Nang mamatay ang mga ilaw
Anong oras naba?
Muli kong tiningnan ang aking cellphone. Huta ala syete na?
Bakit ganon?
Alam naman nung babae na nandito pa ako bakit nya agad pinatay ang mga ilaw?
Nakakainis naman oh!
Napahinga nalang ako ng malalim at dali dali na kinuha ang book.
Omo-O naman ako sa kanya na bibilisan ko gaya ng sabi nya. Tapos ano? Papatayan nya ako ng ilaw? How rude you are ate?
Lakad takbo akong lumabas sa loob ng library.
Sa mga oras na 'to iilan nalang din ang mga estudyante dito sa loob ng School.
Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Kung may sakit siguro ako sa puso baka kanina pa ako nahimatay dun sa loob.
Mabilis na akong lumabas ng Campus at naghintay nalang ng masasakyang taxi.
Hindi din naman ako nagtagal sa paghihintay ng masasakyan dahil agad din akong nakasakay.
"Haysss..." Pasalampak akong naupo sa sofa pagkauwi ko sa condo.
Hanggang ngayon hindi pa humuhupa ang inis ko dun sa babae.
Naku! Kapag nakita ko talaga yun si Ateng nagbabantay.
"What's that face?.." Naupo si Ellaine sa tabi ko. Inagaw ko naman ang dala nyang isang basong juice at mabilis na nilagok
"Uso magtimpla.." Rinig ko pang reklamo nya
Nauuhaw na ako. Anong magagawa ko?
Ikaw ba naman tumakbo, ewan ko nalang kung hindi ka talaga hingalin at uhawin.
Inilapag ko na yung baso na wala ng laman sa coffee table at pinunasan ang gilid ng aking labi
"Nga pala Linna, nandyan na si Tita Carol.." Sabay kami ni Ellaine napabaling ng atensyon kay Maddy.
"Di nga?.." Di makapaniwalang tanong ni Ellaine
"Mukha ba akong nagjo joke?.." Umirap sya at pinag cross ang kanyang legs
Kahit kailan talaga napaka savage nitong si Maddy
"Kailan pa?.."
"Kanina lang. Sinundo sya ng CRUSH mo..'' Hype talaga tong si Maddy. Kailangan talagang eemphasize?
Sinamaan ko sya ng tingin. Nag peace sign lang sya sakin.
Kung nandito na si Tita Carol, bakit wala si Mama?
Tsk!
Bakit naman ako aasa pa na umuwi sya.
Hanggang ngayon ba Linnalyn hindi ka parin gising sa katotohanan?
Si Tita Carol ay ang nanay ni Steven.
Tita ang tawag ko sa kanya dahil matalik syang kaibigan ng Mama ko. Sa pagkakaalam ko ay bata pa sila ay bestfriend na ang turingan nila sa isat isa.
Ipinilig ko nalang ang aking ulo.
Ayoko munang isipin yun. Baka uminit lang ang ulo ko.
...
[Next Day]Sabay sabay kami ng mga kaibigan ko na pumunta sa lugar Kung saan gaganapin ang Experiment sa science.
Pagkarating nga namin dun ay marami rami na din ang tao habang hinihintay pa ang iba
Mag aanong oras na pero wala pa ang iba maging ang mga prof namin
Sila pa ang nagsabi samin na walang male late. Pero sila, ano? Tsk!
YOU ARE READING
Living With My Crush
RomanceSa hindi inaasahang pagkakataon magsasama sa iisang bahay sila Linnalyn Cate Hictove at Steven Kurt Lim para pag aralan kung paano i'manage ang kompanya ng kanilang mga magulang. Ano kaya ang posibleng mangyari sa kanilang dalawa sa iisang bahay? M...