"Sundan natin--.." hindi pa man din natatapos ni Ellaine ang gusto nyang sabihin ng mabilis kong kinuha ang aking bag at saka tumayo.May ilang nakatingin samin na may pagtataka sa mga mukha. Lalo na ang kalapit naming table. Hindi na ako nag abala pa na sulyapan sila ng tingin. Mabilis akong lumabas ng Caféteria.
"Nasaan kaya yun si Maddy. Bakit bigla nalang syang nagka ganon?.." tanong ni Ellaine sa aking gilid habang kami ay naglalakad at nililinga linga ang paningin sa paligid. Hindi ko sinagot ang tanong nya. Dahil kahit ako naman ay hindi alam kung bakit nagka ganun si Maddy. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Para akong maiiyak na ewan sa mga oras na ito. Ni minsan hindi nagalit sakin si Maddy ng ganon. Hindi ko talaga sya maintindihan kung bakit. Kung bakit nalang sya nagalit ng malaman na kami na ni Steven. May mali ba? May dapat ba akong malaman kung bakit sya nagkakaganon? Ayaw nya ba si Steven para sakin? O nagalit sya sakin kasi hindi ko kaagad sinabi sa kanya yung totoo. Kung ganon man bakit? Bakit kailangan nyang magka ganon?
"Maddy.." Nabalik ako sa tamang pag iisip ng marinig ang pag tawag ni Ellaine kay Maddy. Namalayan ko nalang ang sarili ko na nandito na kami sa labas ng School.
Huminto si Maddy sa paglalakad. Hindi sya humaharap samin kaya naman nilapitan na namin sya. Hindi ko alam kung namamalik mata ba ako o guni guni ko lang ang nakita ko. Nakita ko ang pagpatak ng luha ni Maddy sa kanyang pisngi kaya iniiwas nya ang kanyang mukha samin at pinahid ang luha sa pisngi. Halatang umiyak sya dahil namumula ang tuktok ng kanyang ilong. Maputi si Maddy kaya madali mo iyon mapapansin.
"Ellaine, Linna. Kayo pala.." Nakangiti syang humarap samin ni Ellaine. Ramdam ko na peke lang ang ngiti na ibinigay ni Maddy samin. Pero kahit ganon hinayaan ko nalang.
"Bakit ba bigla ka nalang umalis? At saka umiyak kaba?.." nag aalalang tanong ni Ellaine.
Suminghap si Maddy. ''No. Napuhing ako kanina habang papalabas. Bakit nyo naman ako sinundan ?.."
"Paanong hindi ka namin susundan, e bigla ka nalang umalis nung sinabi ni Linna na sila na ni Steven.." Dahil dun sa huling sinabi ni Ellaine nagtama ang mga mata namin ni Maddy. Lumunok sya ng laway pagkatapos ay kinagat ang kanyang labi.
"K-Kasi. Kasi naman itong si Linna hindi nagsasabi sa atin.." Utal utal nyang sagot samin. Bakit feeling ko hindi ako sang ayon sa naging sagot nya. Parang may mali sa pakiramdam ko na hindi ko lang alam kung ano. May parte din sa utak ko na sinasabing 'Wag kang maniniwala sa sagot nya, Linna'. Pero kahit na ganon tinanggap ko nalang ang kanyang naging sagot.
"Galit kaba sakin Maddy?.." Pakunwari kong tanong. Kahit na deep inside me may isang bagay akong gustong itanong sa kanya. Hindi ko lang alam kung papaano.
Tumawa sya ng plastik. ''Hindi na. Nagalit ako kasi hindi mo kaagad sinabi samin ni Ellaine. Pero okay na. Tatanggapin ko na." Tatanggapin nya na? Sa huli nyang sinabi parang mas lalo akong nacurious sa kanya.
"Sorry na.."
"It's okay. Don't be sorry, Lin.." hinaplos nya ang balikat ko. Nginitian ko nalang sya biglang tugon.
"Bestfriends forever guys. #SquadGoalsForeverAndEver.." natatawang hiyaw ni Ellaine at inimuwestra pa sa ere ang mga braso.
Natawa kaming lahat sa kabaliwan ni Ellaine hanggang sa may bumusinang sasakyan. Agad na dumako ang mga mata naming tatlo sa sasakyan. Nagulat ako ng biglang magbaba ang bintana sa driver seat at tumambad ang napaka gwapong mukha ni Steven.
Walang emosyon syang nakatingin sa pwesto namin ng mga kaibigan ko.
"Ayiee. Sinusundo ka ni crush-- No. Boyfriend na pala. Ayiee.." kinikilig na sabi ni Ellaine at tinusok tusok pa ang aking tagiliran. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko kaya naman nag iwas ako ng tingin sa kanya.
"Guys una na ako ha?.." paalam ko sa dalawa. Kita ko ang paglunok ng laway ni Maddy at pagsinghap. Kahit na medyo madilim na dahil mag gagabi na ay kita ko sa aking pwesto ang mata ni Maddy na may namumuong luha. Gusto kong itanong kung bakit pero nawalan na ako ng lakas ng loob. Hindi ko sya kayang tanungin ng hindi sya nasasaktan sa tanong ko. Basta ang hirap nito!
"Sige na. Bye.." Si Ellaine lang ang tumugon sa paalam ko. Tinalikuran ko na sila at mabilis na tinungo ang sasakyan ni Steven.
Pagkasakay ko sa passenger seat sinulyapan ko si Steven ng tingin. Aburido ang mukha nito at saka in-start ang kotse.
"Sorry kung pinag hintay kita.." imik ko. Baka kasi kaya aburido ang mukha nya ay dahil sa paghihintay sakin na matapos ang pag uusap naming tatlo ng mga kaibigan ko.
Sinulyapan nya ako ng tingin. Salubong ang kilay nya at medyo nakanguso.
"Don't apologize to me, Linna. I am not angry.." sabi nya na nasa daan ang tingin. Pero bigla syang humarap sakin at ginawaran ako ng isang ngiti. Para akong matutumba kahit na nakaupo ako.
Isang ngiti nya lang para akong matutumba. Iniiwas ko ang aking mukha na paniguradong namumula na.
"Duōme měilì de nǚhaí.." napakunot ang noo ko ng marinig na naman ang kanyang Chinese word.
YOU ARE READING
Living With My Crush
RomanceSa hindi inaasahang pagkakataon magsasama sa iisang bahay sila Linnalyn Cate Hictove at Steven Kurt Lim para pag aralan kung paano i'manage ang kompanya ng kanilang mga magulang. Ano kaya ang posibleng mangyari sa kanilang dalawa sa iisang bahay? M...