CHAPTER TWENTY ONE

190 2 0
                                    

Sarah's POV
Bumalik na kami sa campus. Yehey! Natupad na yung ultimate dream ko ever. Nakita ko na sina ate Tin at ate Cath. Yan na daw itawag ko sa kanila though nahihiya ako kasi nga hindi ako komportable e. Sabi nila masanay na daw ako kasi isasali na daw nila ako sa fans club nila.

(F   L   A   S   H   B   A   C   K.... )
"Alam mo, masyadong mahaba yung ate Celestine at ate Catherine na tawag mo sa amin. Ate tin and ate cath na lang itawag mo sa amin." sabi ni ate cath. "Oo nga naman. Hindi naman siguro masama kung tawagin mo kami sa mga nicknames namin." pagsang-ayon ni ate tin."Pero ate ano kasi... " sagot ko.  "Ano?" tanong niya. "Hindi ka sanay? Hindi ka komportable?" sabi naman ni ate cath. "Sa una lang yan. Pag tumagal tagal, masasanay ka rin. Tsaka wag kang mag- alala kasi friendly ang mga fans namin and they will welcome you to the group wholeheartedly." sabi uli ni ate tin. Nung lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon, gumaan ang pakiramdam ko. Para akong nakatanggap ng regalong gustong gusto kong makuha mula sa isa sa malapit kong kaibigan. Napaluha na lang ako nang hindi ko namamalayan at pagkatapos nito ay bigla rin nila(Ate Tin and ate cath) akong niyakap.
(End of Flashback)

"Huy! Okay ka lang?" tanong ni tin. "Oo okay lang ako." sagot ko. "Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ulit niya sa akin. "May naalala lang ako." sabi ko. Hindi na siya muli pang nagtanong.

Pagkatapos kong mag-isip ng malalim(daw) ay  bumalik na sa normal ang lahat dahil may professor na magtuturo sa amin para sa last subject bago mag lunch break.  Napansin niyang ngayon lang ako nakangiti ng ganun. Dati kasi hindi naman ako ganun ngumiti e. Maria Clara ang paraan ng pagngiti ko. Hindi ako madalas na nakikisalamuha. Kaya siguro nanibago siya. Kaya kinausap niya ako.

"Okay ka lang?" tanong niya. "Yes po. Bakit po?" tanong ko. "Ah, naninibago kasi ako sayo e. Hindi ka naman palangiti pero ngayon iba yung ngiti mo." sabi niya. "Ahh yun po ba ma'am? Naku masaya lang po ako ngayon kasi natupad ko na yung ultimate dream ko ever since." sabi ko."Ah ganun? Ipagpatuloy mo yan ha. Sana lagi ka na lang ganyan para kahit papaano e gumaan naman yung feeling pag kasama ka." sabi ni ma'am. Hanggang sa dumating na ang oras ng pag-uwi.

Umuwi na ako sa bahay pagkatapos ay nagpahinga na ako. This is the best day of my life as of now so far.

A/N: New update is up!  Enjoy reading!

Until ForeverWhere stories live. Discover now