Chapter 18
Pabagsak akong naupo sa upuan sa kitchen ng nakauwi. Pumangalumbaba ako.
Bakit ba ako nagkakanito? Crush ko lang naman sya pero yung sakit na nararamdaman ko sobra sobra.
Nakakainis! Saan ba sila pupunta?
Dapat pala sinundan ko sila. Pero magmumuka lang akong desperada pag ganon.
Nakakainis yung transfer na yun? Inakit nya agad sakin si Steven.
Wala talaga akong ideya kung saan ma sila pupunta. Napaka aga pa masyado para magsama silang dalawa.
Sumapit ang alas syete ng gabi pero wala pa rin si Steven. Kaninang umaga pa sya umalis pero bakit wala pa sya?
Hindi kaya naglalasing na naman sya. O hindi kaya kasama pa rin yung transfer at may ginagawa silang- teka! Ano ba itong pinag iisip ko. Erase nga.
Nagugutom na ako. Hindi ako marunong magluto kaya paano ako makakakain?
Yung kuko mo Linna ngatngatin mo.
Pumunta ako ng kusina para tingnan kung ano ang pwedeng kainin. Mga dilata at karne lang ang nandito. Dilata nalang para hindi na lulutuin.
Yung binili ko kasing Lomi at lugaw kinain ko na kaninang tanghali. Ganun ako kapulubi.
Kumakalam na talaga yung tiyan ko.
Pero ang nakakainis sa delata ay walang bukasan. Yung alam nyo yun. Yung easy to open. Yung hindi na kailangang buksan ng can opener.
Nakakainis na buhay talaga!
Nagmartsa ako para kunin yung phone ko. Papanoorin ko sa YouTube kung paano buksan yung lata. Bwisit talaga! So manonood muna ako bago kumain? Bakit kasi hindi ako nabiyayaan ng galing sa kusina. Sheteeee!
Pumili ako ng pwede at madaling gawin. Can opener lagi ang nakikita ko sa pag gamit sa pag bukas. Pero wala namang can opener dito. Ano ba kasing klaseng buhay ito. Gusto ko ng sumuko pero nagugutom na talaga ako.
Sa kakascroll ko nakita ko yung isang video na kutsilyo ang gamit. Kaya mabilis akong kumuha ng kutsilyo at ginaya yung nasa video.
Nakakatakot naman pag ganito! Feeling ko mahihiwa ako anytime ei. Pero sa ngalan ng pagkain lalakasan ko ang loob ko.
Muli kong tiningnan ang posisyon at tamang pagbukas ng dilata gamit ang kutsilyo. Itutusok mo sya sa ibabaw at saka mo pupukpukin ang dulo.
"What are you doing?."
"Ouch.." Sambit ko ng mahiwa ako. Bakit kasi kailangan manggulat? Ang hapdi nito at ang lakas ng dugo.
"Shit.." Mabilis syang lumapit sakin at kinuha ang kamay ko na may sugat.
Nilagay nya yun sa tapat ng gripo at hinugasan.
"Ouch.." Inda ko ng maramdaman ang hapdi.
"Why do not you care?.." Sa boses nya para syang nag aalala sakin. Gustuhin ko mang ngumiti pero hindi ko magawa. Baka kasi pag ginawa ko yun sa huli ako lang din yung masasaktan.
Bakit pinaparamdam nya sakin na mahalaga ako kahit hindi naman. Bakit sobra syang nag aalala ngayon? Gusto kong umiyak ngayon sa pag iisip ng bagay na yon.
Matapos nyang hugasan yung sugat ko iginayak nya ako sa sala. Nagpatianod nalang ako sa kanya. kinuha nya yung medicine kit. Nilagyan nya iyon ng betadine.
Hindi kami umiimik sa isat isa. Ewan ko pero feeling ko wala rin akong gana na ibuka ang bibig ko sa time na ito.
Nang lalagyan nya na ng band aid yung sugat sa daliri ko mabilis kong hinablot ang kamay ko. Nagtaka sya sa ginawa ko pero hindi ko iyon pinansin.
''Ako na. Kaya ko. Hindi naman ako nalumpo.." Malamig kong sabi.
