2018 Date Finished: December 4, 2020