IKAANIMNAPU'T SIYAM NA KABANATA

71 0 0
                                    

Marco's POV
As the days pass by, unti- unting gumagaan ang loob ko kay Josephine. Isa sa mga dahilan ay ang pagiging introvert din niya. Doon ko siya nagustuhan. Because of the fact na meron kaming common denominator.

"Josephine, yang kaibigan mo ba e introvert din?" Tanong ko. "Yeah. Kaya kami mabilis na nagkasundong dalawa." Sagot niya. "Sorry ha? Wala kasi akong ibang kaibigan kaya sumasama na lang ako sa inyo. Napagkakamalan tuloy nila akong beki." Sabi ko. "Okay lang. Hindi naman masama kung lalaki ka tapos puro babae ang mga kaibigan mo. Soon e makakahanap ka din ng ibang mga kaibigan." Saad ni Josephine. Magkaklase pala si Mikael na kapatid niya at ang anak ni Tita Sarah na si Catalina. I know Catalina because she's my second degree cousin. Kaya close kami at minsan pag sembreak, nagpupunta ako sa kanila para mamasyal or makipagbonding.

"Kumusta na pala si Mikael? Di ba kailan lang nung naospital siya?" Tanong ko. "Yeah. Okay naman na siya ngayon. He's attending his classes. Magkaklase nga daw sila ng pinsan mo. Alam mo magkasundo sila ni Catalina. Nagkukwento si Mikael sakin pag nasa mood siya kaso minsan, wala siya sa wisyo magkwento kasi siyempre babae ako lalaki siya so hindi niya mai- open up sa akin lahat." Sagot niya. Tama nga naman siya. Awkward magkwento sa kapatid mo na iba ang gender.

Hindi namin namamalayan ang oras. Tapos na pala ang lunch break. Bumalik kami sa classroom para sa next class.

Victoria's POV
Sa classroom....
Nagdidiscuss kami ngayon. English subject. We're having fun. Kasi madami kaming pasabog this week para sa upcoming event. "Bes, tara na sa office. Kailangan na nating magmeeting." Saad ko. "Let's go." Aya niya.

After class, pumunta kami sa SSC office para magmeeting.

"Ano bang subject ng meeting natin today?" Tanong ni Josephine. "Anong plano natin para sa darating na Valentines? Siyempre dapat may pasabog tayo." Tanong ko sa kanila. "Alam mo maganda yan. Pero anong klaseng pasabog ba ang naiisip mo? Maybe we can make some pakulo." Suggestion ni Marco. "And what kind of pakulo are you planning?" Tanong ni Josephine. "Relationship status check." Maiksi kong sagot. Dahilan upang magkatinginan sila. "What do you mean? I don't get it." Saad ni Marco. "They will wear the color of the shirt that best describe their relationship status." Sabi ko. "Ahh. O e ano namang mga kulay ng t- shirt ang pwede nating ipasuot sa kanila aber?" Tanong ni Josephine. "Red for In a relationship, yellow for single, violet for its complicated, blue for the persons na "walang label"," bago ko pa maituloy ang sasabihin ko, biglang sumingit si Marco. "Teka nga lang, ang harsh naman nung walang label pero siya, sige. Continue. Ano pang ibang kulay ang naiisip niyong pwedeng ipasuot?" Tanong niya. "Orange for umaasa, black for pinaasa, pink for friendzoned..." May sasabihin pa sana ako nang biglang.... "Hephephep. Parang marami yatang magpi- pink bukas niyan. Haha. Anyway, tuloy mo lang." Saad ni Marco. "Alam mo ikaw, lagi ka na lang sumisingit. Hindi ko tuloy matapus- tapos yung sasabihin ko." Saad ko. "But anyway, here we go. Last. Green for the persons na studies ang priority. Ayan kumpleto na." Sabi ko. "Okay na. Ano na next? Gagawa tayo ng mga booth." Sabi ni Josephine. "Ha? Anong booth? Wedding booth, horror booth, photo booth, ganoon?" Tanong ni Marco. "Oo. Tapos para maiba, maglalagay din tayo ng spot para sa mga nagliligawan. Or sa mga manloloko." Saad ko. "Ano?! Are you serious? Bakit naman pati mga manloloko e damay?" Tanong ni Josephine. "Oo. E sa ang daming nakakaexperience niyan. HAHA." Sagot ko naman. Minsan talaga di ko rin maintindihan yung sarili ko. May mga bagay akong naiisip na medyo... Alam mo yun, awkward! Lol. Hehe.

