Chapter 20: Fila

21 1 0
                                    


Habang sinasabi nya ang katagang yun nakatitig lang din sya sa mga mata ko. Bigla na namang bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit.

Naalala ko na nakapatong nga pala ako sa kanya. Nakakailang!

"S-Steven.." Nauutal kong sambit sa pangalan nya. Akma na kasi akong tatayo pero iniyakap nya ang kanyang mga braso at binti sa katawan ko. Naiunan ko din ang isa nyang braso.

"Stay like this, Linna. Pinagod mo 'ko..'' Nakapikit sya habang sinasabi yun.

"Machine naman yung gamit mo.." Tumingin sya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Why your so handsome Steven? Kahit na lukot o kahit ano mang ekpresyon ng mukha nya bumabagay pa rin yon. Mas lalo pa nga syang gumagwapo kapag nagsusungit sya ei.

"Kahit na. I'm still exhausted, Linna.." Bigla ulit bumilis ang tibok ng puso ko ng gumilid ang labi nya. Kaya napalunok ako ng ilang beses. "Alam mo ba kung ano makakapag pawala ng pagod ko?.." Mahinahon pero nang aakit nyang sabi habang bumababa ang tingin sa mga labi ko. Wala ako sa sariling napakagat labi.

"The way you bite your lips. Mas lalo mo lang ako inaakit.." Dagdag nya at unti unting inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Muli akong napalunok ng laway ng makita na bahagyang nakabukas ang bibig nya at handa na akong halikan. Pumikit na ako para hindi ko makita kung ano yung susunod nyang gagawin.

Alam kong malapit na ang mukha nya sakin dahil ramdam ko na yung mainit nyang hininga na lumalapat sa mukha ko.

This is my third kiss from Steven. Sya at sya lang talaga!

Nang maramdaman kong sobrang lapit na talaga ng mukha at labi namin ay naitulak ko sya ng mahina dahil sa gulat. Bigla kasing may nagdoor bell sa labas ng pinto. May tao? May bisita bang inaasahan itong si Steven?

"May bisita kaba?.."

"Wala.." Malamig nyang tugon sakin. Nagtaka ako kung bakit biglang nagbago yung ugali nya. Wala naman akong ginawang masama ah! Sungit!

Hindi kaya nadisappoint sya dahil hindi natuloy yung balak nya?

Tinanggal na nya ang pagkakayakap nya sakin at nauna ng tumayo. Ano bang problema ng lalaking yun? Hindi ko sya maunawaan!

Iniwan nya ako dito na nakahiga. Hindi nya man lang ako tinulangan na makatayo dito! Naupo sya sa sofa at binuksan yung tv. Nakakainis! Padabog akong tumayo at pumunta sa pinto para pagbuksan ng pinto ang kanina pa na nagdo door bell sa labas. Kahit pagbuksan yung tao hindi nya nagawa.

Pagbukas ko ng pinto nagulat ako ng makita kung sino yung taong nasa labas. Matamis syang nakangiti sakin habang nakamuwestra ang Paper bag na hindi ko alam kung anong laman.

Humalikip kip ako at tinaasan sya ng kilay.

"Ano naman yan?.."

"Ang ganda ng araw Linnalyn para magsungit.." Inirapan ko sya. Narinig ko syang tumawa kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Gusto mong pumasok?.."

"Pwede ba?.."

"Yayayain ba kita kung hindi?.." Masungit ko parang sabi. Ganito talaga minsan kay Rancee. Kahit na nagtataray ako sa kanya alam nya naman na lambing ko lang sa kanya yun. Sanay na sya sa pag uugali kong yun.

Umiling lang sya sakin. Niyaya ko na sya loob at nagtungo kami ng sala. Wala na din don si Steven na kanina lang ay nakaupo sa sofa. Pero yung tv nananatiling bukas.

Hindi ko malaman kung bakit ganon ganon nalang ang inasta nya.

"Naglilinis ka pala. Mukhang naistorbo pa kita. Aalis nalang ako.." Sabi nya habang nililinga linga ang mga mata.

Pinanliitan ko sya ng mata. ''kung kailan naistorbo mo na ako saka ka aalis. Umupo ka nalang dyan..."

Wala na syang nagawa kundi ang naupo nalang. Ang sama ko naman kasing tao kung paalisin ko sya agad diba.

''Teka! Ano ba yang dala mo?.." Lumapit ako sa kanya para matignan kung ano ang kanyang dala.

"Ito yung pasalubong ko from Korea. Hindi ko pa nabibigay kaya sinadya ko nalang dito sa condo mo.." Dire diretso nyang sabi. Napatango tango nalang ako at tumabi sa kanya para tingnan kung ano ang laman ng Paper bag.

Laglag ang panga ko ng malaman kung ano yung laman non. Is this real? Yung matagal ko ng gustong bilhin ay nasa mga kamay ko na ngayon.

"Rancee p-paano mo nalaman na gusto ko nito?.." Nagkakanda utal utal kong sabi habang ang mga mata ay titig na titig pa din sa rubber shoe's na laman ng Paper bag. Yah! Rubber shoes nga. Masyadong mahal ang brand na 'Fila' para mabilis kong mabili ito. Kulang ang isang b'wan kong allowance.

Pure white sya na may napaka kapal na swelas sa ilalim. Halatang napaka mahal nito.

"Hindi ko alam. Basta naisipan ko lang na bilin sayo. I didn't know na gusto mo pala nyan.." Medyo natatawang sabi nya.

"Gosh Ran. Promise 'di na kita susungitan.." Natutuwa kong sabi at mahigpit syang niyakap.

"Hoy! Hindi yan suhol ha?.." Mabilis akong tumango tango sa kanya. Kahit kailan talaga napaka bait ni Rancee. Hindi ko alam kung bakit hindi ko naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa kanya.

Gwapo si Rancee at talagang hinahangaan sya ng karamihan. Matangkad na lalaki. At kung titingnan para syang payat pero kapag nakita mo talaga kung anong tinatago sa loob ng kasuotan nya. Wag ka dahil baka makalimutan mo ang pangalan mo.

"LINNALYN CATE HICTOVE.."

Living With My CrushWhere stories live. Discover now