Asher's POV
Hello people! Asher Guidicelli here! (A/N: Dalawa ang character ng AshMatt dito) the wife of Gian. Well we just got married last month kaya okay lang na gamitin ko na ang Guidicelli as my surename. Pinsan nga pala namin si Matteo.
"Mahal, di na tayo pwedeng lumabas ngayon dahil sa lockdown." Saad ko. "Okay lang yun mahal. At least we're safe at tsaka gusto ko nga rin tumulong kaso iniisip kita. Di kita maiwan dito." Sabi ni Gian. "Kahit kailan ka talaga, oo. Mag fund raising ka nalang tutal ayaw mo naman akong iwan. Haha. Tsaka adik na adik naman ako ngayon sa mga oppa.(A/N: Opo, nanonood din po si ate Sarah sa CLOY. Skl.) "You're making me jealous ya know." Sambit ni Gian. "Hay nako mahal. Ikaw, alam mo, for six years na naging mag bf/gf tayo, e ngayon lang naman ako naadik sa mga k- drama. Tsaka alam mo bang yung bidang lalaki dun, parang ikaw. Sundalo. Kaya natural kung ikaw yung lalaki, aba iniimagine ko naman na ako yung bidang babae para partner pa din tayo." Sabi ko. "Aww, in fairness sayo ang galing mong bumawi doon. Haha. Ngayon na tapos ka nang maadik kay Captain Ri, e..." Pinutol ko ang pagsasalaysay niya. "Ikaw naman ang susunod kong kaaadikan. Kung okay lang sayo. Haha." Sabi ko na siyang ikinagulat niya. "Mahal, ano ba yan. Bakit ka ganyan? San mo ba natututunan yang mga ganyang banat mo?" Tanong niya. "Ayaw mo ba? Baka hindi mo nagustuhan. Sorry." Sabi ko."Hindi, ah. Gustung-gusto ko nga e at tsaka tinatanong ko lang naman kung saan mo natutunan yung mga ganong banat. Nabasa mo? Napanood mo? Napakinggan mo?" Tanong niya."Akala ko di mo nagustuhan e. Natutunan ko yan sa mga napapanood at nababasa ko." Paliwanag ko. "Ahh. Sige. Nga pala, kumusta naman si Captain Ri?" Tanong niya. "Ayun. Mas gwapo ka. Hahaha. E ikaw ang nakikita ko sa kanya e." Sagot ko. "Mahal, naman." Saad niya. "Bakit, inaano ka ba? Sinasagot ko lang naman yung tanong mo, ah." Sagot ko naman. "Oo nga. Pero kasi, hindi ko maiwasang kiligin sa mga pinagsasasabi mo." Pag- amin niya. So ganun pala yun. Kaya pala kanina pa siya nakangiti at walang imik e kinikilig na pala ang lolo niyo. Hahaha. Minsan lang naman ako magpakilig pero malay ko bang ganyan ang magiging epekto nito sa kanya. Siguro dahil noon pa man, e talagang crush na ko ng isang to. Haha.A/N: Super quick update again. Stay safe everyone!
YOU ARE READING
Until Forever
FanfictionAshMatt Fanfiction Date Started: May 11, 2018 Date Finished: December 4, 2020