Anyway, natapos kaming mag- meeting mga 4pm. Marami- rami kaming naplano para sa darating na Valentines.

Pag- uwi ko ng bahay, nakausap ko si mommy.
"Anak, kumusta? Okay ka lang, ba? Bungad niyang tanong. "Okay lang naman my. Nakapagplano na kami para sa Valentines Day celebration sa school sa darating na biyernes. Martes na ngayon at mula bukas ay uumpisahan na naming mag- ayos sa ground floor para sa upcoming celebration." Sagot ko sa kanya. "Anak mabuti pa pumunta ka na ngayon sa kwarto mo para makapagbihis. Tapos bumaba ka uli dito sa sala para makapag- merienda. Okay?" Sabi sa akin ni mommy. "Okay po."  Sagot ko tsaka nagmamadaling umakyat sa taas para makapagbihis gaya ng sabi ni mommy. "Anak, dahan- dahahan lang naman baka madapa ka pa." Paalala niya. "Okay po." Pagsang- ayon ko. Excited kasi akong matikman ang paborito kong Italian spaghetti. Kaya pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba para kumain. Alam ni mommy ang weakness ko. Alam niyang kapag nagtatampo ako, agad niya akong ipagluluto ng paborito kong pagkain. Kaya naman agad din kaming nagkakaayos.

"Mommy!!!" Saad ko tsaka ko siya niyakap sa likod(backhug) "O maupo ka na diyan at magmerienda ka na. Alam ko na pagod ka maghapon." Sabi niya. Agad naman akong umupo para kumain. Inaya ko si mommy para kumain din kasama ko. Si daddy kasi ay wala dito ngayon.  Sumampa siya sa barko. Yes. Seaman si daddy. At last month, sumampa ulit siya sa barko. Baka next year uli namin siya makasama. Ang hirap ng sitwasyon namin, di ba? Minsan naiinggit ako sa mga kaibigan at kaklase ko kasi nga nakakasama nila ang daddy nila. They're complete samantalang kami hindi. Sana lang sa debut ko nandito siya para batiin ako. Matagal pa naman yun pero sana talaga. Sa ngayon, tapos na kaming magmerienda. At tinulungan ko muna si mommy sa pag- aayos bago mag- aral.

Nasa kwarto na ako ngayon para magbasa. Hinanap ko ang libro ko ng history. After one hour, naaral ko na ang isang chapter. Sinusulat ko yung mga important points. Advance study kumabaga.

"Anak, magpahinga ka muna. Isang oras ka nang nag- aaral jan. Mag- coffee break ka muna. Baka mamaya, bigla kang magutom. Wala ka pa man ding dalang tubig dito. Paano na lang kapag nauhaw ka bigla? Wait for me here. Kukuhanan lang kita ng tubig at sandwich sa baba, ha?" Sabi ni mommy. Napaka- caring talaga niya ever since. Hindi niya ako pinabayaan kahit na mag- isa lang akong anak nila ni daddy, hindi ako nakaramdam ng lungkot. Hindi ko naramdamang malungkot. Every sembreak, pumupunta dito yung mga pinsan ko para kumustahin kami. Kahit papano nababawasan naman yung lungkot ko. Siyempre I felt so loved by them so much. Hindi ako nakakaramdam ng kahit anong inggit sa mga pinsan kong nakakasama ang mga tatay papa o daddy nila. Para ko na rin kasing tatay yung mga tatay nila kaya di ko ramdam na wala dito si daddy. Ang lungkot ng kwento Ng buhay namin, diba? Kumain muna ako ng sandwich na dinala ni mommy sa kwarto ko. Ramdam na ramdam na ng utak ko yung pagod pero yung katawan ko, gusto pang gumawa ng school works.

"Anak, magpahinga ka na. Bukas mo na ituloy yang mga ginagawa mo. And besides, maaga ka pa bukas di ba kasi nga magdedesign kayo sa mga booths?" Sabi ni mommy. Bigla akong natauhan sa sinabi niya. "Shocks!". Saad ko. Oo nga pala. Kailangan ko palang maghanda para bukas. Nawala sa isip ko yung mga paghahandaan naming mga SSC officers sa dami ng iniisip ko. Kailangan ko na nga talagang ipahinga ang katawan ko. Agad akong humiga sa bed para makapagpahinga na rin. Sobrang gamit na gamit na ang utak ko.

A/N: Hello Beshies! Enjoy reading!

Until ForeverWhere stories live. Discover now