Chapter 8: Galit

23 1 0
                                    


"Don't stare me. You can touch me if you want.."

"Don't stare me. You can touch me if you want.."

"Don't stare me. You can touch me if you want.."

Paulit ulit kong naririnig sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Steven.

Bakit nya naman kasi sinabi ang mga salitang yan.

Inaakit nya ba ako sa lagay na yon? Kasi kung Oo, hutik akit na akit na ako.

Grabe yung lakas ng tibok ng puso ko. Ang lakas parin. Juice ko lord bigyan nyo ako ng hangin. Hindi ako makahinga.

Sa mga oras na 'to ay wala si Steven. Basta nalang sya umalis at iniwan akong tulala.

Kung hindi ako nagkakamali mga 7:00pm sya umalis. Wala akong ideya kung saan sya pumunta. Kasi nga diba iniwan nya akong tulala.

Pumunta ako ng kusina dahil bigla akong nakaramdam ng gutom.

Binuksan ko yung ref na may kompletong grocery na. Baka yung mga staff ng condo ang nag ayos nito dito.

Kaso hindi ko alam kung paano magluto. Tama ang pagkabasa nyo. HINDI AKO MARUNONG MAGLUTO.

Eh, kasi naman sa condo ko pag uuwi ako dun naka ayos na lahat ng kakainin ko. Ganon din sa bahay. Kaya paano ako matututo na magluto?

May nakita akong isang trey ng itlog. Nakikita ko sa iba kung paano ito lutuin. Itatry ko lang. Try lang naman.

Kumuha ako ng dalawa bago sinara yung ref. Kumuha din ako ng bowl na paglalagyan at kutsara. Then nagsimula na akong basagin yun isa isa.

Naghanap ako ng asin o kaya anuman na pwedeng pampalasa.

May nakita naman akong maliit na garapon. Siguro ito na yung asin. Kinuha ko yun at nagtaka kung bakit masyado syang pino. Ipinagsawalang ko na lamang iyon at nilagyan na yung itlog.

"Yung gas stove. Teka. Paano ba 'to?.." Sabi ko sa aking sarili habang kinakalikot yung pindutan.

"Woh!.." Mangha kong sambit ng success ko itong mabuksan. Hindi naman pala sya ganon kahirap.

Para akong tanga at bata na walang alam sa pagluluto. Nahihiya tuloy ako sa sarili ko.

Nilagay ko na yung kawali sa apoy at nilagay naman ang mantika sa kawali. At ang huli ay ang aking recipe. Ang itlog.

Napakunot ang noo ko na parang ayaw nyang maluto dahil lumutang lang sya. Kaya naman nilakasan ko yung apoy. Para syang lumolobo ng nilakasan ko ang apoy. Pero ng nagtagal ay biglang nagtalsikan ang mantika nito sakin.

''Ay putek.." Napaatras ako.

Anu ba naman klaseng buhay ko 'to oh. Hindi na nga ako marunong magluto takot pa ako sa mantika.

"Shit. Shit. Shit.." Napapamura na ako dahil sa mantika na tumatalsik sa balat ko. Juice ko lord help me

Ang sakit sa balat. Ikaw kaya dyan matalsikan ng mantika ewan ko lang kung hindi ka mapa atras.

Bakit kasi hindi ako nabiyayaan ng galing sa pagluluto?

Paano naba to?

"Fvck! What that smell?.." Isang malutong na mura  ang narinig ko mula sa likuran. Pagharap ko ay si Steven.

Naaamoy kona na nangangamoy tutong. Shit!

Itinabig nya ako pagilid para makadaan sya at dali dali na pinatay yung gas stove

Pagharap nya sakin maitim at galit na aura ang nakita ko sa mukha nya.

Biglang lumukso ang kaba sa katawan ko. Natatakot ako sa pinapakita nyang ekspresyon ngayon.

Living With My CrushWhere stories live. Discover now