Chapter Twenty Eight

172 5 0
                                    

Sarah's POV
Kahapon katext ko si ate Toni. Para na akong hihimatayin sa sobrang kilig. Monday na ngayon at papasok na ako sa school.

After 20 minutes...
"Hi, Tin!" bati ko. "Hi! Ang saya mo ha?" sabi niya. "E pano ba naman kahapon...." panimula ko. "O, anyare kahapon? Let me guess, nagdate kayo? Nanood kayo ng movie?" hula niya. "Ihh. Hindi, hindi. Iba yun." sagot ko. "O e ano?" curious niyang tanong. "Ganito kasi yun...  Kahapon nagkatext kami ni ate Toni habang pinapatulog niya si seve tapos alam mo ang sweet niyang katext. Tapos sobrang bait niya." kwento ko. "Oh kaya kinikilig. Ay baka may magselos." bulong niya sa akin. "Ano ka ba? Siyempre alam naman ni Matteo yon. Magkasama kami sa Park kahapon e. Namasyal kami. So bakit siya magseselos? Tsaka alam naman niyang die hard fan ako ni ate Toni e." paliwanag ko. "Sarah! Tin!" tawag sa amin nina Matteo at Paul. "Nandito lang pala kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap." sabi ni Paul. "Matteo? Okay ka lang?" tanong ko. "Matt, namumutla ka." sunod na sabi ni Tin. Nung chineck ko ang body temperature niya, nagulat ako dahil sa sobrang taas ng lagnat niya. Kailangan na namin siyang madala sa hospital.

At the hospital...
"After several tests na ginawa namin, we found out na dengue ang sakit niya and we need to find a donor who has a blood type of AB negative." sabi ng doktor.  Nagulat kaming tatlo sa sinabi niya. Kinontak namin kaagad ang mommy para masabi namin sa kanila na dinala namin si Matteo sa ospital ngayon at kailangan niya ng donor.

Pagdating ng parents ni matt...
"Salamat iha sa pagdala sa kanya dito sa ospital. Ilang gabi na din siyang nilalagnat at nanghihina. Sabi nga namin wag muna siyang pumasok at baka kung ano nang nangyari sa batang yan pero wala e. Nagpupumilit pumasok at ayaw niyang makamiss ng lessons niyo." sabi ng mommy ni matt sa amin. "Nako tita baka hindi po yung lessons ang ayaw niyang namiss kundi..." sabi ni tin. Hindi na niya natapos pa yung sasabihin niya dahil binigyan ko siya ng 'wag.mo.nang.ituloy.dahil.baka.kung.ano.pang.magawa.ko.sayo.' look. "Kundi ano?" tanong ni tita. "Ah wala po tita baka nga po ayaw niya lang makamiss ng lessons." sabi ko. "Ah e. Salamat uli sa inyong tatlo, ha? Di ba may klase pa kayo? Mabuti pa, Bumalik na kayo at baka mahuli pa kayo, ha?"  sabi ni tita sa amin. "Ay wala pong anuman tita. Sige po mauna na po kami. Sige po. Balik na lang po kami pag may oras." paalam ko. At lumabas na kami para bumalik sa school. Break time kaninang sinugod namin sa ospital si Matteo at ngayon, last subject na namin before lunch.

"Ano? Okay ka pa ba?" tanong ni tin. "Oo naman. Tara?" aya ko sa kanya.  Dumiretso na kami sa classroom at sakto namang dumating yung professor namin.

"Where have you been miss Gonzaga and miss Geronimo?" tanong niyo sa amin. "Sir we just rushed to the hospital. Sinugod po namin si Matteo." sagot namin. "Oh you mean Matteo Guidicelli of the engineering department? Bakit anong nangyari?" tanong niya uli. "Dengue po." sagot ko. 

Pinaupo na rin kami ng prof namin. At nag umpisa na ang klase para sa last subject namin bago mag lunch. Nagtataka ako kung paano at bakit nagkadengue itong si Matteo. At hindi niya pa sinabi sa barkada. Siguro nga ayaw niya kaming mag- alala kaya nilihim niya ito sa aming lahat.

Until ForeverWhere stories live. Discover now