Chapter 19: Buti nalang sakin ka nahulog

26 1 0
                                    


Nang magkalas kami sa aming halik hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at ipinagdikit ang aming mga noo.

Parehas kaming hingal na hingal.
Ngumiti sya sakin. Tinugunan ko naman iyon.

Kung nananaginip man ako ngayon wish ko na wag na akong magising basta, ba manatiling ganito nalang ito. Kami ni Steven.

Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito ngayon.

"Nagugutom na ako.." Bigla kong sambit. Natawa tuloy sya. Inilayo nya ang kanyang mukha sakin. Binitawan nya na din ang pisngi ko.

Nagugutom na talaga ako.

''What do you want?.." Kahit ikaw nalang, pwede ba?

"Adobo?.." Patanong pa yung sagot ko nyan.

"Oh right!.." Tumayo na sya "You want to go with me to the kitchen?.."

"Pwede ba?.." Imbis na sagutin nya ang tanong ko kinuha nya ang kamay ko at pinagsalikop ito. Pumunta kami ng kusina ng magkahawak ang kamay.

Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti ng makita ang kamay naming dalawa. Hindi ito ang unang beses na hinawakan nya ang kamay ko pero para sakin first time ito.

"Just sit here and watch me.." At kumindat pa sya sakin. Tinawanan ko lang sya sa ginawa nya. Hindi ko alam na may ganitong side pala si Steven.

Pumangalumbaba ako at pinagmasdan lang sya sa kanyang ginagawa.

Makakatulog kaya ako ngayong gabi? Siguro sa kakaisip ng mga nangyari ngayon baka malamang hindi.

Seryoso ang mukha ni Steven habang naghihiwa ng karne. Pero kahit ganon ang lakas nya parin maka attract ng mga mata naming mga babae. Kahit lalaki mapapalingon kapag sya ang dumaan.

Pero kapag ganon marami na akong kaagaw sa mga mata ng iba. Teka! Nakalimutan kong itanong sa kanya na.

"Steven.."

"Hmmm?.." Nag angat sya ng tingin sakin. Umayos ako sa pagkaka upo ko. Pero tama ba na itanong ko pa sa kanya ang bagay na yun? Baka isipin nya masyado akong desperada. Pero bahala na.

"Kanina nakita kita na kasama mo yung new transfer. Saan kayo pumunta?.."

"We just did something for school. why? are you jealous?.." Mapang asar pa syang nakangiti sakin.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at hindi nalang sya sinagot. Bakit kasi tinuloy ko parin ang pagtatanong. Letcheng curiosity ito.

Kung may ginawa sila for School bakit hindi ko alam.

Eh kasi Linnalyn magkaklase lang naman kayo sa time ng English. Dun lang!

Kung sabagay!

Nang matapos syang magluto ng pagkain sya narin ang naghain ng kubyertos at pinggan. Hindi nya ako pinatulong dahil may sugat daw ang daliri ko. Ang Arte! Hindi naman ako nalumpo o kaya stroke. Kaya ko pa naman kumilos.

Kukuhanin ko na sana yung kanin para lagyan ang pinggan ko ng unahan naman ako ni Steven. Nagtaka naman ako dun sa ginawa nya.

"Let me put it.." Hinayaan ko nalang sya sa gusto nyang gawin. Kinikilig ako sa mga pinag gagawa mo Steven.

Sheteeee ka.
.
"Thanks.." Nagsimula na akong kumain. Ewan ko kung bakit hindi sya kumakain. Tinititigan nya lamang ako habang ginagawa nyang unan ang kaliwa nyang kamay na nakapatong sa mesa.
.
Ayoko talaga sa lahat yung tinitingnan ako. Naiilang kasi ako kumilos. Tapos nasa tabi ko lang din sya kaya mas lalo akong naiilang.

"Wag mo nga akong titigan.." Naiilang kong sabi.

''And why?.."

"Naiilang ako.." Hindi nakatinging sabi ko

Living With My CrushWhere stories live. Discover now