EPILOGO

78 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV
Ngayon ay nasa loob na ng bahay nina Divina sina Victoria at Josephine. "Hoy Victoria, bakit ka pala sumigaw kanina? Akala ko tuloy may sunog." Sabi ni Divina. "Sorry na." Paghingi ng paumanhin ni Victoria. Habang nasa sala sila, ang mga bata nama'y nagtungo sa hardin.

"Nasaan na yung mga bata?" Tanong ni Josephine. Paglingon ni Victoria at Divina, napansin nilang wala ang mga bata sa kinaroroonan nila kanina.

Paglabas nilang tatlo, agad nilang hinanap ang tatlong bata.

"Lumabas tayo, hanapin natin sila, baka napaano na yung tatlong bata, delikado." Sabi ni Josephine.

Agad nilang natagpuan ang tatlong batang magkakahawak ng kamay habang tumatakbo.

"Magsitigil kayong tatlo! Bakit kayo tumatakbo??!" Tanong ni Victoria kina Lucas, Josefina at Maxine. "Tita pasensiya na po kung di kami nakapagpaalam. Nais lamang po naming maglaro sa labas."  Sagot ni Maxine. "Sa pagkakataong ito, Maxine, magpaalam ka naman. Magpaalam naman kayo. Masyado niyo kaming pinag- aalala." Sagot ni Josephine.

"Sorry po mommy." Paghingi ng paumanhin ni Maria Josefina Isabella. "Wag niyo nang uulitin ang inyong ginawa. One more time na ulitin niyo to, hindi ko na alam kung anong magagawa ko sayong bata ka." Sabi ni Josephine. "Masyado ka naman yatang harsh sa kanya friend."  Sabi ni Divina. "Bakit? Minsan kailangan din natin silang pagsabihan. Pagsabihan mo din kaya si Lucas, no?" Inis na sabi ni Josephine. "Teka, pero bakit parang galit ka? Bakit parang kasalanan ko?" Sabi ni Divina. Napatingin sa kanya sina Victoria, Josephine pati na rin ang mga bata. "Hmm, sounds familiar. Bobbie? Bea Alonzo?" Sabay na sabi ni Victoria at Josephine.  "O siya, tama ba ang chika. Mabuti pa pumasok na tayo. Kumain na nga lang tayo, nagugutom na ako." Sabi ni Victoria.

Lucas' POV
Nandito sa bahay sina tita Victoria at tita Josephine kasama yung mga anak nila para kumustahin ako. Nakalaro at nakasama ko na sila kanina pero hindi ko pa sila nakikilala. Hahaha.

"Lucas, kilala mo na ba ang anak ni Tita Victoria at tita Josephine mo?" Tanong sa akin ni Mommy. "Hindi pa po mommy." Sagot ko. "Aba, ayos ka din e. Hindi mo pa pala sila kilala tapos ayun, nandun na kayo kanina sa hardin, naghahabulan. Hays." Naiinis niyang sabi sa akin. "Mom, bakit ba ang init ng ulo mo? Meron ka ba ngayon?" Tanong ko. Nagulat siya sa tanong ko. "A- ano?! Wala!" Mabilis niyang sagot na akala mo may  tinatago. "E bakit parang natataranta ka, Divina? Meron ka bang hindi sinasabi sa amin, ha? Meron ba kaming hindi alam? Buntis ka ba?" Sunud- sunod na tanong ni tita Josephine. Biglang tumayo si mommy at pumunta sa kitchen dahil bigla siyang naduwal. Kasunod niyon, sumakit ang kanyang ulo. "I knew it! Buntis ang mommy mo Lucas. Magkakaroon ka na ng bagong kapatid." Sabi ni Tita Josephine. Lumabas ako at nagpunta sa hardin. Sumunod sa akin sina Isabella at Maxine.

