Sarah's POV
So ngayon, yung isa sa favorite showbiz real life couples ko e nagse- celebrate ng one month being married. Ang AshGian. Si ate Asher at si Kuya Gian.A/N: Okay new characters again! Haha. More to come:)
Akalain mo, adik na adik ako sa dalawang yan e. Tapos nung nalaman kong kinasal na sila, aba tuwang tuwa ang lola niyo.
Few minutes later, nagring ang messenger ko. Tumatawag si Matt. Sinagot ko muna ang tawag niya.
"Sarah, ayos ka lang? Kinikilig ka na naman jan." Saad ni matt. "Alam mo kasi, yung favorite couple ko sa showbiz ang #GianAsh ikakasal na." Paliwanag ko. "Parang tayo lang. Tutal, kamukha naman natin sila, e parang tayo na din yung ikinasal." Hirit ni Matt. "Hoy ikaw, tigilan mo ako sa mga ganyan mo. Hindi natin masasabi kung tayo ba talaga. Bata pa tayo e. We're just 16. Hello." Sagot ko. "Basta, tayo pa din hanggang dulo." Dagdag niya. "Alam mo, tama na. Nakakarami ka nang mga hirit mo." Sabi ko. "Yaan mo na. Minsan na nga lang kitang makavideo call." Sabi niya. Sa video call, text at chat na lang kasi kami nakakapag- usap ngayon dahil sa lockdown. Nalulungkot at nababagot na nga ako e. "Oo na, sige na. Marami ka pa bang gagawin, sweetheart?" Tanong ko. "Wala na. Magpapahinga na lang ako." Sagot niya. Pagkatapos naming mag- usap, nagpahinga na din ako.
Pagkatapos kong magpahinga, nagmerienda muna ako bandang 10 am. Oo late na, mamsh. "Anak, ngayon ka pa lang magmemerienda? Ano bang ginagawa mo kanina?" Tanong ni mommy. "Kausap ko po si Matt. Tapos chineck ko din po yung Instagram at tsaka yung Facebook ko." Sabi ko kay mommy. "Ah ganun ba? Magmerienda ka muna diyan tapos mamaya, samahan mo kong magluto dito sa kitchen, ha?" Bilin niya. Pagkatapos kong magmerienda, dumeretso ako sa kusina. Tinulungan kong magluto si mommy pagkatapos, naglunch na kami. Kasama namin si daddy ngayon. Pero nakawork from home siya kaya hindi namin siya madalas na nakakasabay kumain. "Anak, pahinga ka mamaya, ha? Matulog ka. Kailangan mong magpalakas." Sabi ni daddy. "Opo." Sagot ko naman sa kanya.
Mas close ako kay daddy kaysa kay mommy. Unica hija e. Mas takot ako kay mommy dahil mas mahigpit siya. Mas authoritarian siya.
Tulad ng sabi ni daddy, nagpahinga ako matapos kumain ng lunch. Tapos, nagkaroon kami ng general cleaning sa bahay since one month ang enhanced community quarantine. Sobrang hirap kasi nga, yung mga requirements ko sa school, online ang pagpapasa. Ganun din sina Matt. Pare parehas kaming apat.
Nagmessage ako sa Viber.
✉️To: Best Friends Ever💕✉️(PaulTin ft. Sweetheart)
"Kumusta kayo?"
*sent✔️✔️✔️*Nagreply naman sila kaagad.
✉️From: Best Friends Ever💕✉️
"Okay naman kami bes."- Tin.
"Ayos lang naman kami."- Paul.
"Nasa maayos at mabuti kaming kalagayan dito sweetheart. Sana ikaw din. Saranghaeyo. I miss you!" - Matt.O di ba kahit magkausap lang kami kanina ni matt e nagreply pa siya sa GC. Ngayon, naghahanda naman si mommy para sa dinner.
"Anak, mamayang gabi, pag natapos mo na yung mga requirements mo, magpahinga ka. Ayokong napapagod, napupuyat at nagkakasakit ka, ha?" Paalala ni mommy. Sobra niya talaga akong mahal. Ikaw ba naman maging unica hija ng mga magulang mo, no? Siyempre ayaw na ayaw nilang nagkakasakit ako kasi natataranta sila. Ganyan nila ako kamahal kaya napakaswerte ko sa kanila. Kahit na minsan, di ko sila naiintindihan bakit ayaw nila akong payagan sa mga ibang lakad ko. Akala niyo pinapayagan nila ako palagi? Hindi. Hindi dahil nag- iisang anak ako, lahat ng gusto ko binibigay nila sa akin. Siyempre priority pa rin nila ang pag- aaral ko. Lalo na ngayong kolehiyo na ako.
Itinuloy ko ang paggawa ng requirements hanggang sa antukin na ako.
A/N: Quick update. Sorry antok na si author. Bawi ako next week.
YOU ARE READING
Until Forever
FanfictionAshMatt Fanfiction Date Started: May 11, 2018 Date Finished: December 4, 2020