Chapter 7: Abs

17 1 0
                                    


"Ano?.." Bulalas ko kay Steven

"You heard me, right?.." Tulala nya akong iniwan sa may bukana ng pinto

Bakit?

Magkasama na nga kami sa iisang bahay tapos magkasama pa kami sa kama? Wtf!

Paano naman ako makakatulog ng maayos kung ganon?

Ano paba? Pati sa plato, baso, kutsara at tinidor kailangan hati din kami? Omo naman.

Ano ba kasing iniisip ni tita Carol at ganito ang pinaparusa nya sakin

Pero parusa nga ba ito?

Sinara ko na yung pinto at ipinagpatuloy na ang pagpasok sa loob

Madi depressed ako dito ei.

Kailangan ba talagang ganito Lord ang pag daanan ko? Para sakin blessing na parusa ito ei. Blessing kasi makakasama ko ang taong gusto ko. Parusa kasi hindi ko alam kung ano or paano ako kikilos ng maayos.

Baka kahit paghinga ko hindi ko magawa ng maayos.

Teka! Yung maleta ko nga pala na kay Steven.

Patakbo akong pumasok sa kwarto namin.

Eh? Ansabe? Kwarto namin? Hutainang yan.

At pagpasok ko ay napatigil ako ng may nanlalaking mata? Juice ko lord.

Si Steven na nakatapis lamang habang pinupunasan pa ang kanyang buhok na mamasa masa pa. Nakaboxer lang din sya kaya exposed na exposed ang perpekto nyang katawan. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok ng laway.

Kakaligo nya lang yata!

Pero bakit ang bilis naman? Ilang minuto naba ako nag iisip at nakatayo don sa labas kanina?

Hindi ko naimagine na meron pala syang ABS.

Wooo. Hangin.. hangin.. I need air.

Ito na nga ba ang sinasabi ko!

"Don't stare like that..'' Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ang boses nya

Agad ko naman iniiwas ang paningin ko sa ibang direksyon.

Gusto ko ng magpalamon sa tiles ngayon dahil sa kahihiyan. Siguro ang pula pula na ng mukha ko. Kakahiya talaga.

Rinig ko ang mga yabag nya hudyat na naglalakad sya.

Yung tibok ng puso ko. Parang may nagkakarerahang kabayo sa lakas ng kabog. Feeling ko lalabas na 'to anytime.

Hindi ko makita ang napaka gwapo nyang mukha pero yung mga yabag ng paa nya ramdam ko na papalapit sya sakin.

Sakin ba talaga? O, baka naman lalabas sya kasi diba nga nandito ako sa bukana ng pinto ng kwarto.

Pero nagkamali ako ng hinala. Dahil.... Dahil lumapit sya sakin

Wala ako sa sariling napaharap sa mukha nya. Nanlaki lalo yung mga mata ko at halos manigas na yung katawan ko sa aking kinatatayuan ng magdikit ang tungki ng ilong namin.

Wala man lang syang naging reaksyon don

Bigla nalang ako natigilan ng matitigan ko ng malapitan ang mukha nya.

Katamtamang kapal ng kilay, kulay brown nyang mga mata, makinis na mukha, matangos na ilong at. Napalunok ako ng laway ng madako ang mga mata ko sa mamula mula at mamasa masa nyang labi. Parang ang lambot non na kasing lambot ng bulak. Teka ano ba 'tong iniisip ko?

Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa mga iniisip

Paano ba ako kikilos ng maayos at makakaalis dito. Paper sheet talaga oh.

Naiihi na ako sa kaba.

Nagtaasan lahat ng malahibo ko ng mas lumapit pa sya sakin. Yung malapit. Halos maramdaman ko na ang init ng katawan nyang hubad. Hutikkk.

Iginilid nya ang kanyang ulo sa kaliwa kong tenga. Yung mainit nyang hininga ramdam na ramdam ko sa aking batok at balikat. Kinikilabutan ako.

Iimik na sana ako ng bigla syang magsalita.

"Don't stare me. You can touch me if you want.." Namamaos nyang boses.

Living With My CrushWhere stories live. Discover now