Chapter 23: Usap usapan

31 2 1
                                    


"Salamat sa paghatid.." Sabi ko ng tinatanggal na ang seat belt. Buti nalang din talaga hindi gaanong traffic ngayong araw. Mabilis ang pagpapa takbo ng sasakyan ni Steven kaya mabilis lang din kaming nakarating. May 2 minutes pa ako bago mag klase.

Bababa na sana ako sa passenger seat ng hawakan ni Steven ang braso ko. Tiningnan ko sya na parang nagtatanong.

"Yun lang?.."

"Ha?.." walang ideya kong tanong. Hindi ko naman kasi alam kung ano yung sinasabi nyang 'yun lang'.

Tinaasan nya ako ng kilay. Shit! 2 minutes nalang ang meron ako pero hanggang ngayon hindi ko parin maisip kung ano yung tinutukoy ni Steven na yun lang.

"Thank you, is not enough Linna.." napalunok ako ng laway ng bigla akong naliwanagan sa tinutukoy ni Steven. Napalunok ako ng laway bago sya mabilisang halikan sa cheeks.

Nang feeling ko na nag akyatan lahat ng dugo ko sa aking pisngi mabilis kong binuksan ang pinto at saka dali dali na lumabas.

Napahinto ako sa aking lakad takbo ng marinig ang kanyang sigaw.

"I'll fetch you up later Linna. I love you.." Halos kumawala na ang puso ko sa aking dibdib ng marinig ang 3 words na kanyang binitawan. Ilang beses ko ng narinig ang salitang yan galing sa kanya pero samantalang ako hindi pa.

"Si Steven yun diba?."

"Tama ba yung rinig ko na nag I love you sya kay Linna?.."

"Yan din sana ang itatanong ko sa 'yo. Mukhang tama tayo ng pagkakarinig ah!.."

"Baka magjowa sila."

"Siguro. Maganda at matalino si Linnalyn kaya hindi na nakapagtataka na mabingwit nya si Steven."

Halos isubsob ko na ang aking mukha sa desk. Halos lahat ng mga babae dito sa loob ng room ako ang topic. Nakakainis si Steven! Ano ba ang naisip nya at sumigaw sya ng ganon. Mamaya lang talaga sya sakin. Sesermunan ko sya.

Alam nya namang madaming tao tapos sisigaw sya ng ganon. Bwisit ka talaga Steven.

"Bakit parang pangalan mo ata ang naririnig ko?.." Tanong sakin ni Rancee na umupo sa aking tabi.

Napa face palm ako bago sya hinarap.

"Wag mo ng tanungin.." sagot ko sa kanya. Muli pa sana syang magsasalita ng dumating naman ang aming prof.

Bumati muna kami bago sya nagsalita.

"Announce ko lang na kailangan nyo ng mag ready para sa Batangas tour natin. Sa Friday na yun magaganap kaya naman dapat bago mag ala syete nandon na kayo sa tapat ng Mall kung saan tayo magkikita kita.." Litanya nya na ikinatili ng ibang estudyante.

Hindi pa ako nakakapag bayad para don sa Tour. Hindi kasi ako sure kung sasama ba talaga ako o hindi. At saka nakapunta na rin ako sa lugar na pupuntahan namin nong minsan na nag business trip si Daddy at isinama nya ako.

Napakagat ako ng ibabang labi ng maalala si Daddy. I miss him. Hindi ko pa sya nadadalaw. Baka siguro hindi nalang ako sumama. Dadalawin ko nalang si Daddy sa araw ng Friday. Tama!

Nang matapos ang klase ko tumayo na ako saka ipinag liligpit ang aking gamit.

"Linna hanap ka ng mga kaibigan mo sa labas.." napaangat ako ng tingin ng may magsalita sa aking gilid. Pag tingin ko ay si Carmela.

"Okay.."

Lumabas na ako para puntahan ang dalawa kong kaibigan. Agad ko silang nakita dahil nasa gilid ng bukana lang sila ng pinto.

"Linna.." inakbayan ako ni Ellaine.

"Sabay sabay na tayo mag lunch.." Sabi naman ni Maddy.

"Wala ba kayong klase ng hapon.."

"Meron.."sabay na sagot nilang dalawa. Tanging tango nalang ang naisagot ko.

Umupo na kaming tatlo ng maka order ng pagkain. Nahirapan nga kami sa paghahanap ng bakanteng table dahil halos lahat puno. Ang daming tao ngayon dito sa Cáfeteria.

"Linna sasabay kaba samin ni Maddy sa Friday?..''

"Hindi.." simple kong sagot at saka sinubo yung pagkain.

"Bakit naman hindi?." si Maddy ang nagtanong.

"Baka kasi dalawin ko nalang si Daddy .." halos pabulong ko nalang ng sabihin yun. Natahimik din yung dalawa sa sagot ko kaya tumikhim ako. "Bakit kayo natahimik dyan?.." tatawa tawa kong tanong.

Pinanliitan ako ng mata ni Ellaine habang si Maddy naman ay umiwas lang ng tingin.

"Continued eating na nga lang.." Nakangusong sabi ni Ellaine.

"Diba si Linna yun?.."

"Oo nga noh?.."

"Tama nga sila. Maganda at sexy sya kaya nya siguro nabingwit si Steven. Lame tayo girl.."

"Alam mo ba na may nagsasabi na magkasama daw si Linnalyn at Steven sa iisang condo.."

"Talaga?.."

"Oo.."

Wala pa man din ako sa kalagitnaan ng pagkain ng marinig ko na naman ang aking pangalan. Sinulyapan ko ng tingin ang dalawa kong kaibigan na nasa aking harapan. Sigurado akong narinig nila ang bulungang iyon dahil nasa tapat lang namin ang grupo ng mga babae na chini chismis ako.

Napalunok ako ng laway ng makita ang mga nakakunot nilang noo.

''Totoo ba yun Linna?.." Bigla akong nakaramdam ng kaba ng marinig ang galit na boses ni Maddy. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

''Linna?.." pagsigaw nya sa aking pangalan.

Bakit sya sumisigaw? Bakit nya ako sinisigawan? Nag aalangan man ay sinagot ko sya.

"O-Oo.." utal kong sagot. Nag igting ang panga ni Maddy sakin at saka padabog na tumayo. Sinundan ko sya ng tingin na papalabas na ng Caféteria.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganun nalang ang inasta ni Maddy ng malaman na kami na ni Steven. Ano ang dahilan para umasta sya ng ganon.

Dati naman sinasabi nya sakin na mag boyfriend na ako. Sya ang nagtutulak na gawin yun pero ngayong nalaman nya na boyfriend ko si Steven. Bigla bigla na lamang sya nagbago. Kakaiba ang inasta nya.

Living With My CrushWhere stories live. Discover now