Chapter 3: Magsasama

23 2 0
                                    


Sa huli ay napag desisyonan ko nalang na sumabay sa kanya papunta sa bahay nila.

Nakakahiya naman kay Tita Carol kung hindi ako pupunta at tatanggihan ko ang alok nya na makita ako diba?. Baka naman namiss nya lang ako

Kapal ng pes ko noh?

Sumakay na ako ng kotse ni Steven. Sa passenger seat ako naupo habang sya naman yung nagda drive

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Feeling ko tuloy ang baho na ng hininga ko. Kanina pa kasi talagang walang imikan dito sa loob ng sasakyan. Ni music wala rin. Tunog lang ng makina ang naririnig ko dito.

Lumingon ako sa kanya na seryosong nagdadrive. Gosh! Bakit ba sobrang perpekto ng mukha nya?

"Ahm.. Steven bakit daw ako gustong makita ni tita?.." Imik ko. Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko na hindi magsalita. Feeling ko mamamatay ako!

"I don't know. Ask my mom later when we get there.." Sagot nya ng hindi man lang ako sinusulyapan ng tingin. Napanguso nalang ako dahil don. Nagtatanong lang naman ako para may topic kami. Ang sungit! Pasalamat sya crush ko sya!

Bigla tuloy naging awkward yung feeling ko ngayon.

Nang makarating sa bahay nila ay agad nyang ipinarada yung kotse sa loob ng bahay nila. 

Ako naman ay nauna ng bumaba sa kanya at hinintay sya para sabay kaming pumasok sa loob. Pero ng makalabas sya nilampasan nya lamang ako at nauna ng pumasok sa loob. Ang bad! Hinintay ko sya tapos iiwan nya lang pala ako. Kainis! Bakit ba ang sungit nya sakin? Hindi ko naman sya niaano ah!

''Tsk.." angil ko at pumasok nalang sa loob.

Pagpasok ko agad akong sinalubong ni tita Carol ng matamis na ngiti at yakap.

Namiss ko si tita. Simula ng dumating sya dito hindi pa ako nakakabisita.

"Hello po Tita.."

"How are you, hi'ja?.." Tanong nya ng magkalas kami sa yakap

"Okay lang po..." Nakangiti kong sagot

"Did you eat lunch?.."

Lunch?

Tiningnan ko ang oras sa wall clock nila na mag aalas dose na pala. Bakit hindi ko namalayan man lang ang oras? Kahit gutom hindi rin ako nakaramdam.

"Mukang hindi pa. Tara sumabay kana samin.." Tumango lang ako bilang pag sang ayon

Iginayak ako ni tita sa kusina. Naabutan namin don si Manang na matagal narin nagsisilbi sa pamilya Lim.

May mga nakahain na sa mesang pagkain para sa tanghalian.

"Ahm...Tita si Shanella nga po pala?.." Nakalimutan ko kasing itanong kanina.

Sasagot na sana si tita ng bigla namang sumulpot sa harap namin si Shanella na kumakaripas ng takbo papasok ng kitchen.

Agad nya akong sinunggaban ng yakap.

"Hi ate. Miss me?.." Ang laki nya na at masasabi ko na mas lalo pa syang gumanda.

"Naman.." Nagkalas na kami ng yakap.

"Buti kapa namiss ako. Yung KUYA ko kasi hindi daw. Tch!.." Umikot pa ang mga mata nito sa gawi ng hagdan kaya napatingin nadin ako dun.

Laglag ang panga ko sa lalaking pababa ng hagdan. Parang pati laway ko tutulo na sa mga oras na ito.

Para akong nakakita ng Live show. Parang model ng Calvin Klein si Steven. Kahit simpleng sandong black lang naman at red khaki short ang suot nya at black na tsinelas. Yung biceps nya kitang kita ko.

Sheteeee! Nag iinit ang pisngi ko.

Hangin... Hangin...

Bakit ba ang hot nya?

Mabilis akong nag iwas ng tingin sa kanya. Baka mamaya mahuli pa nya ako. Juice colored. Sobrang nakakahiya yun.

