Tin's POV
After watching Aladdin, umuwi na kami. Maaga pa kami bukas. May reporting pa sa Araling panlipunan. At ang aralin, patungkol sa Spanish era. May nabasa akong kwento tungkol sa pananakop ng mga espanyol."Maghahanda pa kami para sa report namin bukas. May nabasa akong kwento about Spanish era. Ang ganda sobrang gandang bumalik sa sinaunang panahon. I love you since 1892 ang title. Basahin niyo." Sabi ko. "Actually nabasa ko na. Maganda siya. Kaya lang nanghinayang ako sa ending. Bat ganun?" Sabi ni Sarah. "Ano bang ending, love? Tragic?" Tanong ni matteo. "Basahin mo para malaman mo. Ayoko magkwento. Try to discover it on your own." Sagot ni Sarah. "Basta ako nagustuhan ko yung kwento. Sana lahat makatagpo ng sarili nilang Juanito Alfonso." Sabi ko naman sa kanila.
K I N A B U K A S A N
Pagpasok ko pa lang sa classroom, kinakabahan na ako. Hindi ako mapakali. Alam ko naman ang mangyayari. Prepared ako sa report pero bakit ganito? Tumataas yung balahibo ko."Tin, are you okay?" Tanong ni Paul. "Oh. Yeah. Kinakabahan lang siguro ako dahil nga first time ko magreport." Sagot ko. Hindi ako sanay sa mga ganitong activities. Nakakakaba.
Nagsimula kaming magreport tungkol sa mga kaganapan sa pilipinas nung mga panahong sakop pa tayo ng mga espanyol.
"Ang mga pilipino ay nakaranas ng labis na pagkagutom dala ng pagpapahirap sa kanila ng mga espanyol. Hindi sila nakakakain at nakakatulog nang maayos sapagkat sila ay nasa ilalim ng malupit na pamamahala ng mga espanyol." Pagpapaliwanag ko. "Bakit hindi nila magawang ipagtanggol ang kanilang mga sarili noong mga panahon at pagkakataong iyon, binibining Gonzaga?" Tanong ng aming propesor. "Yun po ay sa kadahilanang wala silang sapat na lakas ng loob at kapangyarihang kalabanin ang mga opisyales ng gobyerno. Sila ay walang karapatang suwayin ang batas o utos ng pamahalaan noon." Sagot ko. "Magaling. Binibining Geronimo, sa iyong palagay, makatarungan ba ang naging pamamahala ng espanya sa pilipinas?" Tanong muli ng aming propesor. "Hindi po. Bilib ako sa mga Ca-tapangs sapagkat ipinaglaban nila ang kanilang karapatan hanggang dulo. Ngunit mas bumilib ako kay Juanito sa kanyang pagmamahal para kay Carmela ngunit nanghihinayang ako sapagkat sila ang Romeo and Juliet nang sinaunang panahon. Ang dalawang taong nagmamahalan mula sa magkaibang panahon na nagpapatunay na may mga taong "itinadhana ngunit hindi pinagtagpo."". Sabi ni Sarah at lahat kami'y napanganga sa sinabi niya. Hindi kami makapaniwalang makakapagbitaw siya ng ganung klaseng mga salita sa klase. Wow! "Miss geronimo, mukhang malalim ang pinanggagalingan at pinaghuhugutan mo ah. May pinagdadaanan ka ba?" Nagtatakang tanong ng Prof namin. "Wala po sir. Ayos lang po ako. Dahil po siguro nabasa ko na yung kwentong involved dito sa report." Sabi niya.
We ended the report with a bang! Hanggang ngayon hindi ko pa rin sukat akalaing mabibitawan ni Sarah ang mga salitang iyon sa klase.
"Bes? Umamin ka nga. May hindi ba kami alam tungkol sayo? I mean, may hindi ka ba sinasabi sa amin?" Tanong ko sa kanya. Kasi curious talaga ako e. "Wala naman. Dahil ba to dun sa mga salitang binitawan ko sa klase sa history? Relax, okay? Okay lang talaga ako. No need to worry, alright? Kaya ko to. Kung may problema, magsasabi naman ako e. Kasi siyempre kaibigan ko kayo. Pinagkakatiwalaan ko kayo kaya kung may problema, sasabihin ko sa inyo, okay?" Sabi niya. Hindi na kami nagsalita. Naniniwala naman kami sa kanya e. Lahat ng problema niya, sinasabi niya sa akin kaya may tiwala ako sa kanya.
A/N: At diyan nagtatapos ang ikatatlumpu't apat na kabanata. Bakit kaya nasabi ni Sarah ang mga katagang iyon sa buong klase? May hindi nga ba siya sinasabi sa barkada? Malalaman natin yan....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa aking pagbabalik 😂. Maraming salamat mga mambabasa! Hanggang sa muli!
YOU ARE READING
Until Forever
FanfictionAshMatt Fanfiction Date Started: May 11, 2018 Date Finished: December 4, 2020