Mabilis naman kaming nagsi inom ng juice na nasa aming harapanBakit kasi wala si tita 'ng preno sa pagsasalita
At saka bakit kailangan namin magsama sa iisang condo? Pwede naman i-manage yung company ng hindi magkasama diba?
"Like seriously, mom? As in magsasama sila talaga sa iisang bahay?.."
"Kakasabi ko lang Shanella.."
"HAHAHA. Naku ate Linna mag iinga--"
"Shut up your mouth Shanella..'' May pagka irita sa boses ni Steven
Malakas din itong si Shanella mang asar sa kuya nya ei, noh?
"Kailan naman?.." Ngunguya nguyang tanong ni Steven
"Hmm..In the next days..''
"Ganun kaagad kabilis Tita?.." Singit ko na sa usapan. Napalakas pa nga yung boses ko
Hindi ko na napigilan. Nakakabigla naman kasi si tita Carol.
"Yeah.." Simple nyang sagot bago sumubo ng pagkain
Ano kaya ang mangyayari kung magsasama kami sa iisang bahay?
Teka! May mangyayari nga ba?
Hutaaaa. Ano ba itong iniisip ko
Hanggang sa makawi ng aking condo ay lutang ang utak ko. Wala akong ibang iniisip kundi yung tungkol sa pag lipat ko ng bahay.
Bahay. Kasama sya. Kasama si Steven?
Hindi ko naman 'to hiniling na mangyari sa buhay ko pero bakit?. Haysss. Nakaka frustrate naman mag isip.
Oo na, ako na ang choosy. Masaya kana?
Dahil sa frustration ay ginulo ko ang aking buhok.
"Mukang madami kang kuto ah, kutuhan kita gusto mo?.."
Mabilis ko syang binato ng unan na kanya namang nasalo
"HAHAHA. Ano bang nangyari at nagkakaganyan ka?.." Natatawang tanong ni Ellaine at umupo sa aking tabi.
"Mag aasawa na ako..." Teka! Mag aasawa? Ako?
Sinabi ko ba talaga yun? Hutaaaa..
Grabe natong ka asyumerahan ko ha.
Ito nagiging sanhi sa kakabasa ng Wattpad
"Mag aasawa? Ikaw?. HAHAHA. How ridiculous..'' Tinaasan ko ng isang kilay si Ellaine. Ridiculous, ridiculous. Tch!
Inirapan ko sya at umayos ng upo.
"Hoy girl, magsasama lang kayo sa iisang bahay for the company. Nothing more, nothing less..." Sabi nya. "Mag aasawa daw.." Bulong pa nya sa kanyang sarili pero rinig ko naman.
"Paano mo naman nalaman about dun? Hindi ko naman sinabi sayo diba?.." Takang tanong ko. Wala pa akong nababanggit sa kanila ng tungkol sa pinag usapan namin nila Tita.
"I knew it already.." At kumindat pa sya sakin. Buang?
"Paano? Saan? Kelan?.." Sunod sunod kong tanong
Eh, sa curious ako
"Kay tita. Gaga lang?.."
Bakit hindi man lang ako nainform don?
...
"Class dismiss.." Pagkasabi na pagkasabi nang word na yon ay awtomatikong na kaming nagsilabasan.Breaktime ngayon kaya agad na akong nagtungo sa Cafeteria. Ako lang mag isa dahil ang mga kaibigan ko ay may klase sa mga oras na 'to.
Napahinto ako sa paglalakad ng nasa bukana na ako ng Caféteria.
Napaisip ako ng mabuti na imbis na dito ako kumain at magpalipas ng oras, bakit hindi nalang sa Café na malapit dito. Tama! May two hours pa ako. Mahaba haba pa yun.
Mabilis akong lumabas ng School namin at tinungo ang ilang hakbang lang na Café.
"Isang Chocolate cafe and waffle nga..'' Order ko ng makarating
Nagtaka pa ako na parang sinusuri nya ang mukha ko.
