Chapter 9: Awkward

26 1 0
                                    


"Get in.." Binuksan ko na yung pinto ng passenger seat. At akmang sasakay na ng may biglang humablot ng braso ko.

Mabilis na dumako ang tingin ko sa pangahas na humawak sa braso ko.

Nanlalaking mga mata ang tanging naging reaksyon ko ng mapagtanto kung sino iyon.

"T-Tita Carol?.." Hindi makapaniwala kong sambit. Hindi ko kasi inaasahan na nandito sya ngayon. At kaharap ko.

Yung tingin nya sakin kakaiba. Hindi ko sya mabasa kung ano man ang iniisip nya ngayon

"Where are you going?..'' Ramdam ko ang lamig sa boses nya. Galit ba sya?

Napalunok ako ng laway

"Kakain lang po kami sa labas, tita.." Sagot ko

Hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit ako biglang dinapuan ng kaba.

"Bakit wala bang pagkain sa condo? Why did you two need to ate outside and waste the money?.."

"Eh, tita kasi---" Naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Rancee.

"Excuse me ma'am.." Nabaling naman ang atensyon namin sa kanya. Hindi ko namalayan na nakababa na pala sya.   "Kakain lang naman po kami sa labas. Nothing else.. "

"And who are you?..'' taas kilay ni tita Carol na tanong.

Ngayon ko lang din sya nakitang ganyan. Parehas sila ni Steven na nakakatakot.

Napatungo ako dahil sa tensyon nilang dalawa.

Kasalanan kona naman ang lahat ng ito.

"I'm Rancee Cain Padilla. I am the famous softball player ma'am, by the way..'' Proud nyang sagot. "And last ma'am. Me and Linna are just friend..'' Dagdag nya pa na ikinaangat ng aking ulo.

Ano ba naman 'tong pinagsasabi ni Rancee. As if naman na intresado si Tita don.

"Oh, great.." Sa nakikita ko ngayon ay bigla nalang nag iba ang ekspresyon ng muka ni tita. Nakakapagtaka kasi kanina parang nagagalit sya sakin sa hindi ko naman malamang dahilan.

Tapos ngayon nung sinabi ni Ran na kaibigan lang kami parang umaliwalas ang mukha nya.

"By the way, Linnalyn umalis na kayo ng friend mo. Okay lang sakin. Just don't be late, okay?.." Nakangiti nyang sabi sakin. "Si Steven ba nasa unit nyo?.."

Kita ko sa aking peripheral view ang bakas ng pagtataka sa mukha ni Rancee. Hindi ko nalang muna iyon pinansin

"Umalis sya kanina tita. I dunno where he is going..''
.
"Tsk. Tsk. Yung batang yun talaga.." iiling iling nyang reaksyon. "Sige na, mauna na ako sa inyo.." By that mabilis na syang umalis

Baka kaya nandito si tita ay para kay Steven na wala naman ngayon

Hindi ko talaga alam kung saan nagpunta si Steven. Wala akong ideya.

"What the?. Your might telling me that you and what his name?.." Pabaling baling sya ng tingin sakin at sa daan. Kanina pa sya ganyan. Ang O.A masyado.

"Steven.." Sabay irap ko

"Yeah, Steven. Are you two do something? You know.." kibit balikat nyang tanong.

Kinunutan ko sya ng noo. Ano ba sinasabi nya. Hindi ko sya magets. As if naman madali kong malalaman ang iniisip nya diba.

Sa tanong nya para syang namumula. Kita ko yun kahit na medyo madilim.

"Anong ibig mong sabihin?.." Pataray kong tanong

Napalunok sya ng laway.

"Oh, nevermind dear.."

Living With My CrushWhere stories live. Discover now