Ikatatlumpung kabanata

180 5 0
                                    

Matteo's POV
It's official! Si Paul at Tin na at kami na rin ni Sarah. Sinagot nila kami sa magkaparehong araw. Paano? Well, yung plano is si Tin at Paul lang ang magiging official ngayon. Hindi naman ako papayag, ano. Ano to? Sila lang ang masaya tapos kami hindi? Siyempre dapat lahat kami. Papunta na kami ngayon sa bahay nila Sarah. Linggo na ngayon at kalalabas ko lang ng hospital kagabi.

Pagdating namin, kumatok kami sa pinto at pagbukas nito, sumalubong sa amin si Tito.

"Anak, nandito na pala kayo. Umupo muna kayo." aniya. Umupo naman kami sa sofa.

"I'm so happy talaga. Akala ko tatanggi ka. Kasi siyempre di ba sinagot na ni tin si paul. So naisip ko tanungin na rin kita para double celebration ang anniversary natin kapag." sabi ko kay Sarah. "Ikaw naman, bakit mo pa ako tinanong ngayon? Kung kailan naman. Hays." aniya. "Bat parang ayaw mo? Dapat ba hindi na lang ako sumabay?" tanong ko. "No, hindi naman sa ganun." sabi niya sa akin. Habang nag uusap kami agad dumating si tita. "Iho, salamat sa paghatid kay Sarah. Di ba dapat nagpapahinga ka muna dahil kagagaling mo lang sa sakit? Baka mabinat ka." sabi ni Tito. "Ay okay na po ako. Magdamag po akong nakatulog kagabi sa bahay pagdating galing ospital. Kanina lang po ako nagising at bumangon." pag- amin ko. "Ah ganun ba? Nasabi na rin pala sa amin ni Sarah na sinagot na ka na rin niya kahapon. Ingatan mo yang unica hija namin, ha?" sabi ni tito. "Ah opo. Sasabihin nga po Sana namin sa inyo yung tungkol sa nangyari kahapon pero pinaalam na pala ni Sarah sa inyo. Sana po wag niyo po siyang pagalitan. Ako po yung nagtanong." Kinakabahang sabi ko. "Ay hindi iho kasi alam mo matagal na naming hinihintay na sagutin ka niya kasi nga mag iisang taon ka nang nanliligaw sa kanya, hindi ba? Yun na nga lang ang hinihintay naming sabihin niyo." sabi ni Tito. Approved naman na pala yung relasyon namin. Sa kabilang banda....

Tin's POV
Ipapaalam na namin yung relasyon namin ni Paul. Pagdating namin sa bahay...
"Oh anak, bakit nandito si Paul? May sasabihin ka kayo sa amin?" tanong ni mommy. "Opo. Daddy, mommy, kami na po ni Paul. Sinagot ko na po siya kahapon." sabi ko. "Ah. Yun yung pinapaalam mo sa amin nung isang linggo. Kahapon mo lang pala ginawa. Mabuti naman. E halos malapit nang mag isang taong nanliligaw sayo yan ah. Pero iho, ingatan mo yang bunso namin alam mo naman." sabi ni daddy. "Opo tito. Iingatan ko po ang inyong bunsong anak. Kagaya po ng pag- iingat ninyo sa kanya bilang bunso niyo sa pamilya." sabi ni Paul. "Kayo na pala." wika ni ate Cath. "Opo binibini. Sinagot na po ako ng inyong bunsong kapatid kahapon lamang." magalang kong sagot. "Oh Catherine tamang- tama ang dating mo." sabi ni tita. "Galing po kami sa labas ni mikee. Saan na po tayo pupunta ngayon?" tanong ni ate cath. "Tara sa mall? Mag-celebrate. Para kay bunso.Ano, game?" tanong ni Tito. "Mommy,  baka naman gabihin si Paul sa daan." sabi ko. Six pm na kasi ngayon at maya maya na lang ay magdidilim na rin. "Kung gayon, mauna ka na iho baka hinahanap ka na ng mga magulang mo." sabi ni dad. Kaya si Paul, nagpaalam na rin. "Sige po. I'll go ahead." Paalam niya.

Umalis na rin si Paul pagkatapos niyang magpaalam sa amin. Habang ako, hindi pa rin makapaniwalang tanggap ng pamilya ko kung anong meron sa amin ni Paul ngayon. Sana lahat.

Sarah's POV
Napaalam na namin kina daddy yung relationship namin. Sana all. Sana lahat kagaya ng mga magulang kong kahit gaano kastrict e at least hinayaan pa rin nila akong pagdesisyunan yung mga ganung bagay. "Mom, dad, thank you for letting me decide regarding that thing." sabi ko sa kanila. Nandito ako ngayon sa kwarto ko kasama sila. Pinag-uusapan namin yung nangyari kanina. "Anak, may tiwala naman kami sa inyo ni Matteo. Alam namin na nasa mabuting pangangalaga ang puso mo ngayon. Basta tiwala lang anak, wag na wag kang basta bastang magdududa. Alam namin na mahal na mahal ka ni Matteo dahil pinakita niya yun sa loob ng halos isang taon." sabi ni daddy. Pagkatapos naming mag- usap, nakatulog na rin kami.



A/N: Just a quick update. Sorry. Babawi ako next time.  Masyado kasing mahaba yung chapter 29 e. HAHAHA. Anyway, enjoy reading! Till next time! God bless!

Until ForeverWhere stories live. Discover now