Chapter 22: HHWW

16 2 0
                                    


"Steven.." tawag ko ng wala sya sa aking gilid. Kinusot kusot ko ang aking mga mata bago bumangon ng kama.

"Steven.." tawag ko ulit habang lumalabas na ng kwarto. Saan ba sya nag punta? Ang aga aga. At saka sa pagkaka alam ko wala syang klase ngayon. Nasaan kaya yun?

Una kong pinuntahan ay yung kusina. Pero wala naman sya don. Nasaan naba ang Chino na yun? Sunod kong pinuntahan ay yung sala. Napahinto ako ng makita ko sya sa sala na nagbabasa ng isang magazine habang nakadikwatro. May iniinom din sya. Kung hindi ako nagkakamali tsaa iyon.

Sumandal muna ako sa pader para matitigan sya ng ilang segundo. Napapangiti ako kapag naaalala na akin na sya ngayon. Worth it ang pagiging crush ko sa kanya for how many years.

Simula nung fourth year high school ako ng nagsimula ang feelings ko sa kanya. Hindi nya alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi nga ako makapaniwala na tumagal ng ganoon ang pagka gusto ko sa kanya. At mas lalo akong hindi makapaniwala na akin na sya ngayon.

Mabilis akong lumapit sa kanya at naupo sa kanyang gilid. Yinakap ko ang kanyang braso at saka sumandal.

"Goodmorning.." Bati nya. Naramdaman ko pa ang paghalik nya sa tuktok ng ulo ko.

"Morning.."Bati ko pabalik. Kinuha nya ang kanyang braso na yakap ko at iniharap nya ako sa kanya.

Hinawakan nya magkabila kong braso at saka ako tinaasan ng kilay. Gosh! Yan na naman tayo sa kilay mo Steven.

"Morning lang?.."

"Bakit?.."Wala ideya kong tanong.

"I greeted you with goodmorning pero ikaw 'morning' lang. Tsk!.."Pairap nya akong tinalikuran at muling humarap sa kanyang binabasa. Sus! Nagsusungit na naman sya ang aga aga. Tampururot!

Napangiti ako ng wala sa oras. Pumunta ako sa bandang likuran nya at saka ipinulupot ang aking mga braso sa kanyang leeg. Ang style ay para akong nakabibit sa kanyang likuran.

"Goodmorning.." Bulong ko sa kanyang tainga. Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng matigilan sya sa pagbabasa.

"Tsk!.." Tanging sambit nya at muling nagbasa. Naalarma ako na may pasok pa nga pala ako ngayong umaga.

Tiningnan ko ang wall clock na mag aalas syete na.

"Steven bakit hindi mo ako ginising ng maaga. Alam mo namang may pasok pa ako ei.." pagalit kong sabi ng hindi pa rin tinatanggal ang mga braso sa kanyang leeg.

"Maaga pa.." Simple nyang sagot habang ang mga mata ay nananatili sa magazine na binabasa.

Maaga daw. Ang hirap kayang sumakay ng taxi pag ganitong Monday. Isa pa traffic pag ganitong araw. Kainis! Gusto ko ding sisihin ang sarili ko dahil inuna ko pa ang paglalandi dito kay Steven. Sama sa landi e.

"Alam mo namang mahirap sumakay ng taxi pag ganitong araw. Tapos 'di mo pa ako ginising. Kainis ka!.." Tampu tampuhan kong sabi. ''Malilig na ako.." Aalisin ko na sana ang mga braso ko na nakapulupot sa leeg nya ng mabilis nya itong hawakan para pigilan.

"Bakit?.." Imbis na sagutin nya ang tanong ko ay tumayo sya habang hawak ng isa nyang kamay ang mga kamay ko sa kanyang leeg.

Kaya ang resulta nadala ako at napulupot ko ang aking mg binti sa kanyang bewang.

"Steven baba mo ako.."

"I thought you were take a bath?.."

"Oo nga. Kaya ibaba mo na ako.." Hindi nya ako pinansin sa sinabi ko. Nagsimula na syang maglakad papunta sa kwarto habang ako naman ay nakapasan sa likod nya.

"Steven mahuhulog ako.." Sabi ko ng maramdaman ko na medyo nalalaglag ang katawan ko.

Iniayos nya ako at hinawakan ang magkabila kong hita. Napalunok ako ng laway at natahimik don sa ginawa nya. May kung anong kuryente akong naramdaman ng lumapat ang mga palad nya sa hita ko. Nakashorts lang ako kaya ramdam na ramdam ko ang init non.

"Steven yung kamay mo.." Namumula kong saway ng maramdaman ko ang dalawa nyang kamay na gumagapang papunta sa pang upo ko.

"What?.." painosente nyang tanong.

"Yung kamay mo gumagapang.." Kita ko ang pamunula ng tainga nya dito. Kinikilig ba sya?

"Hindi lang kamay ko ang gumagapang, Linna. Pati ang katawan ko.." Nang aakit nyang sabi. Biglang lumukso ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang alam ko ang pino-point nya don ah!

Hindi ko nalang sya sinagot dahil hindi ko rin alam kung ano ang itutugon ko.

Ibinaba nya na ako ng makapasok sa loob ng kwarto.

"Labas na.." pagtataboy ko at tinulak pa sya palabas ng pinto. Pinanliitan nya ako ng mga singkit nyang mata. Kaya naman agad ko ng sinara ang pinto. Napakagat ako ng ibaba kong labi para pigilan ang aking kilig.

Mabilis lang akong natapos sa paggagayak ko para sa pagpasok. Konting ayos lang ulit bago ako lumabas ng pinto. Nagulat pa ako ng madatnan si Steven sa gilid habang nakahalukipkip.

Mabilis syang napaangat ng tingin sakin.

"Ihahatid na kita.." Sasagot na sana ko ng bigla nyang kuhanin ang aking bag at kamay.

Ano 'to? HHWW?

Gosh! Kinikilig ako!

Living With My CrushWhere stories live. Discover now