"Tsk.." Rinig kong angil ni Steven kay Shanella.

"Hmp! Baka sabihin ko secret mo kuya.." Ngising pagbabanta ni Shanella.

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Shanella. Anong secret kaya yun?

"Sabihin mo. I don't care.."

"Hay nako! Maupo na nga kayo.." Buti sinaway na sila ni tita. Kung hindi baka magtagal pa ang pag aaway nilang magkapatid.

Pero ano kaya yung secret ni Steven?

Kumilos na ako para sana maupo ng pigilan ako ni tita. Nagtaka naman ako dahil sa inasta ni tita. Maging sina Steven at Shanella kita kong na kay tita Carol ang mata.

"What's wrong mom?.." Takang tanong ni Steven

Gumilid ang labi ni Tita na parang may pinaplano

"Steven. Ipaghila mo ng upuan si Linnalyn.." Pareha kami ni Steven na nasamid kahit wala naman kaming iniinom o kinakain

Anong trip nitong si Tita? Lakas ng tama ah! Hindi naman ako lumpo para ipaghila pa. Hindi rin ako special para ipaghila pa.

"No ne--"

"Okay lang yan ate.." Sabay kindat pa sakin

Eh?

Pati ba naman itong si Shanella nakikisang ayon sa kalokohan ng mama nya? Mukhang trip nitong dalawa si Steven ngayon ah!

Aangal pa sana ako pero nung narinig ko yung sagot ni Steven ay nagulat ako.

"Fine.."

Eh? Gagawin nya talaga yung sinabi ni tita. Ano ba kasing trip ni tita ngayon.

Tumayo na sya sa kanyang inuupuan at lumapit sa upuang uupuan ko.

"Salamat.." Nahihiya ko pang sabi ng ipaghila nya ako ng upuan.

Sila tita at Shanella naman ay nakatingin sa aming dalawa ni Steven habang ang lapad ng ngiti. Baka mapunit na labi nila nyan.

Nang makaupo ay naupo na rin si Steven

Sa tabi ko? Teka! Bakit sya tumabi sakin? May inuupuan na sya dun kanina ah! Bakit lumipat pa sya? Gusto nya ba akong tabihan?

Avemaria!

Hindi sa nag aasume pero sige mag aasume na ako na gusto nya akong tabaihan.

Bayan! Kinikilig aketch. Landi lang noh?

~ Shi hwan ni ze mey i ka, mey i myo

Shi hwan ni ze mey i chu, mey i ja

Shi hwan ni i byan cheng shi kwan nal i

Che ja wo do shi hwan ni wo bu shi daw~

Kumanta pa si Shanella na sinabayan ni tita.

Hala anong nangyari sa dalawang 'to?

At anong kanta yun parang bigla akong nacurious. Ang ganda kasi ng tunog. Chinese version ba yun?

"Stop it mom..." Mahinahon pero naiinis na sabi ni Steven habang naghihiwa ng karne sa kanyang plato

Halata namang inis na sya dahil salubong na ang mga kilay nya.

Natatawang tumigil yung dalawa sa pangtitrip kay Steven. Grabe! Ano kaya ang nahithit nila tita at Shanella. Lalakas nang trip.

Sa kalagitnaan ng kainan ay biglang nagsalita si Tita.

"By the way, you two need to be partner. 'Di lang yun. Kailangan walang distracted sa pagma manage nyo ng company..." Napaangat ako ng tingin sa kanya.

Partner? Manage? Company?

Ano ang ibig sabihin ni tita dun.

Tiningnan ko si Tita na may naguguluhang mukha.

Muka namang nagets nya ako. She took a deep breathe before she spoke.

"Kailangan nyong dalawa na magsama sa iisang bahay para mas mapag aralan nyo ang Lim & Hictove Corp. Sa pagma manage nito.." Walang pakundangang sabi ni Tita na nakapag pasamid saming tatlo.

Living With My CrushWhere stories live. Discover now