CHAPTER 62- Catalina Turns One

147 3 0
                                    

Matteo's POV
Today, we are celebrating the first year of existence of our bundle of joy.  Catalina Geronimo Guidicelli turns one today. We are so happy. Couple of months ago, we've been planning for this main event.

"Love, okay na ba lahat?" Tanong ni Sarah. "Yea. Okay na lahat love. Mabuti pa e magpahinga muna kayo ni cat sa loob. Kasi mamaya maya pa naman ang party."  Sabi ko. Four pm pa ang party. 1pm pa lang ngayon at katatapos pa lang naming mag- lunch.  Kagabi, dumating na sina mommy kasama ang mga kapatid ko. Dumating din sina mommy divine at daddy delfin kasama ang mga kapatid ni Sarah.

Ngayon, nandito ako sa garden para magset- up.

Three pm....
"Maaaaatt! Hello! Nandito na si Seve at Carmela."  Sigaw ni Tin sa gate. Grabe siya makasigaw. Akala mo nasa bundok jusko. "Tin, relax. Nasa loob sila, natutulog si Catalina sa loob. Ang lakas ng boses mo." Sabi ko. "Aw, sorry sorry. Akala ko wala kayong ginagawa. Sorry. Anyway, pwede na ba kaming pumasok?" Tanong niya.

"Halina na kayo. Kanina pa kayo hinihintay sa loob." Sagot ko. Pumasok kami sa loob para i- check sina Sarah at Catalina. Gising na si Catalina ngayon at umiiyak. "Bakit siya umiiyak, love?"  Tanong ko. "Naingayan yata sa sigaw na nanggaling sa gate. Sino ba kasi yung sumigaw? Pati tuloy pagtulog ko naistorbo." Saad niya. "Nako pagsabihan mo tong kaibigan mo. Masyadong maingay kanina. Kaya siguro kayo nagising sa loob."  Sabi ko.

"Alam mo bes baka naman pwedeng pakikontrol minsan yang lakas ng boses mo, ha? Kasi nakakaistorbo ng batang natutulog. Tingnan mo. Imbes na makakapagpahinga ako ng isang oras e naudlot dahil sa ginawa mong pagsigaw. Hays." Salaysay ni Sarah. "Nako sorry. Late kong nalaman. Sana pala nagtext muna ako na papunta na kami. Jusko. Nakaabala tuloy ako ng tulog niyong mag- ina. Sorry."  Paliwanag niya.

"Its already 3:30. Malapit na yung party. Sige na tara na sa labas." Sabi ni Paul sa amin. "Nako. Oo nga pala. Tara na." Sang- ayon ni Tin.

Lumabas na kami lahat para maagang makapag- celebrate. Para maaga ding matapos.

4pm...

"We are so happy to finally introduce to you our baby girl, Catalina Geronimo Guidicelli." Pormal na pagpapakilala ko.

Inilabas ni Sarah si Catalina at pagkatapos ay pumalakpak ang mga bisita.

"Hi everyone, here's our baby Catalina. She turns one today. And we are so thankful to each and everyone of you who joined us in celebrating her first year of existence. God bless us all." Sabi ni Sarah. Nagtuluy- tuloy ang party hanggang 8pm. Hindi na umabot ng 12 midnight dahil may mga gagawin pa kami kinabukasan.

Kinabukasan, pumasok ako sa work at naiwan ang aking mag- ina sa bahay. Sobra akong mapagod sa celebration kahapon pero kailangan kong pumasok para may maipantustos sa mga pangangailangan nila.

"Sir Matt, kumusta po si baby catalina?" Tanong ni Marcus. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan naming empleyado dito sa Company. "Okay naman Marcus. Kayo ba ni Faye kumusta? Sinagot ka na ba niya? Baka naman hindi ka pa nagtatanong." Biro ko. "Naku sir, malapit ko na rin po siyang tanungin." Sagot niya. Ang alam ko, limang buwan na siyang nanliligaw kay Faye pero walang lakas ng loob magtanong kung pwede na bang maging sila. College classmates sila at hindi nila akalain na sa parehong kumpanya pa sila magta- trabaho.

