Kakapasok ko palang at kakaupo ng magvibrate ang phone ko. Agad ko yun kinuha para tingnan kung sino yung nagtext.Napakagat ako ng labi ng makita ang text message ni mama.
From Mama:
Did you still have allowance? If not call me, okay?Natatawa ako sa isip ko ngayon ng dahil sa kanya. Buti nakaalala pa sya. Naalala nya na may anak pa sya at ako yun.
Pero kahit sa text man lang hindi nya ako kinamusta.
Wala syang kwentang nanay. Masama na kung masama! Pero mas masama sya. Tinago ko na ang phone ko at saka naupo.
"Goodmorning class.."Tumayo kami para bumati kay Prof na kakapasok lang.
"Goodmorning Sir.."
"We have an important announcement. This coming December 10 magkakaroon tayo ng Activities sa Batangas. Tingnan nyo nalang sa bulletin board.." Napatango tango nalang ako.
"Sasama ka?.." Napalingon ako kay Nicho
"Not sure.."Baling ko ulit kay prof.
"Bakit?.."
"Wala lang. Basta.."
"Damot naman.." Nagmaktol pa ang loko! Natawa tuloy ako ng wala sa oras. Pero mahina lang naman.
...
"Bilisan mo naman Linna.." Sinamaan ko ng tingin si Ellaine. Sarap sabunutan. Hindi nya ba nakita na nag aayos pa ako ng gamit. Excited sya masyado makita yung nasa bulletin board."Ang tagal naman nito.."
"Kanina kapa reklamo ng reklamo. Dapat nauna kana.." Ganti kong sagot. Nag peace sign lamang sya sakin at kumapit sa aking braso
Nang makarating ng bulletin board nakipag siksikan pa kami sa unahan.
"Excuse me po.." Nagboses bata pa si Ellaine. Napailing nalang ako. Wala talaga 'to! Handang ipagsiksikan ang sarili ih!
"Wow! Marami palang place yung pupuntahan natin sa Batangas. Sama kayo guys ha?.." Manghang sabi ni Ellaine.
"Hindi ba obvious? Nakalagay na nga oh!.." Pangbabara ni Maddy. Sarap pagbuhulin ng dalawang ito.
"Namamangha lang naman.."At nagpout pa sya.
Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa. Kahit kailan itong dalawa.
"CR lang ako ha?.." Mabuti pa na layasan ko muna sila. Nakakaasar talaga ang dalawang yun. Pero masaya kapag ganon sila maglambingan. Doon kasi namin pinapakita ang pagmamahalan naming magkakaibigan.
Pagkarating ko ng CR ay wala namang kataotao dito sa loob. Sa unang cubicle nalang ako pumasok.
Tinanggal ko na ang sipper ng suot kong pantalon at nagsimula ng umihi.
"We need to talk.." Napakunot ang noo ko ng marinig ang boses na yon.
Pamilyar sakin yun kaya hindi ako pwedeng magkamali. Anong ginagawa nila dito.
"What for?.." Hindi muna ako lumabas para mapakinggan ko kung ano man ang pag uusapan nila.
Hindi naman sa chismosa ako. Gusto ko lang malaman kung saan or ano ang pag uusapan nila. At saka baka kapag lumabas ako maudlot ang pag uusap nila.
"I don't wanna see her hurts so much because of you. I love her. So stop pretending that you love her too.." Maotoridad ang boses nya ng sinabi ang katagang yun.
Sino yung pinag aawayan nila? Sino yung 'Her' na yon? Ang swerte naman nya kung ganon.
"What if I fall inlove with her? What will you do, then?.."
"Fall inlove? Do you know what is love?.."
"I know love since I met her..." Sa boses nya halatang pursigidong pursigido sya sa sinabi nya.
Parang handa nyang ipaglaban yung 'Her' na yun sa lahat. Pursigidong pursigido sya.
Hanggang ngayon lutang pa rin ang isip ko kahit ilang araw na ang nagdaan.
Hindi ko maiwasang isipin yung mga pangyayari sa CR. Wala akong mahagilap na sagot kung bakit sila nag aaway ng dahil sa babae. Kung bakit sila nagkakaganon.
