Chapter 17: Anneong~hasaeyo

25 1 0
                                    


KINABUKASAN ng umaga. Maaga akong nagising kahit na hindi ako gaanong makatulog kagabi.

Dumagdag pa yung sinabi ni Steven sakin kagabi. Bukod sa hindi ko gaanong narinig or should I say hindi malinaw ang pagkakarinig ko ay hindi kopa maintindihan. Sa ngayon buntong hininga nalang muna ang magagawa ko.

Sa mga oras na 'to tulog parin si Steven.

Kinuha ko yung wallet ko para bumili ng breakfast kung saan man makakabili.

Mabilis lang naman ako nakababa sa lobby.

Maglalakad nalang ako kesa magtaxi. Exercise din naman ito, by the way.

Kaya lang halos ng restaurant na meron dito ay sarado pa. Hindi ko tuloy alam kung saan ako bibili.

Naglakad pa ako ng ilang hakbang hanggang sa makarating ang mga paa ko sa isang karinderya. Maliit lang na karinderya pero napakaraming tao ang nakapila.

Mukang masarap naman yung tinda nila kaya pinipilahan. Lumapit nalang din ako para makita kung ano ano yung tinda. Napalanghap ako ng maamoy ang mabango at mainit na lugaw.

Aaminin ko na hindi ako sanay kumain sa mga ganitong lugar dahil kung titingnan ay mukhang madumi. Pero sabi nga nila diba. Don't judge the book by it's cover.

"Hi miss beautiful. Anong sayo?.."

"Ha?.."

"Anong sayo?..'' Napakunot ang noo ko. Anong sayo? Nagko Korean ba si Ate. Pero sa itsura nya hindi naman sya mukang koreana.

"Anneong hasaeyo.." Nagbow pa ako. Pero agad din akong napa angat ng marinig ang malakas nilang tawanan. Bakit sila tumatawa?

"Aba, Korean kaba ineng?.."Tanong sakin nung matandang lalaki na natatawa pa ata. Tama. Korean words nga yung sinabi ko.

"Hindi po.."

"Hindi pala. Eh, bakit ka nagko Korean?.." Sabi naman ni Ate. Siguro asawa 'to nung lalaki. Mga nasa 30's or 40's na siguro ang mga edad nila.

"Eh kasi po--.."

"Hay naku. Kakanood yan ng mga Kdrama at Kpop noh? Naku. Ganyan din yung mga pamangkin ko, ineng.." Natatawang sabi ni ate.

Hindi naman ako masyadong babad sa kakapanood ng kdrama. About naman sa Kpop hindi rin ako mahilig don. Si Maddy ang mahilig sa Kpop at hindi ako yun.

"Dahil napatawa mo kami may discount ka.."

"Naku wag na po.." iiling iling kong tanggi.

Nakakahiya naman kasi. Dahil lang napatawa ko sila may discount na.

"Magandang pangpa bwenas 'to ineng kaya wag kanang tumanggi.."

"Hindi na po kailangan.."

"Wag kanang tumanggi ineng.."

"Okay.." Pagsuko ko na. Mapilit si Ate ei.

Ipinaglagay nya ako sa tig isang plastik ng lugaw at nung lomi.

Bitbit ang dalawang plastik ng Lomi at lugaw ay naglalakad na ako pauwi sa condo.

Masaya ang umaga ko dahil may napatawa ko yung mag asawa at iilang customer.

Siguro bang kapal na ng tutuli sa tainga ko kaya ang akala ko nagko Korean si Ate. Medyo napahiya ako nung una pero ayos lang. Mababait din silang tao. Alam ko yun dahil ramdam ko una palang.

Napatigil ako sa paglalakad papasok ng lobby nang makita ang taong yun sa tapat ng elevator na hinihintay na magbukas.

Nagtago ako para hindi ako makita kung sakali man.

Anong ginagawa nya sa ganitong oras?

Alas ot'so pa lang ng umaga. Paano nya nalaman na dito nakatira si Steven. Ganon naba sila kaagad kaclose?

Pero nanlaki ang mga mata ko ng makita na lumabas si Steven sa elevator.

Parang biglang tinusok yung puso ko ng makita ko silang dalawa.

Saan sila pupunta ng ganitong napaka aga? Sabado rin ngayong araw. Kaya anong dahilan para umalis silang dalawa?

Kita ko mula dito ang paglingkis ng mga braso nung bagong transfer sa braso ni Steven.

Ang lakas naman ng loob nya na gawin yun. Eh, ako nga hindi ko magawa gawa yan kahit na sa iisang bahay lang kami.

Feeling ko naluluha na yung mga mata ko sa mga oras na ito.

Iniangat ko yung hawak kong plastik.

Bumili pa naman ako ng breakfast para may makain sya dahil alam kong lasing na lasing sya kagabi. Kahit papaano naman may concerned ako sa kanya. Pero sya?

Concerned ba sya sa nararamdaman ko ngayon?

Living With My CrushWhere stories live. Discover now