Dun ka nalang sa transfer mo. Magsama kayo.
Kumuha ako ng band aid para ilagay sa sarili ko. Ramdam ko ang mga mata ni Steven sa akin kaya parang naiilang ako. Ayoko kasi ng may tumititig sakin.
Hindi ko nalang muna sya pinansin. Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalagay ng band aid sa daliri ko.
Nagulat ako ng dumasig sya ng upo sakin kaya nadako ang mga mata ko sa kanya. Biglang lumukso ang kaba sa dibdib ko. Napalunok din ako ng laway. Pero hindi ako nagpahalata sa kanya na kinakabahan ako. Yung mukha nya naman walang ekpresyon na nakatingin sakin.
Dumasig ako paurong at sya ay dumasig palapit sakin. Nang wala na akong mauurungan sa sofa na inuupuan namin napatingin ako sa bandang likuran ko. Ano ba kasing nasa isip ng lalaking Chinese na 'to.
Sheteeee sya!
Napalunok ako ng maraming beses bago tumayo.
Hinigit nya ang braso ko kaya muli akong napaupo.Nang makaupo ay agad nya akong kinulong sa magkabilang gilid ko gamit ang braso nya.
Napaliyad pa ako ng bahagya sa sobrang lapit ng mukha namin.
"Where do you think your going?.." Sa lapit ng mukha namin ramdam na ramdam ko ang init ng hininga nya. Hindi ko na yata makakayanan ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Ikaw? Bakit mo sakin ginagawa ito?.." Pag iiba ko. "Bakit mo pinaparamdam na special ako sayo kung hindi naman pala? Yung kiss? Yung yakap? Para saan yun?.." Napasinghap ako ng may tumulong luha sa aking pisngi.
Hindi sa nag iinarte ako. Pero yun yung hinanakit ko sa kanya. Lagi nyang ipinaparamdam yung feeling na may pag asa itong feeling ko sa kanya kahit hindi naman.
Napakagat sya ng ibaba nyang labi. Tumitig sya sa mga mata ko.
"You wanna know?.."
"Magtatanong ba ako kung hindi ko gustong malaman--" Nagulat nalang ako at para akong nanigas ng sunggaban nya ako ng halik.
Nakapikit sya at ramdam na ramdam ko ang bawat paggalaw ng mga labi nya sakin.
"Now you know, tell me your side.." Sabi nya sa gitna ng halik.
"Anong sasabihin ko?.." Naramdaman ko ang dila nya sakin ng magsalita ako. Tumigil sya sa pag halik sakin at seryoso akong tinignan.
"Don't deny your feelings for me. I know we're mutual.." Napakunot ang noo ko.
"A-Anong sabi mo? Mutual? Anong--"
.
"Wô aí ní means I love you. Sinabi ko yan sayo, right?.." Wô aí ní? Ayan ba yung sinabi nya sakin nung niyakap nya ako nung lasing sya."Pero lasing kalang non.."
"Yes I'm drunk. But I know what I've said, Linna. Now tell me your side.." May confession bang magaganap ngayon. Ito na ba yung time para sabihin sa kanya na gusto ko sya.
Pero imbis na sagutin sya hinila ko ang kwelyo ng damit nya at saka sya hinalikan. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. Pero hindi na ako nag abala pa na isipin yun.
Agad nya akong tinugunan ng halik.
Hindi ko alam kung magiging masaya ako o hindi. Dahil yung pagiging crush ko sa kanya for how many years ay worth it.
Gumapang ang mga kamay nya sa likod ko paakyat sa aking batok. Masasabi ko na bihasang bihasa sya pagdating sa halikan. Bawat galaw ng labi ko ay agad nyang nasasabayan.
Hindi din naman ako magaling sa halik pero the way na gumagalaw ang labi ni Steven matagumpay ko itong natutugunan.
YOU ARE READING
Living With My Crush
RomanceSa hindi inaasahang pagkakataon magsasama sa iisang bahay sila Linnalyn Cate Hictove at Steven Kurt Lim para pag aralan kung paano i'manage ang kompanya ng kanilang mga magulang. Ano kaya ang posibleng mangyari sa kanilang dalawa sa iisang bahay? M...