A/N: Malapit nang matapos ang kwento nito. At ito na ang huling dalawang kabanata😔😔😔. Ngunit gayunpaman, wag kayong mag- alala, may The One That God Allowed pa. Yun na lang ang basahin niyo para hindi kayo malungkot. Okay? Back to business na tayo mga frenny!
Divina's POV
Nandito kami ngayon sa hotel sa Maldives. Tapos na kaming maghapunan. At ngayon ay nagkwekwentuhan kami sa kwarto."Thank you, for this. Matagal ko tong pinangarap na mapuntahan. Salamat kasi ikaw yung kasama ko ngayon." Pagpapasalamat ko kay Leo. "Alam mo namang happy ako pag happy ka." Sagot niya. "Aww, thank you talaga." Saad ko.
Nagpatuloy kamo sa pagbabakasyon sa Maldives ng limang araw. Pagkatapos ay umuwi na din kami sa Maynila.
Makalipas ang anim na buwan....
Ilang araw nang masama ang pakiramdam ko. Ilang araw na akong nagkakaroon ng morning sickness at mood swings. Nagbago din ang panlasa at pang amoy ko and lately, nagiging clingy ako kay Leo. Ayaw na ayaw kong nalalayo sa kanya. Gusto ko parati siyang nasa tabi ko. Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko. Naloloka ako sa mga nangyayari kaya nagdesisyon akong gumamit ng pregnancy test kit.
Sinunod ko ang procedure at hindi nga ako nagkamali. I'm pregnant. And I still don't know how will I tell my husband about it.
Pagdating ni Leo galing sa trabaho, kinausap ko siya kaagad. "Mahal, pwede ba tayong mag- usap?" Tanong ko sa kanya. "Oo naman. Ano bang meron? Lately kasi napansin ko, lagi kang inaantok, tapos minsan naman, in the middle of the night naghahanap ka ng ice cream. May mga times ding bigla ka na lang nahihilo. Ang bilis mo ding mapagod. Ano bang nangyayari sayo? Nag- aalala na ako. Baka may sakit ka na hindi ka lang nagsasabi." Sabi niya. "Gumamit kasi ako ng pregnancy test kit kanina. Tapos.." Panimula ko. "O tapos? Anong resulta?" Tanong niya. "Ah, dalawang linya e. Positive." Sagot ko. "Wow, so magiging parents na tayo? Yes!!" Pagkabigkas niya ng mga katagang iyon, binuhat niya ako in a bridal style. "Kaya pala lately, may mga times na magpapahanap ka sa akin ng mga kung ano anong mga pagkain in the middle of the night." Sabi niya. Minsan kasi, nagpapahanap ako ng strawberry, minsan naman ice cream tapos may isang time nagpahanap ako sa kanya ng maanghang na noodles.After 5 Years .....
Ikinasal at nagkaanak ang best friend kong si Josephine. Nakilala ko siya five years ago sa firm kung saan ako nagtratrabaho. Tatlo kaming magkakaibigan. Si Victoria, Josephine at ako. Magkakaklase kami nung college at naging magkakatrabaho din eventually. Ikinasal si Josephine kay Marco six years ago bago siya nagtrabaho sa firm. At ngayon ay meron na siyang five year old baby girl na si Maria Josefina Isabella. Habang ako naman ay meron nang baby boy na si Lucas Dominic.
Kinausap ko si Josephine sa phone."Josephine, kumusta na?" Tanong ko. Okay lang naman. Ikaw?" Tanong niya. "Okay lang din." Sagot ko. "Parehas na tayong may five year old babies. Ipakilala natin sila sa isa't isa soon." Saad ko. "Aba siyempre naman. Kapag may time. Ngayon kasi sobrang busy pa natin." Sabi niya.
YOU ARE READING
Until Forever
Fiksi PenggemarAshMatt Fanfiction Date Started: May 11, 2018 Date Finished: December 4, 2020