Mikee's POV
Papunta ako ngayon kay Cathy. Gusto ko siyang surpresahin kasi namimiss ko na ang fiancée ko. Nakakatuwa dahil finally e nag yes na siya sa proposal ko.Pagdating ko sa office niya......
"Hi mamamel." Bati ko sa kanya. Agad siyang napalingon sa kaniyang likuran upang masiguro kung kilala ba niya ang boses na iyon. " Papamel? Teka, bakit ka nandito? Di ba may mga important meetings ka pa?" Nagtatakang tanong niya. "I cancelled it all." Maiksing sagot ko. "Bakit mo kinansela? Importante pa naman yung mga yun, di ba?" Paliwanag niya. "Oo. Pero mas importante ka. Tsaka yung kasal. Pwede namang i reschedule yung mga meetings na yun. Pero yung kasal, mas importante yun sa akin. Alam ko din kasi na yun yung pinakamemorable day para sayo soon. Kasi di ba babae ka." Sabi ko sa kanya. "Grabe ka sa akin. Mahal na Mahal mo nga talaga ako. Alam mo dahil jan, tara na. Mamasyal muna tayo. Pantanggal stress. Alam ko kasi na stressed na stressed na tayo sa trabaho plus pinaghahandaan pa natin yung kasal natin kaya tingin ko kailangan nating magrelax kahit mga tatlo hanggang limang oras lang or kahit gawin nating isang araw. Bukas, wag na tayo pumasok. Pahinga muna tayo. Mas importante yung health, di ba?" Suggestion niya. Ang galing nung naisip niya. Kailangan naming magpahinga. Masyado na kaming busy sa work. Napapabayaan na namin yung health namin. "Oo mamamel. Mag- iingat naman tayo. Tsaka para rin satin to sa future." Paliwanag ko.Kinabukasan, nagpunta kami sa paborito naming milk tea shop.
"So ano bang plano mo ngayon bakit tayo umabsent?" Tanong niya sa akin. "Naisip ko kasi na baka naman pwedeng magpahinga muna tayo kahit isang araw lang. Tutal subsob na tayo sa trabaho tapos puspusan din yung paghahanda natin para sa kasal. Hindi naman siguro masama kung magpahinga tayo, 'no?" Suggestion ko. "Kung ganun, ano namang gagawin natin?" Tanong niya. "Hmm, gagawa tayo ng project." Sabi ko. "Project? Anong project?" Tanong niya. "Bata." Biro ko. "Sira. Hindi pa nga tayo ikinakasal." Sabi nito sabay hampas sa kamay ko. "Aray, biro lang naman e. Ito naman masyado ka namang seryoso. Tsaka alam ko namang hindi nagugustuhan yun ng mga magulang at ng kapatid mo 'no." Bawi ko. "Mamamasyal na lang tayo." Dagdag ko. "Mamamasyal? Saan naman tayo mamamasyal, aber?" Tanong niya. "Sa National Museum. O kaya sa calamba. Sa bahay ni rizal." Sabi ko sa kanya. "Alam mo, maganda yan. Para naman marami pa tayong malaman tungkol sa naging buhay ni rizal. Sana pala sinabi natin dun kina tin." Saad nito. "Kung gusto mo, dadalhin din natin sila doon pero sa ngayon, tayo muna para naman maenjoy natin yung lugar na tayong dalawa lang ang magkasama. Okay lang ba yun sayo?" Mahabang saad ko."Okey. Basta next time sila naman ang i- tour natin ah." Sabi niya. Di nagtagal ay nagsimula na kaming maglakbay patungong bayan ng Laguna. Makalipas ang isang oras at tatlong minutong paglalakbay ay amin na ding narating ang aming destinasyon. "Napakaganda naman pala ng bayan na ito." Sabi ni Catherine. "Kaya tama ang sinabi mong dapat ay dinala din natin ang iyong kapatid sa lugar na ito kung saan tumira ang ating pambansang bayani." Sagot ko. "Kung kaya't kailangan na nating mahanap ang kanilang naging tahanan." Sagot niya.
Hinanap namin ang bahay ng mga rizal sa nasabing bayan.
Makalipas ang limang minutong paghahanap at pagtatanong, amin din itong natagpuan.
⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️
Photo from Google.
Madami na rin ang nabago sa bahay ng ating pambansang bayani ngunit isa lang ang natitiyak kong hindi pa rin nagbabago hanggang ngayon. Ang katotohanang nakamarka na ito sa ating kasaysayan.
"Ang ganda! Pwedeng maging tourist spot to." Sabi ni cath. "Alam mo sabihin mo sa kapatid mo, i- visit din nilang magbabarkada to. Marami silang pwedeng malaman at matutunan tungkol kay Dr. Jose Rizal pag dumalaw sila dito." Sabi ko sa kanya. "Naku, oo naman no. At tsaka pwede nilang magamit yun sa pag- aaral nila. Lalo't may subject silang Rizal." Saad niya. Itinuloy namin ang paglilibot sa buong bahay. Di nagtagal ay kinailangan na din naming umuwi dahil lumalalim na ang gabi.
