CHAPTER 68

79 0 0
                                    

Josephine's POV
After 6 years...
Ngayon high school na ako. Grumaduate ako ng elementary last year bilang valedictorian. Proud na proud sina mommy at daddy sa akin.

"Anak, first day of school mo ngayon sa Maxwell International School." Ani mommy. "Excited na nga po ako e. Marami na naman po akong matututunan. Medyo mas level up nga lang." Sagot ko. "Mag- iingat ka ha? Tsaka hangga't maaari, don't talk to strangers." Paalala niya. "Yes po." Pagsang- ayon ko kay mommy. Sobra akong thankful dahil nagkaroon ako ng sobrang supportive parents. Ang kapatid kong si Mikael, elementary pa lang siya ngayon. Grade 2 to be exact.

"Mikael, tara na, male- late na tayo sa flag ceremony." Tawag ko sa kapatid ko. "Yes ate, palabas na." Sagot niya.

8:00am....

Nagklaklase kami ngayon. Mamayang 9:30, break time namin didiretso kami sa canteen. Filipino ang subject namin ngayon kaya so far, so good pa rin naman.

Pinuntahan ako ni Mikael sa classroom namin ng biglaan. Agad agad hindi ko alam kung bakit. Umiiyak siya ngayon.

"Ateeee!" Sambit niya kasabay ng pagbuhos ng likido mula sa kanyang mga mata. Kinabahan ako. Hindi ako mapalagay. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ito ang unang beses na lumapit sa akin ang kapatid kong umiiyak. Lumapit ako sa kanya upang tanungin ang dahilan ng kanyang pagtangis.

"O bakit ka umiiyak? May problema ka ba? Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. "Masakit kasi yung ulo ko ate. Wala akong medicine na dala." Sambit niya habang nanginginig ang boses. Sinubukan kong i- check ang body temperature niya dahil baka masakit ang kanyang ulo ay dahil sa kadahilanang may lagnat ito. At hindi nga ako nagkamali. Ang taas ng lagnat niya. Nagpaalam ako sa school para tawagan sila mommy at dalhin si Mikael sa ospital. Natataranta ako dahil first time nangyari to. At hindi ko to inaasahan. Nakakagulat, nakakataranta.

"Hello mommy, kailangan naming pumunta ni Mikael sa ospital ngayon. Inaapoy si bunso ng lagnat. Hindi ko alam kung bakit at paano. Bigla na lang niya akong pinuntahan sa classroom habang umiiyak." Pagbibigay- alam ko kay mommy hinggil sa nangyari kanina. "Saang ospital ba kayo ngayon?" Tanong niya. "Nandito po kami sa Makati Medical Center. Hihintayin na lang po namin kayo dito." Sagot ko tsaka ko binaba ang phone. Hindi ko maiwasang mag- alala sa kalagayan ng kapatid ko. Hindi ko rin maiwasang kabahan at matakot. It was my first time to see my little brother in that condition. Nanghihina, nilalagnat, hindi lang basta lagnat iyon dahil napakataas ng body temperature niya. At hanggang ngayon ay patuloy pa rin ito sa pagtaas. Di nagtagal ay dumating na sila mommy sa ospital upang alamin ang lagay ni Mikael. Sabi ng doktor, kailangan niya ng matinding pahinga dahil sobrang nanghihina daw ito. At ang sabi ay mananatili pa daw siya sa ospital nang mga ilang araw dahil kailangan pa daw siyang maobserbahan. Hindi pa rin siya nagkakamalay sa ngayon kaya nag- aalala kami. Isang hinala ang pumasok sa utak ko ngayon pero hindi ko pa sigurado. Sinabi ko ito agad kay mommy.

"Mommy, I have a strong feeling about what's happening to Mikael right now." Saad ko. "Ano naman yang "strong feeling" kunno mo anak?" Naguguluhan at nagtatakang tanong niya. "Feeling ko mababa ang platelet count niya and feeling ko, may.... Dengue si Mikael mom." Sabi ko sa kanila. "How did you say that? Do you have a proof?" Tanong ni dad. "May mataas po siyang lagnat dad. And that is one of the symptoms na pwede nating i- consider. Pero hindi pa tayo sigurado. Kailangan muna niyang makuhanan ng dugo para malaman natin kung tama ang kutob ko." Suggest ko sa kanila. Deep inside, nagdadasal ako. Nagdadasal akong sana mali ang iniisip ko. Sana mali ang sinasabi ng utak ko. Napahawak ako nang mahigpit sa aking uniporme na animo'y nanggigigil. Makalipas ang isang oras, nagkamalay na si Mikael. "Daddy, mommy, ate? Bakit tayo nandito sa hospital?" Tanong niya sa amin. "Mikael, you had a fever. Kaya dinala ka ni ate dito sa hospital." Sagot ni mommy. "Ate, you have your classes, right? You're supposed to be in school. Pero bakit ka nandito sa hospital, ate?" Tanong ni Mikael sa akin. "Nagpaalam ako sa mga teachers ko bunso. Alam nila na kailangan kitang samahan at bantayan dito sa hospital ngayon kaya pinayagan nila akong lumiban muna sa mga klase ko ngayon. Pero hayaan mo na kasi bukas, papasok naman na si ate, ha? Isasabay ko na ring kunin yung mga homeworks and activities niyo ngayon at bukas para makahabol ka pa rin kahit na nandito ka sa ospital." Sabi ko. Tumango siya sa akin bilang tugon.

Until ForeverWhere stories live. Discover now