Sh*t! Nakakabwisit ang araw na 'to.Nanggigigil ako don sa driver ng Mercedes na yon. Urgh!
Gigilitan ko talaga ng leeg kung sino man sya.
At sobrang proud talaga ako sa sarili ko ng ma-memorize ko ang plate number nya. Pero deep inside talaga nanggigigil ako.
Lahat ng nakakakita sakin pinagtatawanan ako. Nakakahiya talaga! Bwisit! Bwisit yung driver na yun!
Pagkauwi ko ng condo ay nadatnan ko si Steven na nasa sala at nanonood ng Cdrama. Kahit mukhang maganda hindi ako related. Hindi ko maintindihan kung ano mga linyahan nila dyan.
Lumapit ako sa at pinaglalagay ang pinamili ko sa coffee table.
Nag iinit talaga ang ulo ko.
"What happened to you?.."May pagtatakang tanong nya. Kung sabagay sino ba naman ang hindi magtataka kung ganito ang itsura mo. Puro putik na nga ang damit basa pa.
"Naligo sa putik.."Sarcastic kong naging sagot at iniwan na sya para pumunta na ng CR.
Puti pa naman itong suot kong t-shirt.
Napahinto ako sa pagpasok ng CR ng marealize ko yung naging sagot ko.
OmoGash! Nasabi koba talaga yun? Nasagot koba talaga sya ng sarcastic? P*ta Linnalyn, proud na ako sayo!
Hindi ko inaasahan na lalabas iyon sa bibig ko. Baka sanhi 'to ng pagkabwisit ko sa driver ng Mercedes na yun.
Mabilis lang ako natapos maligo. Pinatuyo ko muna yung buhok ko bago ako lumabas.
Dahan dahan lang ako sa paglakad papunta sa sala. Shete! Bakit ba kasi walang filter 'tong bibig ko?
Pero bakit naman ako natatakot sa kanya?
Eh kasi mahal mo!
Sabi ng utak ko. Pati utak ko nakikisang ayon.
Eh sa totoo naman kasi diba?
Oo na. Ako na inlove. Masama ba yun?
Tinakpan ko ng buhok ang aking mukha. Hutaaa lord kuhain nyo na nga ako. Ready na ako ngayon.
Sarap putulin ng dila ko.
"Anong ginagawa mo?.."
"Ay p*ta.."Napahawak ako sa bibig ko. Takte ka talagang bibig ka. Pinapahamak moko. Kung ano ano lumalabas d'yan sa bibig mo. Kakahiya ka!
"Sinong Puta?.." Napalunok ako ng laway. Hindi nya ba alam yung Puta?
''Yung puta, puta.." Tinaasan nya ako ng kilay. May hawak syang isang basong juice. Mukhang galing sya ng kusina.
Malamang Linna sa kusina sya galing alangang sa CR sya kumuha ng juice diba?
"Yung Puta, puta?.." Ulit nya pa. Hindi nya ba talaga alam yung meaning non?,
"O-Oo.." Bakit ako nauutal.
"Okay.."Tinalikuran na nya ako at muling bumalik don sa sala.
"Wooo. Intense non a. Buti hindi sya bismode?..'' Bulong ko sa aking sarili
Pumunta na din ako don para gawin yung project ko.
Ngayon ko lang din napansin na may mga pinamiling project itong si Steven. Actually nasimulan nya na yun.
"May project ka din pala.."Tanong ko kahit na alam ko naman.
Ang tanga ko magtanong. Nakikita ko na nga diba? Ano ba Linnalyn paano ka naging Valedictorian kung ganyan ka?
"Isn't obvious?.." Sabi ko nga ei.
"Pasalamat ka, crush kita.."Bulong ko.
"What did you just say?.."Napatingin ako sa kanya.
Kunot ang noo nya na nakatingin din sakin.
Umiling ako.
"Bingi ka pala. Pasalamat ka talaga crush kita.." Bulong ko ulit. Hindi naman nya maririnig yun.
Bingi kasi!
"What?.."
"Ay Crush kita.." Dahil sa lakas ng boses nya ay nagulat ako at yung salita na kanina na binubulong ko lang ay naisigaw ko sa kanya.
"W-what?.." Hindi nya ba narinig o sadyang gusto nya lang na ulitin ko.
Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling yung paningin ko.
Nahihiya ako sa kanya. Napaamin ako ng wala sa oras.
Juice colored.
Gusto ko na talagang putulin itong dila ko.
"W-Wala yun.." Tatayo na sana ako ng bigla nyang higitin ang braso ko kaya napaupo ako sa lap nya.
Nanlaki ang mga mata ko dahil don.
"S-Steven.." Nang magtangka akong tumayo ulit ipinulupot nya ang kanyang mga braso sa bewang ko.
Muli na namang lumukso ang kabog ng dibdib ko.
Naiilang ako sa posisyon namin. Nag iinit din ang pisngi ko.
Sheteeee!
"Just say it again.."
"Ang alin?.." Kahit alam ko naman kung ano yun nag mamaang maangan lang ako.
Tinaasan nya ako ng kilay. Juice ko Steven wag kang ganito. Hindi ako sanay. Mas lalo lamang akong nahuhulog sayo.
"If you didn't say. I will.." Naitukod ko ang aking dalawang kamay sa kanyang malapad na dibdib ng ilapit nya ang mukha nya sakin.
"I will kiss you.."
Bakit ako pinagpapawisan? Kakaligo ko lang ah!
Napalunok ako ng sunod sunod. Natutuyuan ako ng laway sa lalamunan. At saka pinag papawisan na talaga ako.
"Madami akong sinabi. A-Ano ba dun?.." Nagkakanda utal utal na ako. Hindi din ako nakatingin sa mga mata nya.
Anu ba Steven? Sinapian kaba? Bakit ganito ang kinikilos mo ngayon?
"Ayaw mo?.." Sa paraan ng boses nya para syang nagbabanta.
Umiling ako.
Amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga sa lapit ng mukha nya sa mukha ko.
Kahit na alam ko kung ano yung dapat kong sabihin hindi ko sasabihin.
Kung hindi nya narinig edi hindi.
"Ayaw mo talaga ha.." Walang kahirap hirap nyang tinanggal ang mga braso kong nakatukod sa kanyang dibdib.
Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at tumitig sa mga mata ko.
Kung kanina ay doble ang kabog ng puso ko ngayon ay triple na.
Iniiwas ko ang tingin ko sa mata nya.
Yung maiinit nyang kamay ay nananatili pa rin sa magkabila kong pisngi. Ramdam ko ang init ng palad nya.
"I said I will kiss you if you didn't say it again, right?.." Sa boses nya para syang nang aakit
Unti unti nyang inilapat ang kanyang mapupulang labi sa labi ko.
Para akong nanigas sa kandungan nya ng ilapat nya ang kanyang labi sakin. Ramdam ko din na gumalaw iyon.
May parang kung ano ang gumapang na insekto sa tiyan ko dahil sa kiliting nararamdaman ko.
Nag iimagine na naman ba ako? Kasi kung Oo sana wag na 'kong magising sa imahinasyong 'to.
YOU ARE READING
Living With My Crush
RomanceSa hindi inaasahang pagkakataon magsasama sa iisang bahay sila Linnalyn Cate Hictove at Steven Kurt Lim para pag aralan kung paano i'manage ang kompanya ng kanilang mga magulang. Ano kaya ang posibleng mangyari sa kanilang dalawa sa iisang bahay? M...