Sarah's POV
Nandito kami ngayon sa Surigao Del Norte. It's been a week mula noong kinasal kami.Ngayon pa lang kami mamamasyal nang kaming dalawa lang. Well, first time to. Kaya excited akong makasama siya.
"Love, excited ka naman yata masyado." Sabi niya. "E first time kasi natin tong maeexperience e. Tsaka for 6 years naman bago tayo magpakasal e ito yung kauna- unahang pagkakataon na mamamasyal tayo sa isang island na hindi masyadong popular." Sagot ko. "Well, sabagay. May point ka nga naman pero paalala ko lang, ha? Kasi nakapunta na dito yung mga ibang mga celebrity couple." Sagot niya. "Alam ko. Tsaka marami ring mga magkakaibigang nagbabakasyon dito, 'no. Sa susunod isama naman natin ang buong barkada." Suggestion ko. "Aba, siyempre naman. Pero sa ngayon, tayong dalawa muna. Para naman mas makapagbonding pa tayo. Ang next target nating dalawa ay Amanpulo kasi pangarap mo yun dati di ba? Ngayon, pwede na nating puntahang dalawa." Sabi niya.
Tama siya. Pangarap kong mapuntahan kahit noon pa man ang Amanpulo. Pero ang hirap kasi hindi ako o kami pinapayagang makaalis nang basta basta. Pero ngayon sigurado akong anytime pwede na kaming makapunta doon. Bigla akong naexcite.
"Alam mo mabuti pa mag breakfast muna tayo." Sabi ko. Umorder kami sa isang sikat na Italian restaurant sa siargao. Siyempre si Matt ang umorder. Kasi nga hindi naman ako marunong magsalita ng Italian. At ito ang mga inorder niya.
Habang kumakain kami, ang dami kong naiisip."Love gusto mo bang mag- island hopping? Nakita ko kasi na maraming pwedeng gawin dito sa siargao. Pwede ka ring mag jeepney land tour tapos mag private land tour o kaya tour sa sohoton cave. Kung ayaw mo naman pwede kang mamasyal." Saad ko. "Naku wag muna sa ngayon love kasi gusto muna kitang samahan ayoko munang gawin lahat yan. Tsaka na lang. Ang gusto ko muna kasi sanang gawin sa ngayon e makasama ka. Magkwentuhan muna tayo. Kung mamamasyal man ako, gusto ko ikaw ang makasama ko. Ayaw kitang iwanan mag- isa." Sagot niya. Ganyan yang si Matt. Out of nowhere bigla biglang babanat ng mga ganyang linyahan, although kinikilig din naman ang ate niyo pero kasi hindi ako sanay lalo't nasanay ako sa set- up na sa text o tawag lang kami nagkakausap. Nagkikita naman kami in person pero hindi ganoon kadalas. Pero narealize ko ngayon ay ibang-iba na pala talaga ang buhay namin. Yung mga bagay na dati hindi namin nagagawa like magtravel around the Philippines or around the world nang kami lang dalawa, dati hindi naman namin kayang gawin yan e. Hindi sa wala kaming libreng oras o wala kaming pera, hindi namin yan nagagawa kasi kailangan ng parent's consent. Ganoon ka- conservative ang parents ko. Hindi ka nila papayagang mag- decide on your own unless you're married. Well, gusto ko din naman yung ganoong paraan nila ng pagpapalaki but dumating lang sa point na halos para na akong preso. Yun yung nakapagpa- decide sa aking lumagay na sa tahimik.
"Alam mo ikaw, masyado ka namang magpakilig. May script ka ba jan na dala? O minemorize mo lahat ng mga sinasabi mo sa akin ngayon?" Tanong ko. "Wala akong dalang script at tsaka hindi ko to minemorize lahat ano. Kusa yang lumabas sa bibig ko. Siyempre alam mo naman di ba? Aktor tayo tapos kaibigan natin direktor na may anak." Sagot niya. Naalala ko sina Tin at Paul. Oo nga direktor na nga pala ngayon si Paul at si Tin naman ay producer. "O siya, tapusin na natin tong pagkain at nang masimulan na natin yang sinasabi mong kwentuhan at pamamasyal nang magkasama." Sabi ko na lang.
Tinuloy namin ang pagkain nang agahan at pagkatapos ay nagkwentuhan kami. Tungkol sa mga plano sa buhay, sa mga plano sa hinaharap.
"Balang araw magkakaanak tayo ng babae na papangalanan nating Catalina." Bigla kong nasambit. "Catalina talaga?" Tanong niya. "Oo. Maganda naman di ba? Catalina Geronimo Guidicelli." Sabi ko. "Oo nga 'no? Maganda siya paglaki. Half Filipina half Italian. Cebuana na italyana pa. Di ba?" Biro niya. Jusko ganito na bigla ang usapan namin. Nakakapanibago. Samantalang dati hindi naman uso sa amin ang ganitong usapin. Wala kaming hilig sa mga ganitong usapan pero ngayon, iba na pala talaga. Ibang- iba.
YOU ARE READING
Until Forever
FanfictionAshMatt Fanfiction Date Started: May 11, 2018 Date Finished: December 4, 2020