Sarah's POV
Mula noong kinasal sina Tin, madami nang nangyari. Nabuntis si Tin, nagkaanak, at dalawa pa. Ang cute nga ni Carmela e. Sana ma meet ko siya. Nagriring nga pala yung cellphone ko. Next month na rin kasi yung kasal namin kaya naging busy din kami."Hello?" Pagsagot ko sa tawag ng misteryosong caller. "Hi, good morning. Kumusta?" Tanong ni.... "Rachelle?" Bigla kong nasambit. Si Rachelle ang childhood best friend ko na bigla na lang nawala sa pilipinas noong mag high school kami. Nawalan kami ng communication kaya nagulat ako. "Hi Sars. Shin here. How are you? Where had you been up to since the last time I saw you?" Sunod sunod niyang tanong. "Naku, many things had happened. Nag college, naka- graduate, nakapasa sa board exam, nagkalisensiya, umattend ng oath taking, nagkaroon ng maayos na trabaho, nagkaroon ng lovelife, tapos heto after six years na pagiging in a relationship, ikakasal na next month. Buti na lang at tumawag ka. Kulang pa kasi yung bridesmaids ko. Kukunin kita, okay lang sayo?" Mahabang salaysay ko. "Well, okay lang naman. Pero yung maid of honor mo, meron na? Kung wala pa, pwede ako. Tsaka di ko pa nakikilala yung fiancé mo." Saad niya. "Eh, meron na. Tsaka may gown na rin ako. Kaya bridesmaid ka na lang." Sagot ko na siyang ikinalungkot niya. "Akala ko pa naman ako ang magiging maid of honor mo. Pano si Yenggay?" Tanong niya. "Well, she'll be one of my bridesmaids as well kaya naisip ko ikaw na lang yung isa para magkasama kayo. Di ba? Hindi mo ba gusto yun?" Tanong ko. "Gusto ko naman pero umasa lang talaga akong ako yung mapipili mong maid of honor, ano." Sagot niya. "Kailan ka pa pala nakauwi mula sa ibang bansa?" Tanong ko. "Well, I just got home yesterday night. Medyo late na rin kaya di na ako nakatawag sa inyo. Kumusta naman kaya si yenggay?" Tanong niya. "Ewan ko. Tawagan mo kaya." Sagot ko sa kanya. Binaba ko na yung telepono pagkatapos noon.
Tinext ko si Tin pagkatapos. Sinabi ko sa kanyang dadalawin ko si Carmela. Seven weeks old na siya ngayon.
Pagdating ko sa bahay nila...
"Hi, bes. Kumusta ang mommy duties?" Tanong ko. "Nakakapagod. Gabi- gabing puyatan plus dalawa pa ang inaalagaan ko. Isang nag- aaral, isang baby. Well gumaan gaan naman ngayon kasi may nakakatulong na ako. May pwede na akong utusan. Yun naman ang maganda ngayon. Bukod sa asawa ko e may isa pang tumutulong sa akin." Sagot niya. Si Carmela ang sentro ng buhay nila ngayon. Excited umuwi sina Paul at Seve dahil kay Carmela. Si Carmela ang kaligayahan nilang lahat. "Ang cute naman ng anak mo. Dalawa na ang anak mo. Anyway, nagpunta ako dito para ibigay sayo tong invitation. Ring bearer si seve sa kasal." Sabi ko. "Talaga? Nako maeexcite yun bigla. First time niyang aattend ng ganyang event. Salamat sa invitation bes. Pupunta kami. Hindi kami pwedeng mawala sa kasal mo." Sabi niya.
Tin's POV
Dumaan si Sarah para ibigay yung invitation para sa kasal nila ni Matt next month. Si Rachelle ang isa sa mga bridesmaids niya. Ang maid of honor, si Mia. Mia is one of Sarah's closest cousin. Well hindi naman masama ang loob ko or hindi naman ako nagtatampo just because she had already chosen her bridesmaid and maid of honor."Sars, are you okay?" Tanong ko. "Bes, kinakabahan ako. Baka mamaya hindi ko na kayanin yung mga preparation para sa nalalapit na kasal." Sagot niya. "Alam mo, ganyang ganyan din ako noon pero nandoon sa tabi ko si ate every night para paalalahanan akong magiging maayos din ang lahat." Sabi ko sa kanya.
Nagpatuloy ang preparation para sa nalalapit nilang kasal.
Makalipas ang isang buwan, dumating ang araw na matagal naming hinintay at pinaghandaan. Sa una, mahirap. Akala ko di ko kakayanin pero salamat sa gabay ng mga magulang at mga kaibigan ko.
Next chapter: The wedding!
YOU ARE READING
Until Forever
FanficAshMatt Fanfiction Date Started: May 11, 2018 Date Finished: December 4, 2020