Ipinilig ko nalang ang ulo ko. Parang sasabog na 'to kapag mag isip pa ako ng mag isip.
"Ang lalim na naman ng iniisip mo. Gaano ba kalalim yan? Mas malalim paba sa dagat?.."Usisa ni Ellaine kay Maddy. Nahawa na din sya kay Maddy sa galing sa pangbabara ah!
Nadako din ang tingin ko kay Maddy. Tulala nga sya. Hindi ko alam na parehas pala kaming may iniisip.
Free ang oras naming tatlo ngayon. Pare parehas kasi kaming walang klase ng hapon kaya nakatambay lang kami ngayon dito sa Cáfeteria.
"Sort of..''Patol na sagot ni Maddy. Napailing nalang ako. Kahit kelan talaga ang mga 'to.
"Wag mong isipin yun. Mahal ka din non.."
"Paano kung hindi na?.."
Natigilan ako sa pagsipsip ng juice.
Ano ba kasi yang nasa isip mo Maddy? Bakit ka nagkakaganyan?
"HAHAHA. Im kidding. Masyado kayong serious.." Kahit tumawa pa sya alam kong peke lang yun. Hindi nya matatakpan ng tawa kung ano ang nararamdaman nya ngayon.
"Ikaw nga yung seryoso dyan.."
Hindi nalang ako umimik sa usapan nila.
Hindi na ako sumabay kay Steven pauwi ng condo. Dadaan pa kasi ako ng Bookstore para bumili ng project.
Pero napaisip ako. Kailan ba kami nagsabay ni Steven sa pag uwi. Kahit nga sa pagpasok hindi ako sumasakay ng kotse nya. Kahit na iisang school lang naman pinapasukan namin. Natatawa ako sa isip ko ngayon. How stupid I am.
Hindi din naman nagtagal ang biyahe ko papuntang NB (National Bookstore)
Binili ko na ang dapat kong bilin. Pag ganito talagang malapit na ang exam marami project na ang pinapadala ng mga professor. Tulad nalang ng paggawa ng report at thesis.
Syempre para sa ikauunlad ng grade ko. Bibili at gagawa ako ng project.
"Thank you ma'am.."Ngumiti ako sa cashier ng makapag bayad. Actually kaunti lang naman ito. Isang paper bag lang.
Umalis na ako at naghihintay nalang ng masasakyang taxi.
Mga ilang minuto pa ang lumipas pero lahat ng taxi na nadaan ay may mga pasahero. Hanggang sa umulan kaya napasilong nalang ako sa may hindi ako mababasa.
"Kainis naman. Bakit ba ngayon pa umulan?.." Kinuha ko ang aking bimpo para ipamunas sa blouse kong medyo nabasa.
Wala namang ibinalita na uulan ngayon ah! Nakakainis naman! Wala na ngang taxi na masakyan umulan pa ng malakas.
Chineck ko yung paper bag na hawak ko kung nabasa. Laking pasalamat ko nalang ng hindi.
"Shit.." Isang malutong na mura ang lumabas sa aking bibig ng may tumalsik na putik sa buong katawan ko.
Laglag ang panga ko at halos hindi makagalaw na natuon ang tingin sa papalayong sasakyan.
Para akong basang sisiw ngayon.
Bwisit na yon!
Akala nya ba sarili nya ang daan? Kung makapagpatakbo sya akala mo binili na nya ang kalsada. Ayus ang taong yun ah!
Muka bang may Car Racer at kung makapag patakbo sya ng sasakyan nya wagas?
Urgh!
At hindi man lang ba alam nung driver na yon na may nabasa sya dito at ako yun.
"Mercedes na kulay black. Plate number ZR 1267. Patay ka sakin kapag nakita kitang kotse ka. Wasak sakin yang buhay ng driver na yan kung sino ka man.." Gigil kong sambit.
YOU ARE READING
Living With My Crush
RomanceSa hindi inaasahang pagkakataon magsasama sa iisang bahay sila Linnalyn Cate Hictove at Steven Kurt Lim para pag aralan kung paano i'manage ang kompanya ng kanilang mga magulang. Ano kaya ang posibleng mangyari sa kanilang dalawa sa iisang bahay? M...