Marcus's POV
Hi I'm Marcus Philip Mendoza. Isa ako sa mga loyal employees ng Da Gianni Resto. Nililigawan ko si Faye. Her name is Maria Kristina Faye Velasco.

Nakita ko siya sa cafeteria mukhang seryoso siyang nagbabasa ng libro. Nilapitan ko siya.

"Hi Faye! Mukhang seryoso ka yata, binibini. Ano ba yang ginagawa mo?"  Tanong ko. Hindi siya sumagot. Kaya medyo nilakasan ko ang boses ko. "Binibining Faaaaaaaaaye!" Sigaw ko. "Ay, sorry Marcus. Nakatutok ako sa binabasa ko eh. May sasabihin o kailangan ka ba?" Tanong niya. "Itatanong ko sana kung ano ba yang binabasa mo at halatang malalim ang iniisip mo parang hindi na kita maaabala." Sabi ko. "Nagbabasa kasi ako ng mga kwento. Mahilig kasi ako sa mga historical fictions lately e. Kaya kahit mga magulang ko nagtataka na sa mga pinaggagagawa ko." Sagot niya. "Ano bang title niyang binabasa mo?" Tanong ko. "Salamisim, why?" Tanong niya. "Alam mo, kapangalan mo yung isang character jan." Saad ko. "Wag ka ngang spoiler. Malapit ko nang makalahati yung kwento. Baka naman pwedeng wag ka munang magkwento. Kung nabasa mo na, wag ka munang makipag- usap sa akin dahil hindi ko pa yun tapos basahin. Pwede?" Pakiusap niya.

Pagkatapos nun, natahimik ako. Mukhang mahihirapan akong kausapin siya.

"Sorry, ha? Hindi ko sinasadyang mapalakas yung boses ko. E tuwing nagbabasa kasi ako hangga't maaari, ayokong magpaistorbo. Pasensiya na." Paghingi niya ng paumanhin. "No need. I will just leave para matapos mo na hopefully yang binabasa mo." Sabi ko na lang. Tumalikod na ako pagkatapos. Nakakatatlong hakbang pa lang ako mula sa kinauupuan niya, naramdaman kong tumayo siya at humakbang malapit sa kinatatayuan ko at hinawakan niya ang kamay ko. "No. You don't have to. Wala naman akong kasama. Samahan mo na lang ako. Bibilhan kita ng drinks. Tutal nandito ka na lang din naman sa café."  Sabi niya.

Hinayaan ko siyang matapos magbasa ng libro.

After three hours....

"Hi, Marcus! Tapos ko na nga pala yung librong binabasa ko. Okay lang ba kung mag- usap tayo?" Sabi niya. "Well, okay, about what?" Tanong ko. "Gusto ko sanang malaman kung bakit mo tinatanong kung ano yung title ng binabasa ko?" Tanong niya. "Gusto ko sana kasing malaman dahil I'm just getting to know you in a deeper level. I mean I wanna know your favorites, mga ganon." Biro ko. "Jusko e hindi pa nga tayo e nandiyan ka na sa "getting to know you in a deeper level" ka na. Ang advance mo naman." Sagot niya. "Biro lang naman e. Tsaka last na to. Hindi na to mauulit. Haha."  Sabi ko. Ibang klase kasi siyang mapikon. Baka kapag napikon siya sa akin, hindi na niya ako kausapin sa loob ng isang taon ano. Hindi naman ako papayag. Anyway, ganyan kami minsan magbiruan. Hindi pa naman umaabot sa pisikalan. Isa na lang talaga ang kulang, ang maging kami.

A/N:Hey peeps!! I'm baaaack! I missed writing here. More updates soon!

Until ForeverWhere stories live. Discover now