Mabilis lang naman kaming natapos ni Rancee sa pamimili ng grocery kaya maaga din akong nakauwi ng condo.Kaya lang nagtaka ako kung bakit wala si Steven sa condo. Nauna naman syang umuwi sakin. Kaya bakit wala pa sya?
Hindi kaya nagdate sila nung bagong transfer? Biglang nag init ang ulo ko at umusok ang aking tainga.
Iisipin ko palang nang gagalaiti na ako sa selos at galit.
Ipinagsawalang bahala ko muna ang pag iisip ng bagay na yun. Baka mas lalo lamang mag init ang ulo ko. Naligo muna ako dahil medyo naglalagkit ang leeg at katawan ko.
Ilang minuto din ang inilaan ko sa bathroom bago matapos.
Muli kong tinangnan ang oras. Mag aalas nuebe na ng gabi pero wala parin si Steven. Kinuha ko nalang yung phone ko para matawagan si Tita Carol.
Nakailang tawag siguro ako pero nagri ring lang sya. Bakit hindi sumasagot si Tita sa tawag ko?
Siguro busy si tita sa kompanya ngayon.
Pabalik balik ako ng lakad. Takte anong oras na pero wala parin sya. Nasaan ba yung lalaking yun? Hindi man lang sya nagsabi.
Hays!
Natigilan ako ng biglang pumasok sa isip ko yung pinag uusapan nilang 'Her' ni Nicho.
Hindi kaya kasama nya ngayon yung her tinutukoy nila nung nag tatalo sila ni Nicho sa CR. Pero pwede rin yung bagong transfer kasi sila lang naman dalawa ang huli kong nakita na magkasama. Pero sa kabilang gilid ng isip ko ang sinasabi ay yung 'Her'. Sino ba kasi ang babaeng yun? Gaano ba sya kahalaga don sa dalawa?
Napabaling ang atensyon ko sa pinto ng may mag doorbell. Tumakbo na ako papalapit don.
Hindi ko muna binuksan. Pinakinggan ko lang muna kung mag sasalita sya. Pero wala akong boses na narinig.
Naku baka holdaper 'to o kaya naman ay rapist.
Muli syang nagdoor bell.
"S-Sino yan?.." Nanginginig kong tanong. Bakit kasi nang iiwan mag isa to si Steven. Paano kung may rapist dito at reypin ako? Juice ko lord. Hindi ko maimagine na nirerape ako.
Alam nya namang babae ako tapos iiwan nya akong mag isa dito?
"Open *hik* the *hik* door *hik* Linna.." Teka yung boses na yun.
Mabilis pa sa alas kwatro ng buksan ko yung pinto.
"Steven.." Nadatnan ko sya sa labas na nakaupo sa sahig ng buksan ang pinto. Pero bakit ba sya lasing? Anong trip nito?
"Bakit kaba lasing?.." Iniakbay ko ang braso nya at inakay sya papasok sa loob.
Muntik pa kaming matumba dahil medyo hindi ko sya kaya.
Nang makapasok ay iniupo ko sya sa sofa.
"Bakit kaba lasing?.." Ulit ko sa tanong ko kanina. Tulad kanina ay hindi nya ako sinagot. Nakapikit ang mga mata nya at nakasandal sa head rest ng sofa ang ulo. Bahagya pa ngang nakabukas ang bibig nya.
Teka ano ba gagawin ko sayo? Bimpo at maligamgam na tubig. Tama!
Kumuha ako ng basang bimpo at isang plangganang maligamgam na tubig.
Ipinunas ko yun una sa mukha nya.
Napakalakas ng amoy ng alak na ininom nya.
Mukang masarap yung tulog nya dahil sa kalasingan.
Ano ba kasing trip nito at naisipan nyang magpakalasing?
"Linna?.."
"Ha?." Gulat kong sambit ng magmulat sya ng mata ay taimtim akong tinitigan.
Feeling ko huminto yung oras ng matitigan ko sya ng malapitan. Maya maya ay bigla syang ngumisi na ikinawindang ko.
Naninibago ako kay Steven the way na nginingiti sya sakin.
Umalis sya sa pagkakasandal sa sofa at nagulat nalang ako ng bigla nya akong yakapin.
Parang bigla akong hindi makahinga sa ginawa nya.
"May problema ba, Steven?.." Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakayap sakin.
"Wò aì ní, Linnalyn.."
YOU ARE READING
Living With My Crush
RomantizmSa hindi inaasahang pagkakataon magsasama sa iisang bahay sila Linnalyn Cate Hictove at Steven Kurt Lim para pag aralan kung paano i'manage ang kompanya ng kanilang mga magulang. Ano kaya ang posibleng mangyari sa kanilang dalawa sa iisang bahay? M...