Chapter 11: Don't go

19 2 0
                                    


Napapitlag ako ng may pumitik sa aking noo. Napahawak ako don ng makaramdam ng konting sakit.

Langya yun ah!

Napatingin agad ako sa kanya na may nagtatakang mukha.

"Kanina kapa tulala. Why are you suddenly fell asleep?.." Kunot noo nyang tanong sakin

"Ha?.." tanging lumabas sa bibig ko.

Napatakip ako sa aking bibig ng marealize na nananaginip ako ng gising.

Yung kiss hindi yun totoo?

Wapak!

Bakit ba kasi ako nag isip ng ganon? Hutaaaa!

Sa sobrang kahihiyan gusto ko ng magpakalunod sa pinakamalalim na dagat sa mundo. Nakakahiya ka Linnalyn.

Tinaasan nya ako ng kilay na para bang nagtatanong.

Napalunok ako ng laway.

"May pumasok lang bigla sa isip ko.." Peke akong ngumiti.

"What's that?.."

Yung akala ko na hinalikan mo ako. Ayun yon!

Pero syempre hindi ko sasabihin yun. Kakahiya!

Nag isip ako ng maidadahilan.

"Ah! Si Rancee.." Hindi ko alam kung bakit ayon yung lumabas sa bibig ko.

Mabilis syang umiwas ng tingin at nagpipindot sa laptop nya.

"Anong meron sa kanya?.." Sa tinig ng boses nya para syang naiirita ng marinig yung pangalan ni Rancee.

Hindi ko alam kung bakit.

"Ano kasi.. Ininvite nya ako na sumama sa Korea.." Hindi ko alam kung bakit kumakabog ang dibdib ko habang sinasabi ko ang mga salitang yun.

Wala namang dahilan para kabahan ako ng ganito diba? Pero yung kabog ng dibdib ko ngayon hindi ko maipaliwanag.

"Korea?.." Gulat nyang sambit at nag angat ng tingin sakin.

"Ah. Oo.." Napatungo ako. Hindi ko kasi sya kayang tingnan ng maayos.

"Saan'g Korea?.."Tanong nya pa

Ngayon ko lang nalaman na may pagka chismoso pala itong si Krass.

"Sa Seoul.."

Tanging tango lang ang naging reaksyon nya at muling ibinalik ang paningin sa kanyang laptop.

Ibabalik kona din sana yung atensyon ko sa mga files ng bigla namang mag ringtone ang phone ko. Agad ko naman itong kinuha.

"Hello.."Mahina lang ang boses ko ng masagot ang tawag. Baka kasi madistract si Steven

["Hey. Ngayon ang alis ko. Won't you give me a ride to airport?.."] Aba! Ginawa nya pa akong driver sa lagay na 'to ha?

"Ang kapal talaga ng mukha mo, Ran..'' Umirap pa ako sa kawalan kahit alam ko na hindi naman nya iyon nakikita.

Bakit naman kailangan ko pa syang ihatid sa Airport?

["Ihahatid lang Linna. Bakit ba ang damot mo?.."] Aba nag inarte pa ang loko. Kung nasa tabi nya lang ako baka nasapok ko na sya ei. Ang arte!

"Hoy, Rancee tigilan mo nga ako..''

["Ganito nalang. Sumama ka sakin sa Korea. Whether you like it or not. I don't damn care. Bye.."]

Napatulala nalang ako sa aking phone ng babaan nya ako. Siraulo yun! Tatawag lang para magpahatid sa Airport.

Tumingin ako kay Steven na busy pa din sa ginagawa.

Lumunok ako ng laway bago nagsalita.

"Ahm.. Steven.."

"Don't go.."

"Ha?.." Ano ba naman kasi yung ibig nyang sabihin. Don't go? Anong meron dun?

"I said don't go.." Eh? Don't go daw?

Sasabihin ko lang naman na kung maari ay magluto sya ng kakainin namin dahil tanghali na. Ano ba pinagsasabi nito? Nasobrahan yata 'to sa pag aanalyze ng mga papeles.

"Sasabihin ko lang naman na tanghalian na. Ano ba pinagsasabi mo na don't go, don't go dyan?.." Usisa ko.

Natigilan sya at napalunok ng laway at para ding hindi mapakali ang mga mata nya.

"Nevermind.." Malamig nyang naging sagot sakin.

Living With My CrushWhere stories live. Discover now