Third Person's POV
After 10 years....
Naging si Faye at Marcus din at ngayon ay walong taon na silang kasal. Si Josephine ngayon ay college na at debut na niya next year. Makalipas ang sampung taon madaming nangyaring maganda. Isa na dito ang pagpropropose ni Marcus."Bhie, it's been eight years." Ani Faye. "It's been eight years since we became a couple. And I'm so lucky dahil pinagbigyan mo akong pumasok sa buhay mo." Saad ni Marcus. "Corny. Amp. Haha." Sabi ni Faye. Lingid sa kaalaman ni Faye ay may plano na si Marcus na magpakasal sa kanya. Humahanap lamang ito ng tamang tiyempo, lugar at pagkakataon. Hanggang sa nakahanap siya ng isang puno ng mangga sa may burol. Naglalakad kasi sila ngayon sa isang malawak na hardin. Kaya't nakahanap siya ng aniya'y "perfect spot" para sa espesyal na pangyayari sa kanilang relasyon.
"Bakit tayo nandito?" Tanong ni Faye. "Gusto sana kitang makasama dito kahit sandali lamang binibini. Naaalala mo ba yung unang kwento ni binibining mia na iyong binasa?" Ani Marcus. "Oo. Naaalala ko nga na dito sa puno ng mangga gaya nito ang naging tagpuan ng dalawang pangunahing tauhan sa kanyang kwento. At dito hinintay ni ginoong Juanito si binibining Carmela." Sagot ni Faye. "Mabuti naman at iyo pa rin itong naaalala. Batid kong mahilig ka sa mga kwento na isinusulat ni Binibining Mia. At alam ko ring hinihiling mong sana ay magkaroon pa ng isang ginoong katulad ni ginoong Alfonso na "loyal" at "faithful". Yung nagmamahal ng tunay at totoo. Binibini, batid kong hindi ka sanay sa mga ganitong set- up lalo na't wala pa sa iyong plano ang mga ganitong bagay. Nais kong humingi sayo ng paumanhin kung itinago ko ito sa iyo. Nais ko kasing maging espesyal ang araw na ito para sa ating dalawa. Mahal kita. At sa walong taon nating pagsasama, napagtanto ko na hindi ko kayang makita ang aking sarili na may makakasama pang iba sa hinaharap. Madami na tayong pinagdaanan bilang indibidwal at bilang magkarelasyon. Sabi nila, pag mahal mo talaga ang isang tao, ipaglalaban mo. Kahit gaano kahirap, ipaglalaban mo. Kahit maraming tao ang humadlang, patuloy mo pa rin siyang mamahalin at hindi susukuan. Nais ko sanang itanong sayo binibini,(Lumuhod si Marcus, at tinanong nito si faye, "Maaari ba kitang maging kabiyak?"
Nagulat si Faye. Hindi niya inaasahang gagawin ni Marcus ang bagay na iyon. Magkahalong saya, gulat, at pagkasorpresa ang kanyang naramdaman noong mga pagkakataong yaon.
"Alam mo, matagal ko nang pinag- isipan ang aking isasagot sa iyong katanungan ginoo. Hinihintay ko lamang ang pagkakataong ito. Hindi ko inaasahang sa ganitong lugar mo ito isasagawa. Ngunit gayunpaman, nais kong malaman mo, hanggang sa dulo ng mundo ang pag- ibig ko'y sayo. Kaya ang sagot ko sa katanungan mo'y ang matamis kong oo." Sagot ni Faye. Tumayo si Marcus at isinuot niya ang singsing sa palasingsingan ni faye. Pagkatapos ng tagpong iyon, nagyakapan sila sa ilalim ng puno ng mangga at pagkakalas nila mula sa pagkakayakap ay tumingala sila puno ng mangga na nagliliwanag ngayon dahil sa mga alitaptap na nakapalibot dito.
Pagkatapos nilang magpahinga ng kaunti ay agad din silang lumisan.
"Kailan natin ipapaalam?" Tanong ni Faye. "Sa susunod na lang natin ipaalam. Sa ngayon, i- cherish muna natin tong moment. At tsaka isa pa, matagal naman na nilang hinihintay na mangyari to. Wag kang mag- alala. Ipapaalam din natin pero hindi muna sa ngayon." Saad ni Marcus.
YOU ARE READING
Until Forever
FanficAshMatt Fanfiction Date Started: May 11, 2018 Date Finished: December 4, 2020