Sarah's POV
Ngayon, back to normal na uli. Yung stressed dahil sa napakaraming mga iba't-ibang ibang klase ng paper works."Yan bes, back to normal na ulit tayo. As usual, puro paper works na naman ang kaharap natin. Dadami na naman ang mga gawain natin bilang estudyante. Kung tutuusin, magsesecond semester na pero parang kalahating buwan pa lang tayong nag aaral sa dami nang ginagawa natin." sabi ni tin. "Well, true naman pero part kasi yan ng pagiging educator e. Yang napakaraming paper works na yan. Tsaka mabuti na yung ganito para ngayon pa lang masanay na tayong maraming ginagawa at napupuyat." sagot ko. "Nag- aagree naman ako sayo kaya lang kasi nag- aalala lang ako dahil baka mamaya yung sobrang stress at pagod natin maging dahilan pa para maospital tayo." sagot niya..
Napaisip ako. Oo nga ano? Nakakatakot. Baka mamaya sabihin ng mga magulang namin na pinapabayaan na namin yung kalusugan namin. Paano ako makakaiwas sa pagkakasakit at pagkaospital?
Pagdating ng prof namin, kinumusta niya kami. Sabi namin na ayos lang naman kami. Sabi niya next week na lang daw ang resume ng classes namin pati sa ibang subjects kaya naman may one week kaming pahinga. Thank you lord. Salamat naman. At pagkatapos nun, wala na kaming klase. Sabi nila, hindi daw muna pumasok yung ibang prof dahil napagod silang magpaexam at magche check pa daw sila ng test papers kaya naman, maaga nila kaming pinauwi.
Pagdating ko sa bahay, nagtaka lahat ng tao. "Anak, nag cutting ka ba? Ha? Bakit ang aga mo namang umuwi? Naku, lagot ka sa daddy mo kapag nalaman niyang hindi ka pumasok ngayon." si mommy na napakaraming tanong. "Mommy, relax, okay? Hindi po ako nagcutting class. In fact, maaga po akong pumasok kanina kaya lang, sabi ng isang prof namin, wala daw klase... "sabi ko. "O e pano yung ibang subject mo? Ha?" sabi niya. " Mommy, patapusin niyo po muna akong magsalita, okay po?" sabi ko. Huminga si mommy nang malalim sabay sabing..... "Okay, continue." sabi niya. "Ganito po kasi yun. Pumasok po ako kaninang umaga ng maaga tapos po dumiretso na po ako sa classroom tapos sinabi na po ng prof namin na next week na lang daw po ang resume ng klase since hindi pa daw nila tapos icheck yung lahat ng mga test papers namin kaya pinauwi na po muna kaming lahat. Tsaka wala pong tao sa faculty kanina kaya....." pagpapaliwanag ko.
Pagkatapos kong magpaliwanag, pinaakyat ako ni mommy sa taas para makapagpahinga.
A\N: Hi, readers!!! Here's the latest update!! Enjoy!
YOU ARE READING
Until Forever
FanfictionAshMatt Fanfiction Date Started: May 11, 2018 Date Finished: December 4, 2020