Chapter 14: Sya nga

19 1 0
                                    


Ako na ang unang kumalas ng halik at mabilis na tumayo sa kandungan nya.

Mukang nagulat naman sya don pero hindi ko na yun pinansin. Dahil mabilis akong tumakbo sa kwarto.

For sure pulang pula na itong pisngi ko ngayon.

Napasandal ako sa pinto. Kinurot ko pa ang pisngi ko baka sakaling magising ako sa reyalidad. Nasasaktan ako. So that means totoo ang lahat ngayon. Totoo ang mga pangyayari ngayon. At sa lahat ay yung kiss. Totoong totoo din yung kiss.

Napahawak ako sa aking labi. Wala ako sa sariling napangiti.

First kiss. First kiss ko sya.

Yung crush ko ng ilang taon na hanggang tingin lang ay hinalikan ako.

Parang gusto kong tumalon talon sa kama at tumili. Pero hindi ko magagawa iyon dahil nandyan si crush sa labas.

Naku lord. Dream come true!
...

"Bakit parang ang saya mo Linnalyn?.."

"Hmm.. Lah lang.." Ngiti kong naging sagot kay Maddy. Nagsalubong ang dalawa nyang kilay kaya naman napailing ako. ''May dahilan kung bakit ako masaya, okay?.." At sabay subo ng kinakain ko.

Mula kagabi hindi mawala wala sa isip ko yung kiss na nangyari. Napapangiti ako kapag inaalala yun.

Pero may tanong na gumugulo sa utak ko.

Bakit nya ako hinalikan?

Yun ang bumabagabag sa isip ko. Diba pag hinalikan ka ng isang tao kailangan may dahilan. Example nalang din sa mga rapist diba. Hindi naman sila mangre rape kung hindi sila nalibugan diba?

Hays! Ano ba itong pumapasok sa isip ko.

''Uy, tayo na. Baka malate na tayo sa morning class.."Sabi ko at nagtayuan na kami.

Nagpaalam na kaming tatlo sa isat isa bago dumiretso sa kanya kanya naming klase.

Si Ellaine at Maddy ay parehong HRM ang kinuhang course habang ako naman ay Writer. Simula pa kasi nung nag second year high school ako dun ko na feel na ay parang gusto kong maging Writer. Magsulat ng mga Romance Story at Drama.

Pagbukas ko ng pinto ng room namin ay nagkaka gulo pa sa loob ang iba. Sinulyapan ko ng tingin si Steven na nagbabasa ng kung ano.

Umupo na ako at hindi rin naman nagtagal ay dumating na ang prof namin.

Bumati sya at gayon din kami.

"Before we start may mahalaga lang muna akong ia'announce sa inyo.."

Ano naman kaya yun?

''Ngayong araw ay may bago kayong magiging kaklase. Maswerte kayo dahil sa section na 'to ang napili nila. Hindi lang isa kundi tatlo silang bagong transfer.." Bakit nagpapaligoy ligoy pa itong si Sir. Ayaw pang ipunto. Nakakawalang gana naman yung ganyan.

At paano kami naging swerte? Baka yung school. Hello, sila kaya ang tumatanggap ng tuition fee.

Imbis na makinig kinuha ko nalang yung lecturer ko para aralin. As if naman may pake ako sa transfer diba?

"Ang gwapo...''

"Wow chicks..."

"Sya yung sikat na ano diba? Ano ba yun?.."

Yan ang isa sa mga bulong bulungan ng mga kaklase ko. Mapababae man o lalaki.

"Introduce yourself guys.." Rinig kong sabi ng prof namin.

Hindi pa din ako nag aangat ng tingin sa unahan. Imbis na tingnan sila bakit hindi nalang ako magbasa ng Lecture diba?

"Hi guys. Im Kaishly Anne Mendez. Your beautiful and sexy new classmate.."

"Chicks bro.."

"Pwede manligaw.."

''Ano number mo miss?.."

Naririndi ako sa mga naririnig ko. Kakairita.

So babae yung nauna.

"Alam mo Linnalyn mas maganda at sexy ka pa dyan.."

Sinamaan ko sya ng tingin. Ikumpara daw ba ako don sa transfer.

Lahat tayo ay may kanya kanyang ganda sa mata ng mga tao. Kaya ang akin lang hindi mo kailangan sabihin na mas maganda at sexy ka sa isang tao kung ganon din naman ang tingin ng iba sa kanya diba?

Natuon ang atensyon ko dun sa sinasabi nilang maganda at sexy. Para sakin mukhang totoo naman yung pagkaka introduce nya sa sarili nya.

Maganda at sexy naman talaga sya.

Long legs, maputi. May katamtaman syang haba ng buhok.

Todo ang ngiti nya na mas lalong nakadagdag ng ganda nya.

Pansin ko lang. Tatlo silang transfer pero bakit dalawa lang silang nandito sa loob?

"I'm Khien Asten Mendez. I'm her brother.." Eh? Anong klaseng introduce yun? Mukang tamad na tamad syang magpakilala ah?

Wala kasi ang tingin nya sa unahan. Nakahalukipkip lang sya habang ang mga mata ay nasa sahig. How kabastos you are, kuya?

Matangkad na lalaki sya at maganda kung manamit.

"Gwapo nya noh?.."

"Para syang bad boy..''

"Haha. O-Okay na yun..''iling nalang ang naging reaksyon ko. Gwapo sana 'to. Kaso bashtos!

"Teka nasaan na yung isa?.." Muli ko nalang itinuon ang atensyon ko sa dati kong ginagawa. Baka mamaya bastos din yang sumunod. Naku. Naku. Ihahagis ko talaga sila palabas ng School.

"Sige magpakilala kana.."

"Hi guys.."Natigilan ako sa ginagawa ko ng marinig ang pamilyar na boses na yon.

Sobrang napaka pamilyar.

Wala ako sa sariling napatayo sa aking kinauupuan.

Sya nga!

Living With My CrushWhere stories live. Discover now