Chapter 15: Jealous

22 1 0
                                    


Sya nga!

"I'm Rancee Cain Padilla, guys. Nice meeting you all..'' Magalang nyang pakilala. Ngumiti din sya.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nakikita ko ngayon si Rancee sa harapan. Like what the. Bakit sya nagpa transfer? Hindi naman sa ayoko na magpa transfer sya dito pero kasi ang ganda ng School na pinapasukan nya sa ibang bansa. Nababaliw naba ang taong 'to?

"Sabi na e. Sya yung sikat na Softball player.."

"Fvck! Ang gwapo nya pala sa personal.."

"Sinabi mo pa.."

"Ow. Mukhang natulala si Ms. Hictove ah?'' Gusto kong irapan si Sir Alberth. Natulala? Hindi ba pwedeng hindi lang ako makapaniwala na nandito 'tong si Rancee.

Natawa tuloy ang iba kaya muli nalang akong umupo. Kainis 'tong prof namin.

Napatingin ako kay Steven. Hindi ko alam na nakatingin din pala sya. Umiling sya sakin saka nag iwas ng tingin.

Kainis! Napahiya ako kay crush.

Rinig kong tumawa din ng mahina ang katabi ko kaya siniko ko sya at sinamaan ng tingin. Buti nakuha sya sa sindak ko.

"Maghanap nalang kayo ng pwede nyong upuan.." Sabi ni Sir at saka lumabas ng classroom.

"Hi. Can I sit here.." tiningnan ko ng napakasama yung babaeng transfer.

Bakit kailangan dun pa sya tumabi kay Steven? Ang dami namang upuang bakante sa likod. Ano 'to galawang breezy?

Napairap ako ng tumango si Steven. Sign ng pagpayag nya. Edi kayo na.

Bwisit kang Steven ka matapos mo kong halikan magpapatabi ka ng babae sa pwesto mo. Hmp!

"O, bakit tumitirik na naman yang mata mo?.."

"Bakit ka nagpa transfer?.." Pag iiba ko. Umupo sya sa kabila kong gilid at pumangalumbaba kaharap ko.

"Eh ikaw, bakit hindi ka sumama sa Korea?.." Pag iiba nya din ng tanong sakin. Ayos to ah!

"Wow. Parang ang daling pumunta ng Korea, Rancee ah?.." Palibhasa may pera sya kaya kahit anong gusto nya kaya nyang gawin.

"Hindi mo ba ako namiss?.." Nagpout pa sya. Kaya hinampas ko sya ng mahina sa kanyang braso. Lakas makanguso Kala mo talaga ih!

"Namiss.." Ngiti kong sagot. Tinugunan nya din ako ng ngiti sabay yakap sakin ng mahigpit.

"Parang naman ngayon lang tayo ulit nagkita, Rancee. By the way bakit amoy airport ka pa din?.." Tatawa tawa kong pang aasar sa kanya. Hinigpitan nya yung yakap sakin. Parang hindi tuloy ako makahinga.

"Kakauwi ko lang kanina tapos dito na ako dumiretso.."

"Like seriously, Ran?.."

''Yhap!.." Nagkalas na kami ng yakap

"Eh bakit ba kasi nagpatransfer kapa?.."

Muntanga din 'tong si Rancee minsan. Ganda ganda na ng school na pinapasukan nya dun sa Taiwan lumipat pa dito. Botlog!

"Kasi nga hindi ka sumama ng Korea.."

"Yun lang, Ran big deal na sayo yun?.."Tumango sya sakin.

"Opo.." Parang bata nyang sagot sakin at humikab. Mukang pagod pa sya dahil sa byahe. ''Maya na tayo usap. Idlip lang ako.." Tumango sya sa kanyang desk.

Papasok lang sya para matulog dito? Wow! Sya na talaga!

Kung alam ko lang na big deal sa kanya ang hindi ko pagsama ng Korea sana pala sumama nalang ako para hindi na sya nagpa transfer pa dito.

"Really? Your half Chinese and Filipino? It's nice.." Napatingin ako sa pwesto kung saan nandun si Steven.

Mukhang nag e'enjoy sya dun kausap yung bagong transfer ah!

Nangangamoy maharot ngayong taon mga guys.

Hmp. Lampake sa inyo. Maglandian kayo dyan kung gusto nyo.
...

"Una na ako.." Nadako ang tingin ko sa boses na nanggagaling sa bandang gilid ko. Yung new transfer pala. Pero teka magkakilala pala sila ni Rancee?

"Okay.." Mabilis naman umalis yung lalaki.

"Magkakilala pala kayo nung transfer?.." Tanong ko at inayos ang aking gamit.

"His my friend. Why? Pogi ba?.." Inirapan ko sya kaya sya natawa. "Edi ibig sabihin kilala mo din yung kapatid nya?.." Pag iiba ko nalang.

''Naman.." Tsk! Kilala nya palang yung babae na yun. Mukang magiging karibal ko pa sya kay Steven ah!

"Linna samahan mo nga ako.." Tawag nya ng atensyon sakin.

"Saan naman?.."

"Sa heaven.." Mabilis ko syang binato ng libro ko. Nagpapasama tapos nung tinanong ko ayaw sumagot ng maayos. Sarap sakalin nitong si Rancee talaga kahit kailan.

''Mag go'grocery lang ako. Samahan mo ako wala kasi akong alam sa mga ganyan.." Yun lang pala may pa'heaven heaven pa syang nalalaman dyan.

Natigilan ako ng Nagkatinginan kaming dalawa ni Steven. Yung awra nya hindi ko mabasa.

Parang gusto kong putulin yung braso nung babae ng makita na kung paano nya ito ipulupot sa braso ni Steven. Ganyan naba sila kaagad ka'close? Ayus ah!

Tiningnan ko muna sa mata si Steven at saka sinamaan ng tingin.

Pahalik halik pa syang nalalaman.

Paasa!

''Tara na, Ran.." Nauna na akong lumabas. Ramdam ko naman ang pagsunod nya sakin.

Bigla akong nabadtrip ngayon.

Bwisit na Steven yun. Paasa sya!

May pakiss kiss pa syang nalalaman, bwisit sya. Tapos ano, mambababae lang sya.

Kakainis talaga.

Eh wala namang kayo.

Kinaltukan ko ang sarili ko. Pati 'tong utak ko nakikisabay pa. Bwisit talaga.

Living With My CrushWhere stories live. Discover now