Hindi ko sya gaanong pinansin dahil baka mamaya ay nag aasume lang ako. Pero maya maya ay nagsalita sya.
"Ahm Ma'am kayo poba si Ms. Hictove?.."
Napakunot ako ng noo ng tanungin ng babae ang apelyido ko. Nagtataka man ay sinagot ko sya
"Ito po. May nag order nyan kanina para sa inyo.." Sabay bigay sakin nung katulad ng in-order ko. May nakalagay pang sticky note na may word na
'Ms. Hictove'.Mas lalo namang napakunot ang noo ko.
"Sure kaba na akin talaga to?..'' Nakakapagtaka kasi.
Paano naman nalaman nung nag order nito na ito ang oorderin ko ngayon. At paano din nya nalaman na pupunta ako ngayon dito? Weird ah.
Hindi kaya may stalker ako?
"Sa inyo po talaga yan Ma'am. Nagpakita pa nga sya sakin ng picture sa cellphone nya para daw po mas madali ko kayong makilala..''
"Sino sya?.." Curious kong tanong
Ramdam ko sa paligid ko na may ilang mga customer ang nakatingin samin ngayon. Pero walang kong pake. Who cares ba?
"Gwapo sya Ma'am..''
Eh? Gwapo? Anong klaseng sagot yun? Ang dami kayang gwapo sa mundo. Jusko die.
So ibig sabihin lalaki yung bumili nito para sakin. Hopia Mani Popcorn. Sino naman yun?
"Parang may lahi sya. Ganun Ma'am.."
Anong klaseng lahi? Alien? Isa lang kilala kong alien sa mundo. Nasa korea
Ano ba namang klaseng description nitong si ate. Sino ba kasi yun? Hutaaaa. Sakit sa brain cells.
"Sige po Ma'am.." Nag paalam sya sakin dahil dumarami na yung customer.
Napatingin naman ako sa cup at waffle na hawak ko.
Kung hindi ko 'to kukunin baka ma offened yung nag order nito para sakin. Kawawa naman Kung ganun diba?
At saka tipid na din sa pera.
Naupo sa pinakang dulo kung saan makikita yung mga taong dumadaan sa labas at mga sasakyan. Glass wall kasi 'tong Cafe.
Imbis na isipin pa kung sino ang nag order nito para sakin ay inilabas ko nalang ang laptop ko para makapag research.
Nang mailabas ay agad ko na itong binuksan.
Ni research ko yung mga susunod naming pag aaralan. Minsan kasi ay tinatamad akong makinig sa prof namin lalo na kung nakakatamad magturo.
Sa dami ng article na lumabas ay hindi ko alam kung ano ang pipindutin ko.
Bakit feeling ko tinatamad akong mag aral.
Magtata type pa sana ako ng iba ng maramdaman ko na may umupo sa aking unahan. Harapan kasi ang table dito.
Hindi ko makita yung mukha nya dahil nakayuko ako ng kaunti at nakaharang pa sa aking unahan yung laptop ko.
"Ang gwapo nya..."
"Sya yung sikat na Softball player diba?..''
"Tama ka!."
"Ano pangalan nya? Pero bakit dun sya naupo sa harap nung girl?..."
"Baka girlfriend nya yan.."
Rinig kong usapan sa kabilang table.
Mga high school student ata itong mga 'to dahil halata naman sa suot nilang uniform.
Teka nga, sinong softball player ang sinasabi nila?
Hutaaaa. Ang sakit na ng batok ko!
Nang di 'ko na makayanan ay dahan dahan ko ng iniangat ang aking ulo.
Dahan dahan din akong tumingin sa aking nasa harapan.
At halos mahulog ako sa aking kinauupuan ng mapagtanto kung sino iyon.
YOU ARE READING
Living With My Crush
RomanceSa hindi inaasahang pagkakataon magsasama sa iisang bahay sila Linnalyn Cate Hictove at Steven Kurt Lim para pag aralan kung paano i'manage ang kompanya ng kanilang mga magulang. Ano kaya ang posibleng mangyari sa kanilang dalawa sa iisang bahay? M...