Chapter 21: Green Minded

33 1 0
                                    


"LINNALYN CATE HICTOVE.."

Mabilis akong napabitaw ng yakap kay Rancee ng marinig ang sigaw na nanggagaling sa bukana ng kwarto.

Napakunot ang noo ko ng makita ang nag iigting at galit na galit na mukha ni Steven. Matalim nya akong tinitigan bago nya ituon kay Rancee ang paningin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Wala naman kaming ginagawang masama na ikagagalit nya.

''B-Bakit yon Steven?.." Utal kong tanong dahil sa kabang nararamdaman. Pero hindi nya ako sinagot matalim pa rin ang titig nya kay Rancee. Ano bang problema? Bakit ba sya nagagalit ng ganyan?

Doble dobleng kaba na ang nararamdaman ko ngayon. Ngayon ko lang nakitang ganyan si Steven. Nakakatakot ang awra nya. Hindi ko rin mabasa kung anong nasa isip nya. Ang hirap nyang basahin ei.

"Seloso.." Nadako ang tingin ko kay Ran dahil parang may sinabi sya. Pero hindi na ako nag abala pa na magtanong dahil ang inaalala ko ngayon ay kung bakit sobrang galit ngayon si Steven.

"Una na ako Linna.." Paalam nya bago lumabas ng condo. Hindi ko na nagawa pa na ihatid sya dahil para ng nakapako ang mga paa ko sa tiles.

Nang tuluyan ng mawala sa paningin ko si Rancee ay sunod ko namang tiningnan ay si Steven na ngayon ay nakatingin din sakin. Para akong mamamatay sa mga titig nya. Nauubusan ako ng hangin.

"S-Ste--" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng talikuran nya ako at padabog na sinara ang pinto ng kwarto.

Napakagat ako ng labi para pigilan ang pagkainis ko. Ano ba kasing problema nya? Bakit ba ayaw nyang sabihin? Ano? May nagawa ba ako na hindi nya nagustuhan? Kung meron man ano yun?

Pero sa pagkaka alam ko wala naman akong ginawa na ikagagalit nya.

Inalala ko ang mga posible na nagawa ko na ikanagalit nya. Pero wala talaga akong matandaan! Nakakainis sya. Ang hirap nyang unawain.

Naglakas loob ako na puntahan sya sa kwarto pero naka lock ito. Takte talaga oh! Ano ba kasing problema?

"Steven.." Malumanay ang katok ko pero deep inside gusto ko ng wasakin ang pinto dahil sa inis. Hindi nya ako pinagbubuksan at hindi rin sya nagsasalita. Naiinis na talaga ako sa kanya! Napaka nya!

Kumatok pa ako ng ilang beses pero hindi nya parin binubuksan yung pinto. Ni imik hindi nya magawa. Sumuko na ako at muli nalang nagtungo sa sala para palamigin ang ulo ko. Hindi ko alam kung ano ang ipinuputok ng butchi ni Steven. Napaka moody masyado.

Humiga ako sa sofa ng patagilid habang nanonood ng palabas. Medyo sumasakit din ang katawan ko ngayon. Siguro dahil sa paglilinis kanina. Ipinikit ko ang mga mata ko ng medyo nakakaramdam ng antok.

Nakakahiya tuloy kay Rancee.

Si Steven bahala na muna sya. Napaka childish masyado! Hmp!

Pero hindi pa man din lumalalim ang tulog ko ng marinig ang pagbukas at sara ng pinto. Sinyales na lumabas sya ng kwarto. Rinig ko ang mga yabag ng paa nya papalapit sa--Teka? Sa gawi ko?

Nag panggap akong tulog ng maramdaman ko na sya sa harap ko. Alam ko na nandyan sya dahil amoy na amoy ko ang pabango nya.

Naramdaman ko ang kamay nya na hinahaplos ang ulo ko at iginilid ang natitirang hibla ng buhok.

"You don't know, Linna how I freaking jealous. Why do you need to hug him?.." Rinig kong bulong nya. Biglang tumalon sa tuwa ang puso ko ng malaman na ayon ang dahilan kung bakit sya nagkakaganon. Pero hanggat kaya kong hindi magmulat titiisin ko.

Naramdaman ko pa ang paghalik nya sa noo ko.

"Wǒ fēicháng ài nǐ, Linna.."

Dahan dahan kong inimulat ang aking mga mata.
Hindi ko na napigilan ang hindi magmulat.

Living With My CrushWhere stories live. Discover now