"Hi, Maxine." Pakilala ng anak ni Tita  Victoria. "Hello, Josefina." Pagpapakilala naman ng anak ni Tita Josephine sa akin. "Lucas."  Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Alam niyo kayong dalawa masyado kayong makulit."  Sabi ko sa kanila. "Bakit? Makulit ka din naman, ah. Tsaka magiging kuya ka na kaya kuya na ang itatawag namin sayo mula ngayon. Hahaha." Natatawang sabi ni Maxine. "Grabe siya. Sige mang- asar ka lang. Hindi na ulit ako makikipaglaro sayo. Ayaw na kitang kalaro." Sabi ko. "Ay, tampo na agad ang kuya namin." Sabi naman ni Isabella. "Ewan ko sa inyo. Bahala na nga kayo diyan." Saad ko. "O mga binibini at ginoo, anong nangyayari dito? Bakit parang nag- aaway- away yata kayong tatlo?" Tanong ni tita Victoria. "Nako tita, inaasar ako niyang si Maxine at Isabella." Sabi ko kay tita. "Grabe naman kayong dalawang mang- asar. Baka mamaya, kayo na ang sumunod na maging mga ate in the near future, bahala...." Hindi natapos ni Tita Victoria yung sasabihin niya dahil nakaramdam siya ng pananakit ng ulo. "Teka, sandali, sumasakit yung ulo ko bigla." Sabi niya. Pumasok siya sa loob para magpahinga. At di naglaon, sumunod sa kanya si tita Josephine. "Kayong tatlo, ano yung nasabi sa akin ng mommy ni Maxine, ha? Inaasar niyo daw si Lucas dahil magiging kuya na siya?" Tanong ni tita. "Isabella naman, what did I tell you? Di ba sabi ko, wag kang mang- aasar, ha? Sutil ka talaga... Ahh!" Sabi niya pa sabay hawak sa kanyang tiyan. "Tita, what happened?" Tanong ko. Sabay sabay namin siyang inalalayan papasok sa sala. Pagkatapos ay agad siyang nagpakuha ng pregnancy test. Nung makalipas ang ilang minuto, natahimik kaming lahat.

Nagpakuha rin kasi kanina ng pregnancy test si tita Victoria kanina. Ngayon naman si tita Josephine. Kinakabahan kaming tatlo nina Maxine at Josefina.

At sa wakas ay sinabi na rin nilang dalawa ang magandang balita. Hindi lang si mommy ang nagdadalang- tao, kundi silang tatlo. Nagkatotoo ang sinabi ni tita Victoria na magiging ate sina Isabella at Maxine in the near future. Ang bilis, 'no?

"Tingnan mo, Maxine. Nagkatotoo yung sinabi ng mommy mo na "baka" maging ate kayo ni Isabella in the near future. O loko. Sige asarin niyo pa ako. Kita mo na. Minsan kasi, mag- ingat ka sa mga ikinikilos mo." Sabi ko. "Well, masaya naman akong finally, magkakaroon na ng bagong mga babies sa mga kanya kanyang bahay natin. Haha." Sabi ni Josefina. "It's been five years na rin naman since we were born. Buwan nga lang ang agwat natin e. Baka nga buwan din ang maging agwat nung mga kapatid natin."  Sabi naman ni Isabella. "Well, malay natin, di ba? May iba na rin tayong makakalaro." Sabi ko. "Sa wakas. Tingnan mo nga naman. Sobrang unexpected talaga." Sabi ni Maxine. "Well, the best blessings are the unexpected ones." Sabi ni Isabella. "Ay iba. May pa words of wisdom siya, oh. Palaban. Haha. " Biro ko. "Basta magiging kuya at ate na tayong tatlo. Haha. Hindi na natin mapigilan ang nakatadhanang mangyari." Sabi ko. "Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang nung tayo yung baby. Ngayon, masusundan na tayo ng mga bagong babies." Saad ni Maxine.

"Kayong tatlo, anong ginagawa niyo dito, ha?" Tanong ni Daddy. "E dad, hindi lang po kami makapaniwalang magkakaroon na kami ng bagong kapatid. Matagal din po kaming naghintay na dumating to." Sagot ko. "Ngayon na dumating na ang pinakahihintay niyong tatlo, maghanda- handa na kayo dahil tutulungan niyo kami sa pag- aalaga sa mga kapatid ninyo." Sabi niya.

Makalipas ang tatlong taon, tatlong taon na rin sina Charlie, Gabriella, at  Nathan.

Sa ngayon, malapit pa rin kaming magkakaibigan nina Josefina at Maxine. Sana mapanatili namin ito UNTIL FOREVER.

                  --- WAKAS---





A/N: Hi! I hope you like the ending;) Sorry kung hindi niyo man nagustuhan. Kailangan ko pang mag- improve if ever hindi niyo siya bet. May isa pa akong story na sinusulat ngayon. Yung THE ONE THAT GOD ALLOWED.  Here's the link: https://my.w.tt/4rBNXbXzWbb. Please find time to read. Thank you! Good night 💤💤💤💤.

Until ForeverWhere stories live. Discover now