Alas siyete na ng gabi ng makarating kami sa maynila mula sa bayan ng calamba. Mahigit isang oras ang biyahe pabalik. Buti na lang at di kami inabot ng traffic. Kung hindi ay higit dalawang oras ang tatakbuhin ng sasakyan mula calamba. Pagkahatid ko kay mamamel, bumyahe uli ako pabalik sa Batangas. Tiyaga lang ang kailangan. At pagbalik ko sa bahay ay inantok na ako sa sobrang pagod. Bukas ay balik trabaho na uli kami. Maraming nangyari ngayong araw na dapat ipagpasalamat sa poong maykapal.
The Next Day.....
Cathy's POV
Pagdating ko sa bahay kagabi galing sa Laguna, natulog na ako. Sobra kasi kaming napagod ni mikee."Good morning ate!" Bati sa akin ng kaisa- isa kong kapatid. "Good morning din." Bati ko sa kanya. Ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari sa amin kahapon. "Sana makapunta din ako." Sabi niya. Doon ko naramdaman na nakadama siya ng kaunting inggit sa mga naikwento ko. "Isama mo yung mga kaibigan mo. Maganda doon at marami din kayong matututunan." Sabi ko. "Sige ate. Magpapasama kami Kay daddy." Sabi nito. " Naku hindi na. Kami na ng kuya mikee mo ang sasama sa inyo. Tsaka baka maligaw kayo. At least kapag kami Ang kasama niyo e kampante ang mommy't daddy na safe kayong apat, di ba?" Saad ko. "Wow! Thank you ate. Sasabihin ko to agad sa kanila mamaya. Tara na kain na tayo." Yaya niya sa akin. At kumain na kami ng agahan.
Araw ng Sabado, ikawalo ng umaga...
Anak, tuloy ba kayo ng kapatid mo sa calamba?" Tanong ni daddy. "Yes po. Kasama po namin si mikee at tsaka yung mga kaibigan niya." Sagot ko naman. "Mag- iingat kayo, ha?" Sabi ni mommy. "Opo." Sagot ko. "O sige na, kumain na kayo para makaalis na kayo at di kayo abutin ng traffic." Sabi ni daddy. Kumain na kami at agad na naghanda sa pag alis papuntang Laguna. Masayang masaya si Tin dahil mapupuntahan na din niya ang isa sa mga lugar na pangarap niyang mapuntahan dati pa.Pagdating namin sa Laguna, agad naming hinanap ang bahay ng ating pambansang bayani. At nang amin itong natagpuan ay agad kaming pumasok dito. Tuwang tuwa silang magkakaibigan habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay ni Rizal.
"Alam niyo tingin ko, diniscuss niyo na to." Sabi ko sa kanila. "Yes ate at marami pa pala kaming hindi alam tungkol sa bahay na to. Ilang impormasyon lang naman ang naibahagi sa amin e." Sabi ni Tin. "Madami pang nandito na hindi nabanggit sa discussion kaya nagsusulat din kami." Sabi niya sabay yuko sa notebook at ballpen na hawak hawak niya kanina pa. Pare- parehas silang magkakaibigang nagsusulat habang naglilibot at nakikinig sa caretaker ng bahay. Halatang gustung- gusto nilang matuto mula rito. Halata ring nais nilang madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol kay Rizal bukod sa mga itinuturo ng kanilang guro sa kanilang paaralan. Future teacher talaga. Kaya siguro matalino. Ugali niyang magresearch e. Kahit hindi mo sabihin sa kanyang, 'iresearch mo to, tsaka ito.' nagreresearch Yan tuwing gabi sa bahay. Kahit weekends nag- aaral pa rin. Yun ang isa sa proud ate moments ko sa kanya. Hanggang sa pag- uwi namin, binabasa niya Yung mga naisulat niya sa notebook.
"Alam mo,hindi malabong makapasok uli sa top 5 yang kapatid mo. Ang sipag mag-aral." Sabi ni mikee. "Kaya nga proud na proud ako sa kanya e. Sana pag nagkaanak tayo, ganyan din kasipag." Sabi ko. "Kung gusto mong magmana sa kapatid mo yung magiging anak natin in the future e dapat lagi siyang nasa bahay. Siya ang paglihian mo para matupad yung hiling mo." Sabi naman ni mikee.
Nakarating na kami ng bahay makalipas ang isang oras at limampu't tatlong minutong paglalakbay mula Laguna hanggang maynila.
Agad kaming umakyat sa kwarto at nagpahinga.
YOU ARE READING
Until Forever
FanfictionAshMatt Fanfiction Date Started: May 11, 2018 Date Finished: December 4, 2020